PWMIYD-32

450 15 3
                                    

Xyriel's POV

"Xyriel!" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Ui Hazel." ngumti ako sa kanya.

"Nakita mo na ba si Denver?" tanong nito sakin.

"Huh? Hindi pa eh"

"Hmm ba't kaya wala yun? Di man lang ba nagtext?"

"Hindi eh." I sighed.

"Ganun ba? Hay nako, oh sige pakisabi sa kanya pag nagkita kayo na magreply sakin ah."

"Okay sige." sagot ko at nagpaalam na ito.

Wala pa pala yun? Asan kaya yung lalaking yun. Hmmm

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magtype ng message kay Denver.

"Ui asan ka?"

After few minutes ay nagreply na ito. "Papunta na" ang tipid naman magtext ng kumag na to. Haist... Siguro masama pa ang loob niya sa sinabi ko nung isang araw.

"Dito ako sa canteen, daan ka dito ah."

Di na siya nagreply pero maya maya lang din eh nakita ko na siya na papasok sa canteen.
Ngumiti ako sa kanya, as much as possible ayaw kong maging awkward kami sa isa't isa, di ko gustong masira ang friendship namin. Sayang yun eh!

Umupo na siya sa tapat ko pero ni hindi man lang niya ako tinitignan, panay iwas ang ginagawa niya.
"Hoi! Anong drama mo at may paganyan ganyan ka pa?"

Tumikhim ito.
"H-hindi ka ba galit?"

Kita mo to oh!
"Shunga ka talaga, ba't naman ako magagalit sayo?"

"Kasi niloko kita? Kasi nagpanggap ako?" di siguradong sabi nito.

I took a deep breath.
"Then sorry din kasi naging manhid ako, hindi ko man lang napansin na nasasaktan na pala kita; ikaw pa yung pinagsasabihan ko ng mga bagay bagay tungkol samin ni Kai." I sincerely said.

"Kasalanan ko rin naman yun eh, ako naman talaga ang puno't dulo nito." giit niya.

"Pero Denver ayaw ko na ganito tayo, ayaw kong nagiging awkward tayo sa isa't isa; kaya sana please ayusin na natin to?" nagpuppy eyes pa ako.

"Wag ka ngang ganyan!" saway nito sakin. "Kainis kaya ako nahulog sayo eh."

Napatahimik ako bigla sa sinabi niya. Napakurap pa ako ng ilang beses.

"Okay sige na bati na tayo, para naman tayong mga grade school nito eh." pagmamaktol niya pa.

"Sabi mo yan ah! Okay na tayo." ngumiti ako sa kanya.

"Oo na, para namang matitiis kita eh hindi naman."

"Eeehhh pero ahh ang galing mo! Di ko kaagad nahalata na nagpapanggap ka lang, di naman kasi halata eh! Parang ang bakla bakla mo talaga!" di talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. "Baka naman natuluyan ka na? Confused ka lang ata eh?"

"Sira! Hindi ah! Siguro yung ibang kilos ko nagiging bakla na dahil sa pagpapanggap ko pero lalaki pa rin ako! Alam ko ang nararamdaman ko, di naman ako nagkagusto kahit kailan sa lalaki; sayo lang."

Napa-iling ako. "Ang hirap paniwalaan."

"Anong mahirap dun? Wag mo ng icomplicate ang bagay bagay"

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora