PWMIYD-20

587 27 1
                                    

Xyriel's POV


Naalimpungatan ako nang may biglang nagdoorbell. Sa sala lang kasi ako natulog kasi hinihintay ko si Kai. Alam ko namang magagalit siya sa oras na malaman niya yun pero sinabi ko pa rin, ayaw ko kasing may tinatago sa kanya lalo na kung ganung bagay.

Bumangon na ako at lumabas.

"Asawa ni Kaizer! Nako pasensya na talaga, nalasing ko yung asawa mo." sabi agad nung lalaking kasama ni Kai. Siguro kaibigan niya...

Pinagbuksan ko kaagad sila ng gate.

Tumunghay si Kai at tinignan ako.

"Luke ba't ko nakikita ang asawa ko ngayon? Lasing na talaga ako, ba't pati dito eh siya pa rin nakikita ko bro? Hahaha baliw na ako." sabi bigla ni Kai at tumawa pa. Sira talaga.

"Sorry talaga ah first time nating magkita pero ganito pa ang sitwasyon, pasensya ka na." sabi naman nung kaibigan ni Kai.

"Okay lang yun, pasok na kayo." sabi ko tsaka siya tinulungan kay Kai.

Medyo lasing na rin naman tong kaibigan ni Kaizer, halata kasi sa paglalakad namin.

"San ba yung kwarto niyo at dadalhin ko tong si Kaizer?" tanong nung kaibigan niya.

Tinuro ko na yung kwarto at inalalayan sila papunta doon. Agad niyang binagsak si Kaizer sa kama.

"S-sige alis na ako ah." paalam nito.

"Teka lang..." pigil ko. "Ahmm ano lasing ka kasi kaya kung gusto mo pwede kang matulog sa kabilang kwarto at bukas ka na lang umuwi." alok ko sa kanya.

Ngumiti naman ito. Ang gwapo niya....
Di naman masama na mag-appreciate ng kagwapuhan ng tao hindi ba?
"Talaga? Salamat ha." hinawakan niya pa yung balikat ko nang muntik na siyang natumba.

"Hoi! Fvck you Luke! Bitawan mo yang asawa ko! Puputulan kita ng kamay!" angal bigla ni Kai at biglang tumayo.

Lumapit ako kaagad sa kanya at pinahiga siya ulit.

"Matulog ka nga Kai." sabi ko dito.

Pinikit naman nito ang mga mata niya.

"Ihahatid na lang kita sa kabilang kwarto Luke." baling ko dun sa kaibigan ni Kai.

Patayo na sana ako nang bigla akong hilain ni Kai kaya napahiga ako sa kama nang wala sa oras.

Tumawa naman si Luke samin.
"Okay na, ako na lang mag-isa pupunta dun mukhang ayaw kang bitawan ng seloso mong asawa."

Nag-init bigla ang mukha ko.
"S-sige dun lang sa right side nito ang kwarto." sabi ko.

"Sige salamat." sabi niya bago naglakad palabas.

Agad kong binaling ang tingin ko sa katabi ko ngayon nang makalabas na si Luke.
"Kai ba't ka ba nagpakalasing?" tanong ko sa kanya habang hinahawin yung hibla ng buhok na tinatakpan ang gwapo niyang mukha. Medyo mahaba na yung buhok niya, kailangan na niyang magpagupit....

Bigla na lang siyang gumising at mariin akong tinignan.

"Xyriel..." tawag niya sakin.

"Hmm?"

"Sorry kanina at nagalit ako sayo, di ko sinasadya." nakapikit na siya ngayon.

Biglang lumambot ang puso ko, parang hindi ko lubos akalain na may ganitong side si Kaizer.
"Ako dapat ang magsorry." seryosong sabi ko at hinaplos yung mukha niya.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}On viuen les histories. Descobreix ara