PWMIYD-8

676 33 10
                                    

Xyriel's POV

Tapos na yung klase ko pero hindi pa ako umuuwi. Mag-isa lang ako ngayon kasi si Denver ay may ginagawang importante daw. Yun yung sabi niya eh! Baka nakikipaglandian na naman yung baklang yun. Sana lang masabi na niya sa parents niya yung totoo.

Napapikit ako habang dinadama yung hangin.

"Problem?" nagulat na lang ako nang may biglang tumabi sakin habang nakaupo ako dito sa damuhan. Napadilat na din ako.


Palagi akong nakatambay dito pag gusto kong magmuni-muni.


"Hmmm family problem lang." sagot ko sa kanya.

"May maitutulong ba ako?" tanong niya naman.

Tinignan ko siya tsaka ngumiti. Nag-isip ako ng bagay na makakapag-pasaya sakin.

"Libre mo ako sa EK!" ako na ang makapal ang mukha! At isip bata... Sana naman di siya maturn off sakin haha

"Yun lang ba? Sure!" sagot naman niya. Ay pumayag! Yessss!


"Talaga?" paninigurado ko.


"Oo, tara na." sabi niya sakin.

Tumayo na ako tsaka sumama kay Tristan. Date ba to? First date namin?! Eyyyyhhh

"Bat gusto mong mag EK?" tanong niya habang nandito kami sa kotse.


"Para maging masaya ako." sagot ko.

"Eh bat ka ba malungkot?" tanong niya ulit.

"Wag na nating pag-usapan, gusto kong makalimot." sagot ko naman.


"Ohh okay. Then promise di yun natin pag-uusapan para maging masaya ka na." nakangiting sabi niya sakin.


******

"Wooooohhhh." sigaw ko habang sumasakay kami sa rollercoaster.


"Waaaahhhh!" sigaw din naman ni Tristan. Naisip ko bigla si Denver kung siya yung kasama ko dito baka mas malakas pa ang tili nun sakin. Pero kung si Kai naman yung kasama ko.....ay nako nevermind malabo mangyari yun, kuripot yun eh! Siya yung tipong wala daw pera pero pag sa babae marami naman tssskk.

Bat ko ba kasi iniisip yung taong yun? Hmmpp

Sinungaling at flirt! Walang isang salita. Nakakasakit lang ng ulo! Magsama sila ng parents ko.

Nawala yung iniisip ko nang biglang magsalita si Tristan.

"Ano gusto mong sakyan next?" tanong niya sakin.

"Yun!" tinuro ko yung barkong parang dinuduyan sa ere.

"Nice! Tara!" sabi niya naman.

Pumila na kami para dun sa ride.


"Shiiitttt!" sigaw ko, halos gusto ng lumabas ng kaluluwa ko.

Ugghhh nasusuka ako!!!!!

Ganito pala to? Ayaw ko na!!! Di na ako uulit!!!

Pagkababa na pagkababa namin ay agad akong dumiretso sa restroom.


Tinatawanan lang ako ni Tristan nang makita ko siya.


Pabiro ko siyang pinalo para tumigil siya sa pagtawa.

Napagdesisyunan naming kumain na lang muna.

"Ang cute cute mong tignan." sabi niya sakin

Pwedeng kiligin? Ikaw ba naman sabihan ng crush mo na cute? Waaaahhhh!

Pinahiran ko na lang siya ng icing ng cake na kinakain namin kasi wala na akong maisagot.


"Ganun ha." ginantihan niya naman ako.


Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa namin.

Para kaming mga baliw. Sayang yung cake. Hay nako.

******


"Uhmm salamat Tristan ha." nakayukong sabi ko sa kanya. Nahihiya ako, kahit naman makapal ang mukha ko ay nay konting hiya pa rin ako.

"You're welcome, masaya ako na napasaya kita." nakangiting sagot niya.


"Uhmm sige pasok na ako sa loob, salamat sa paghatid." nakangiting sabi ko pa rin.

"Sige."


Hanggang sa makapasok ako sa loob eh di pa rin nawawala yung ngiti ko. Napasandal pa ako sa pinto at pumikit.

Ang saya ng araw na to dahil kay Tristan.


Salamat at may Tristan sa mundo na nagbibigay kulay sa aking buhay. Naks naman oh....

"Tssss kaya pala wala ka sa school kanina." napadilat na lang ako nang marinig ko yung boses niya. "May kasama ka palang iba."

Yun lang ang sabi niya tsaka nilapag yung librong binabasa niya sa mesa at umakyat na.


Bipolar talaga nun!

Di ko sya magets eh.


Di ko na lang siya pinansin at dumiretso na ng kwarto ko.


Nag-vibrate bigla yung phone ko.


"Si Tristan to. Salamat sa time mo. Always smile Xyriel mas maganda ka pag ganun. (: nga pala nakuha ko ang number mo kay Denver."


"Eiiiiihhhh." napatili ako.


Sheeeeeet! Bat ganito siya? Ahhhhhh di ko mapigilang di kiligin eh. Baka maya nito eh ma in love na ako at di na crush tingin ko sa kanya.

Salamat sa best friend ko at binigay niya number ko kay Tristan!!!!!

"Hoi may natutulog dito!" rinig kong sigaw ni Kai na nasa kabilang kwarto.


Tsskkk napaka-panira talaga nun! Tulog daw pero nagawang sumigaw. Nek nek niya!


Tumingin ulit ako sa phone ko at binasa yung text ni Tristan.


"Salamat din at ingat sa pag-uwi." reply ko.


Ilang minuto lang ay nagreply ulit siya. Ang bilis ha.


"I will para makita ulit kita."


Nagpagulong gulong ako sa kama para pigilan ang pagtili ko. May isang bitter kasi na nasa kabilang kwarto eh!


--------------

HAHAHA

Hmmmm may team Tristan ba dito? XD

VOTE
COMMENT
RECOMMEND
BE A FAN


Never_TheLess

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz