PWMIYD-9

786 28 10
                                    

Kahit di divisible by three ang date ngayon, gusto ko pa ring mag update :)

Enjoy!

Xyriel's POV

"Ngiti mo teh oh... Sarap bangasan nito, alam mo nakakabitter ka." nakabusangot yung mukha ni Denver at umupo sa tabi ko.

"Ang bitter mo nga!" natatawang sabi ko.

"Sige at tawanan mo pa ako." sabi niya ulit.

"Eh ano ba kasing problema mo?" tanong ko na lang, parang wala kasi sa mood to ngayon.

"Aiisshh yung parents ko gusto ka na namang makita!" sagot niya.

"Ayyy baka crush na ako ng tatay mo!" pabirong sagot ko, binatukan niya ako bigla.

"Loyal ang tatay ko!" medyo tumaas pa boses niya.

"Eeehhh biro lang naman." sabi ko habang hinahawakan yung binatukan niya. "At ang sakit nung ginawa mo!"

"Eehhh kailan ka ba free? Please last na to Xyriel." sabi niya tsaka biglang hinawakan yung kamay ko.

"Ahhh naman baka kasi magalit na yung..."

"Sino? Si Kaizer? Ako magpapaalam sa kanya" dugtong niya sa dapat na sasabihin ko.

"Huh? Ay nako hindi hindi.... Wag mong sabihin dun." natatarantang sabi ko.

"Ay bravo, ang protective ng kapatid mo! Sana naging magkapatid na lang din tayo." may bahid ng selos yung boses niya.

"Nakooo! Tssskk." di ko napigilang di magreact.

"Ehhh? Sige na bakla pumayag ka na lang, wag mo ng sabihin sa kapatid mo!" pagpupumilit niya.

"Ahmm sige basta last na to Denver ha, last na talaga." sabi ko sa kanya ng seryoso at nakatingin pa talaga ako sa mata niya.

"Yay! Love mo talaga ako sis eh. I love you so much!" nakangiting sabi niya.

Hahalikan niya sana ako sa pisngi pero pinigilan ko siya.

"Ikaw... nagdududa na talaga ako. Baka di ka naman talaga bakla Denver ha." sabi ko na lang.

Nanlaki yung mata niya.
"I can't believe you. Yuck Xyriel! Di tayo talo!" nandidiring sabi pa niya.

Napatawa ako ng malakas.
"Shut up Denver as if papatulan kita!" natatawang sabi ko pa rin.

"Ay oo nga naman, may papa Tristan ka na. Akin na yung kapatid mo ha." masayang sabi niya.

"Di ka papatulan nun!" sagot ko.

"Support ka na nga lang Xyriel!" medyo pasigaw na sabi niya.

"Support saan?" singit bigla nung taong dumating.

"ayyyy kabayo." napatili pa ako.

Mabuti tong si Denver andaling magconvert sa pagiging lalaki.

Tumawa pa si Tristan.
"Sorry nagulat kita."

"Ganun? Kay Xyriel lang magsosorry?" supladang tanong ni Denver.

Tumaas bigla yung kilay ni Tristan na para bang nagulat sa sinabi ni Denver.

Siniko ko na lang si Denver.

"Pag-pasensyahan mo na tong best friend ko, namomoblema kasi eh kaya medyo nabaliw." pag-eexcuse ko.

"Ahhh babae ba problema mo pre?" tanong naman ni Tristan.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now