PWMIYD-12

687 29 6
                                    

Xyriel's POV


Kanina ko pa nilalaro yung mga daliri ko habang nakayuko.

"Kayo lang ba ng kapatid mo ang nandito?" napaangat ang ulo ko nang biglang magtanong si Tristan.


"Huh?" wala sa sarili kong tanong.


"Sabi ko kayo lang ba dalawa ng kuya mo ang nandito." ulit niya.


"Ahhhhh, huh? Ano.. Hmm oo." naguguluhan ako kung ano bang isasagot ko, hello? Wala kaya akong kuya. Asawa siguro.


"Uminom ka muna ijo." biglang sumulpot si manang habang may dalang juice.


"Salamat ho."

Kumuha rin ako para uminom, natetense ako eh!


"Ang laki ng bahay niyo ha at kayo lang dalawa, di ba masyadong tahimik?" sabi ni Tristan sabay inom nung juice. Tama si Tristan sobrang laki nga ng bahay namin eh tatlo lang kaming nakatira dito.


"Ahh hehe trip lang ng parents ni Kai.." nakita kong napaangat yung kilay niya sa naging sagot ko. "I... mean parents namin." pahabol ko.


Nilapag ko na yung baso sa mesa.


"Ahmmm ano to? Photo album niyo?" parang tinakasan ako ng kaluluwa ko nang makita kong hawak niya yung album.

Patay shit!

Anong gagawin ko?

Napatayo ako bigla, gusto ko siyang pigilan sa pagbubukas niya nun. Nagmumukha na akong baliw dito.


"Akin na yan." napatingin ako kay Kaizer nang bigla na lang siyang lumapit samin at sumingit.


"Huh?" nagtatakang tanong ni Tristan.


"Yang album akin na." seryosong sabi ni Kai.


"Ahhh okay." sagot naman ni Tristan tsaka inabot yung album.


Dinala na ni Kai yung album at umupo dun sa dining area, natatanaw niya kami dito. Sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako sa ginawa niya, alam ko namang ginawa niya yun para di malaman ang sekreto namin.

Umupo na lang ulit si Tristan ganun din naman ang ginawa ko.

"Ahmm close ba kayo ng kuya mo?" tanong niya ulit.


"Huh? Ahmm medyo." sagot ko.


"I see, ahmm sorry ha tanong ako ng tanong; I was just trying to get to know you more." nakangiting sabi niya, yung ngiting parang nahihiya pa siya.


"It's fine." sagot ko naman.

"Are you okay? Para kasing may pinopoblema ka." sabi niya bigla sabay hawak dun sa kamay ko.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now