PWMIYD-11

675 29 2
                                    

Xyriel's POV

It's been days simula nung birthday ni Kai pero wala pa ring nangyayari, he's still acting cold and when I'm around ay agad siyang lumalayo. Gabi na rin siya umu-uwi palagi para di ko na siya maabutan at pag gising ko naman ay tulog pa siya. Di na talaga nagkaka-usap ng maayos.

"Okay lang yan ija, magkakaayos din kayo ng asawa mo, mawawala din ang tampo nun." sabi naman sakin ni manang na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan, nakatalikod siya sakin.

"Ang tanga ko din naman kasi manang, magdadalwang taon na kami kasal at simula nung bata pa ako ay kilala ko na siya pero ngayon ko pa talaga nakalimutan ang birthday niya." sabi ko kay manang. "I'm so dumb."

He's already 23 now and next month, February 25 ay birthday ko na, I'm turning 20 by that day and at the same time ay 2nd anniversary namin yun. Baka pati birthday ko eh makalimutan ko na din.

"Ija ano ba kasi talaga ang nangyari at late kang naka-uwi nun?" tanong niya.

Napakagat ako sa labi ko. Nakakahiya yung rason eh!

"Ahhh nakakahiya po eh." mahinang sagot ko habang naka-yuko

"Hay nako kayo talagang mga bata kayo. Wag mo ng masyadong problemahin yung nangyari, di ka rin matitiis nung asawa mo." sabi ni manang sakin habang inaayos niya yung mga pinggan sa lalagyan nito.

"Paano niyo naman nalaman na di ako matitiis ni Kai? Eh di nga ako kinakausap eh." natanong ko bigla.

"Mahal ka eh." simpleng sagot ni mamang.

Napatawa ako bigla. Mahal? Lol! What a joke.

"Manang talaga..." sabi ko.

"Nako ija malala na yang kamanhiran mo." sabi pa ni manang, napataas tuloy yung kilay ko.


"Manang? Talaga? Grabe naman kayo."


Tinawanan lang ako ni manang.
"Oh sige maiwan muna kita at maglalaba pa ako." paalam niya.

Napabuntong hininga ako. Wala pa namang pasok ngayon at wala ako sa mood gumala. Nabobore na ako pero ayaw kong lumabas kasi gusto kong maka-usap yung asawa kong matampuhin!


Pumunta na lang ako sa living room. Napatingin ako sa mga nagkalat na magazine at kung anong libro, haist aayusin ko na lang muna to.

Habang nag-aayos nung mga gamit na nagkalat ay nahagip ng mga mata ko yung photo album namin ni Kai sa kasal namin. Naisipan kong buksan yun. Ngayon ko pa lang bubuksan to, naiinis kasi talaga ako pag naaalala kong kinasal ako sa kanya...


First picture pa lang eh mukha na ni Kai na naka frown, bata pa siya dito mga 8 years old pa. Di lang pala pictures ng kasal ang nandito, pati nung mga bata rin kami.

Pinagpatuloy ko yung pagtingin sa mga pictures.

May picture kaming magkasama habang naglalaro sa duyan. Ako yung nakasakay at tinutulak niya ako.

Ang laki ng tawa namin dito, imagine naging magkaibigan pala kami; di ko na maalala.

Next page eh pictures na ng kasal. Wala atang picture dito na nakangiti ako ng totoo, puro poker lang.

Weeii di ko alam na may picture pala yung kiss namin. Nakaka-awkward naman tong picture, di kasi nakapikit ang mata ko; halatang nagulat. Leche kasi tong si Kai, sinabihan ng wag eh pero ginawa pa rin at simpleng smack yung ginawa niya! Naramdaman ko pa nga yung pag-galaw ng lips niya nun. Bat ko ba yun naalala? Ugghh erase!

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now