PWMIYD-19

600 27 3
                                    

Kai's POV

Simula pa lang bata kami eh mahal ko na si Xyriel. It's so cliche right? Pero yun talaga ang nararamdaman ko. I just keep my distance noon kasi sobrang bata niya pa, ayaw ko namang abusuhin yung mura niyang edad at pag-iisip.

Kaya nga sobrang tuwa ko nung malaman kong ipapakasal kami sa isa't isat. Finally magkakaroon na ako ng chance para makasama siya at higit pa doon eh magiging asawa ko na yung babaeng mahal na mahal ko.

Pero langya naman talaga! Di ko inakala na ganito kahirap ang pinasok kong sitwasyon! Yung feeling na asawa ko nga siya pero wala akong karapatan kasi sa papel lang naman yun nakalagay, di ko siya pagmamay-ari, lalo na ang puso niya. Kaya di ko mapigilan na may magustuhan siyang iba, sino ba naman ako hindi ba? Asawa nga pero hindi naman mahal. Nakakagago lang.

Araw araw akong tinotorture sa sitwasyon namin, kasi umaasa ako na one day paggising niya ay mahal niya na rin ako pero bwesit eh! Iba nangyari, hindi ko man lang siya naprotektahan; hinayaan ko lang na makuha siya ng iba sakin. Gago ko! P*ta!

"Bro mabuti na lang at wala na akong ibang meeting sa office ngayon, napuntahan kita." sabi bigla nung taong kararating lang tapos umupo sa gilid ko. "So ano namang problema mo ngayon?" tanong nito sakin. "One mojito please." baling niya dun sa bartender.

Di ako sumagot, pinagpatuloy ko lang yung pag-inom.
"Hoi kinakausap kita! Langya ka talaga, ba't mo ako pinapunta dito eh di mo rin naman pala ako kakausapin?" malaks na sabi nito sakin.

"Na in love ka na ba Luke?" tanong ko dito.

"Anong klaseng tanong yan?! Langya ang korni! Muntik ko pang maibuga tong iniinom ko."

"Sagutin mo na lang."

"Hindi pa! Ano ba naman yan, lintik lang yang pag-ibig." sinamaan niya pa ako ng tingin tapos tumaas kilay niya. "Bakit in love ka ba?"

Di ko siya sinagot, ininom ko lang yung alak na hawak ko.

"Pfftt in love ka nga?!" natatawang sabi niya bigla.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Malas mo naman pre, sino ba yang babaeng tumuhog sayo?" tinapik tapik niya pa ang balikat ko.

"Asawa ko."

"Ha?! Tangna may asawa ka na?! Kelan pa?!" sigaw niya bigla at tumayo pa. Hindi kasi nila alam to, walang kaibigan ko ang may alam tungkol sa kasal namin ni Xyriel.

"Magtotwo years na." tipid kong sagot.

"Wtf talaga! Ang tagal na! Teka ba't ngayon mo lang sinabi? Langya ka di mo man lang kami ininvite ng barkada!"

"Tumahimik ka nga, di kita pinapunta dito para ikwento ang talambuhay ko. Kailangan ko ang tulong mo." saway ko sa kanya.

Umupo naman siya pabalik.

"Eh ano bang maitutulong ko?"

"Fvck para naman akong bakla nito pero...." naman talaga? Kailangan ko bang sabihin to at magdrama sa harap ng kaibigan ko dahil lang sa lintik na pag-ibig na to?!

Tinawanan niya ako bigla.
"It's fine bro just spill it out, wag kang mahiya sakin."

Nak ng! Sinong di mahihiya eh yung mukha niya di mapagtitiwalaan.

"Andami kasing umaaligid sa kanya." nasabi ko na lang.

"Lalaki?"

Binatukan ko siya.
"Tanga! Alangan naman babae? Anong klaseng tanong yan?"

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now