PWMIYD-29

488 20 1
                                    

Xyriel's POV

Nakatitig lang ako kay Kai at di pa rin nagsasalita. Nakita ko na lang na lumapit na ito sakin.
"Hey Xyriel may problema ba? Anong nangyayari dito?"

"W-wala Kai, tara uwi na tayo; sa bahay na lang tayo mag-usap." sagot ko sa kanya.

Sinilip niya pa si Denver na nasa likuran ko habang nakakunot ang noo.
"May ginawa ba sayo ang lalaking yun?"

"Kai wala!" I snapped.

Tinignan lang niya ako.
"Uwi na tayo" sabi ko at hinila siya.

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong kumuha ng tubig ng uminom.
"Xyriel may mali talaga, ano bang nangyari kanina?" usisa ulit ni Kai.

"Sa kwarto tayo." sagot ko. Nakita ko pa siyang ngumiti, ewan ko kung bakit; kaya di ko na lang pinansin.

Nilock ko yung pinto pagkapasok naming dalawa sa kwarto. Nang humarap ako sa kanya ay sinalubong niya kaagad ako ng mapaglarong ngiti.
"Hindi ko alam na gusto mo na rin tong gawin." kaya naman pala ngumiti, nag-iisip na naman nang kung ano. Manyak talaga.

I rolled my eyes.
"Sira! Hindi yun ang gagawin natin dito!"

Sumimangot naman ito.
"Ano pala?" inis na tanong niya.

"Pwede ba wag ka munang maging manyak, mas nahihirapan akong sabihin yung problema sayo eh."

"Psssh oo na, magbebehave na; now tell me anong nangyari at ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" seryosong sabi nito at lumapit sakin.

"S-si Tristan kasi." pagsisimula ko.

"What about him?"

Pina-upo ko siya sa kama.
Huminga muna ako ng malalim bago sinabi sa kanya ang ginawa ni Tristan kanina.




Tumayo siya bigla.
"Fvck him! Papatayin ko yung tarantadong yun!" sigaw niya nang malaman niya ang ginawa ni Tristan.

"Kai shhh huminahon ka." awat ko dito.

"Huminahon? Hindi ko yun kayang gawin Xyriel! After knowing what he has done, you can't expect me to just calm down!" malakas na sigaw nito.

"I know I know pero kung ano man yang gagawin mo, that won't do anything good. Nandun naman si Denver and I know may ginawa na siya para kay Tristan." mahinahong sabi ko.

He ran his fingers through his hair.
"Ano okay ka lang ba? May ginawa ba ang gagong yun sayo? Sinaktan ka ba niya?" natatarantang tanong niya sakin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

I reached for his hand.
"Wala, mabuti na lang at dumating si Denver."

"Denver? Kaya ba nandun din siya kanina?" tanong niya sakin.
Tumango ako.

He sighed.
"Thank God, mabuti na lang at nakita niya kayo. Mabuti na lang talaga."

Hinila niya ako palapit at niyakap.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sayo."

Niyakap ko siya pabalik.
"Kaizer okay na. Okay lang ako."

"Simula ngayon ihahatid at susunduin na kita araw araw."

"O-okay."

Humiwalay na siya ng yakap. Sayang! Ba't naman ang dali lang?
Gusto ko pa siyang kayakap eh.

"Teka nga anong ginawa ni Denver? Sinuntok niya? O sinampal." di ko mapigilang di matawa. He's asking seriously, pero nakakatawa kasi na naisip niyang sasampalin lang ni Denver si Tristan dahil lang sa bakla ito.... Bakla nga ba?

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon