PWMIYD-31

462 16 1
                                    

Xyriel's POV


Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa dalawang kasama ko, kanina pa sila nagbabangayan, kung ano man ang dahilan nila eh sila lang ang nakaka-alam.

Ano ba tong dalawang to? Aissshh ang gulo nila sobra!

"Di talaga kayo matahimik ano?" sabi ko sa kanila.

Sabay naman silang lumingon sakin at sumimangot.
"Kasi naman eh yang si Denver ang tigas ng ulo! Pag siya may kailangan sakin bawal akong humindi pero pag ako na ayaw niyang pumayag. It's so unfair!" parang batang sumbong nito sakin.

"It's not unfair! May gagawin lang talaga ako mamaya." rason naman ni Denver.

"Ano naman yun aber?" tanong ni Hazel na parang di naniniwala sa sinasabi ni Denver.

"Sasamahan ko si Xyriel, di ba Xy?" baling nito sakin.

"Huh?" takang tanong ko.

"Kita mo na! Hindi nga alam ni Xyriel ang pinagsasabi mo eh!" sigaw bigla ni Hazel at tinuro pa si Denver.

"Sasamahan ko siya mamaya sa parents niya! Nakalimutan niya lang." giit ni Denver. Napaisip ako... Sinabi ko ba yun sa kanya?

"Ahh Denver alam mo kaya ko na naman pumunta dun mag-isa tsaka pwede oo namang isama si Kai." sagot ko dito.

"Tama! Malaking check!" pagsang-ayon ni Hazel.

Napasimangot si Denver at umiwas ng tingin.
"Tampo tampo naman to kaagad pssshh! Pero you have no choice kundi ang samahan ako mamaya!" sabi ni Hazel dito.

"Oo na." bored na sagot ni Denver.

"Eh san ba kasi kayo pupunta?" tanong ko.

"Manunood ng sine." sagot ni Hazel.
Langya! Akala ko naman kung ano!

"Kita mo na! Ang nonsense ng pinapagawa niya sakin." pagmamaktol ni Denver. Oo nga!

"Nandun yung ex ko kaya bwebwesitin ko muna." rason ni Hazel.

"Sinong ex?" takang tanong ko.

"Yung nanloko sa kanya at pinagpalit siya." paliwanag ni Denver. "Ewan ko ba dito naguguluhan nga ako minsan kasi andaming ex"

"Ui hindi naman! Parang dalawa nga lang yung nakita mo tsaka yung isa di ko naman ex yun, di ko yun naging boyfriend so basically isa lang ang ex ko." giit ni Hazel.

"Tsss daming satsat nito."

"Samahan mo na ako ha! Para makita nung lalaking yun na di lang siya ang madaling makalimot. Tssss makikita niya!" nanggagalaiti na sabi ni Hazel.

I sighed.
"Samahan mo na yan Denver." sabi ko sa kaibigan ko.

"Oo na nga. Sasamahan na diba? Paulit-ulit eh." iritableng sabi nito.

"Ang init ng ulo mo! Meron ka ba ha? Daig mo pa ang may pms na babae eh." -Hazel.

"Wala ka ng pake dun." inis pa rin na sagot ni Denver.

Hay nako. Maiwan na nga lang ang dalawang to!

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.

"Teka san ka pupunta?" pigil sakin ni Denver.

"Sa library." tipid na sagot ko at tumalikod na.

Napansin ko na lang na habang naglalakad ako ay may nakasunod sa likuran ko. I rolled my eyes.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now