"Opo tita." magalang na sagot ko.

"Pero kasi sabi ng anak ko na girlfriend ka niya. Kaya nagbago na ang isip ko, kayo na lang ang ipapakasal ko isn't that great?" masiglang sabi nito samin at nakangiti pa ng todo.

Napatawa ako ng mahina at pilit.
"Ahh tita di po talaga pwede eh." sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi? Mahal mo naman ang anak ko hindi ba? Ayaw ba ng parents mo ija?" malumanay na tanong niya.

"Tita kasi po..." di ko na alam kung anong irarason ko tapos tong kasama ko wala man lang ginagawa.

Sinipa ko nga si Denver.

"Aww." reklamo niya.

"Anong nangyari sayo anak?" tanong ng mommy niya.

"Ahh wala ho." sagot ni Denver. "Mommy wag niyo namang takutin si Xyriel baka hiwalayan ako ng niyan bigla."

"Hindi ko naman siya tinatakot anak." sabi ng mommy nito. "Gusto ko lang malaman kung okay lang ba sa kanyang pakasalan ka."

"Mommy masyado pa pong maaga para jan." giit ni Denver.

"Walang maaga kung mahal niyo naman ang isa't isa." sabi naman ng mommy niya.

"Xyriel?" pareho kaming napalingon nang may tumawag sa pangalan ko.

Omg!

"Tristan!" gulat na sabi ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa amin. "Ahmm hello po maam." baling niya sa mommy ni Denver nang makita niya ito.

"Ahhh eh sino ka naman ijo?" tanong nung mommy ni Denver.

"Kaibigan po namin mommy." agad na sagot ni Denver.

"Ohhh, join us ijo." nakangiting sabi ng mommy ni Denver.

Mas lalo akong na awkward sa sitwasyon. Ba't kailangan pa kaming makita ni Tristan dito!

"San na nga ba tayo kanina?" sabi ulit ng mommy ni Denver.

"Ahmm mom I think we should stop talking about that, let's just finish this kasi baka ma-late pa kami." palusot ni Denver.

"Bakit, anong oras pala klase niyo?" tanong ni Tristan bigla.

"1:30 pm." sagot ni Denver.

"I thought it's 3." sabi naman ni Tristan.

Ugghhh pwede bang makisakay na lang siya?

Di ko maiwasang mapairap dahil sa nangyayari.

"Xyriel!" halos lumabas ang kaluluwa ko nang marinig ko yung boses ni Kai.

Di ako nakagalaw. Para akong na estatwa dito sa kina-uupuan ko.

"Girl nandyan yung kapatid mo." bulong bigla ni Denver.

Gusto ko siyang sagutin na

'gaga di ko yan kapatid, asawa ko yan.'

"Alam ko." sagot ko na lang.

"Do you know him ija?" tanong ng mommy ni Denver sakin.

"Opo." sagot ko. "I think I should go now, sorry ho." sabi ko at kaagad na tumayo para lapitan si Kai.

Ayaw ko na magkagulo pa dito.

Pero pagkaharao ko kay Kai ay nakita ko naman kung sino ang kasama niya. Agad na naningkit yung mga mata ko pero mas pinili kong di pansinin si April dahil baka mas lalo lang kumulo ang dugo ko.

Agad kong hinawakan yung kamay ni Kai at hinila siya palabas pero nabaliktad rin yung sitwasyon at ako na yung hila hila niya ngayon.

"Xyriel ano ba? Akala ko ba okay na tayo?!" pagalit na bulyaw niya sakin nang makalabas na kami.

"Kai please I'll tell you everything pag naka-uwi na tayo, wag lang tayong mag eskandalo dito." mahinang sabi ko sa kanya.

"Okay let's go home and better tell me an acceptable reason Xyriel." nangingit na sabi niya.

Papasok na sana kami sa kotse nang tawagin naman ako bigla ni Denver.

"Ikaw pare ano ba talagang problema mo ha." galit na sabi sa kanya ni Kai.

"Kai please." pilit kong pinipigilan si Kai pero tinapik lang niya yung kamay ko.

"Kaizer wala kaming ginagawang masama ni Xyriel, wag kang magalit sa kanya." mahinahong sabi ni Denver sa kanya.

"Wala?" sarkastikong tanong ni Kai. "Gusto mong basagin ko yang pagmumukha mo ha."

"Kai!" sigaw ko sa kanya.

Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Denver. Halatang nagulat siya sa inaakto ni Kai ngayon.

"Teka naman, bat ka ba galit na galit eh kaibigan naman ako ng kapatid mo." sabi ulit ni Denver.

"Di ko siya kapatid! Asawa ko siya. Gago!" galit na bulyaw ni Kai kay Denver.

Mas lalo lang nanlaki yung mga mata ni Denver. Nakabuka na rin yung bibig niya.

"Layuan mo na siya." pahabol pa ni Kai bago niya ako tuluyang hinila palapit sa sa kotse.

"I'll explain everything Denver." sigaw ko dito para marinig niya.

Sinamaan ako ng tingin ni Kai.

"Wag ka ng makikipag-usap dun!" asik niya sa akin.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka galit. Nanginginig na yung katawan niya sa sobrang galit.

Napalunok tuloy ako.

---------

VOTE
COMMENT
RECOMMEND
BE A FAN

Never_TheLess

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now