PWMIYD-23

588 23 4
                                    

Xyriel's POV


Simula nung umamin ako kay Kaizer na gusto ko siya naiilang na ako pag nandyan siya sa tabi ko, ang laki kong sira hindi ba? Ba't naman ako magiging ganito eh asawa ko na naman siya? Ang gulo talaga ng isip ko. Masisiraan na ata ako ng ulo eh.

"Kainin mo to at nang magkalaman yang tiyan mo Xyriel." sabi bigla ni Denver habang tinuturo yung tinapay. "Ewan ko ba kasi sayo at nasisira na ulo mo, ba't ka di nag-agahan?" nagmamadali kasi ako kanina kasi naman si Kai sobrang sweet at caring na! Nakakapanibago lang! Kaya tuloy palagi kaming tinutukso ni manang.

"Nakabusangot na naman pagmumukha mo." puna niya.


"Kasi naman eh simula nung sinabi ko kay Kai na gusto ko siya sobrang sweet na niya, naninibago lang ako tapos ay ewan; di ko ma-explain." sagot ko.


"Natural magiging ganun yun, mahal ka kaya nun." giit niya at kinain yung tinapay na binigay niya sakin


"Ui sabi mo sakin yan." nakasimangot na sabi ko.

"Ohh? Sorry kala ko kasi ayaw mo nang kumain at tutunganga ka na lang jan whole day." nakangising sabi niya at binitawan yung tinapay.

Kinuha ko yung tinapay at sinumulang kainin, gutom na rin kasi talaga ako.

"Hi baby!" napatigil ako sa pagkagat nang may biglang umupo sa table namin ni Denver. Napaangat ako ng tingin, sino to?


"Sino ka?" takang tanong ko.


"Ako ang girlfriend nito." sagot niya habang tinuturo si Denver.

Napa-ubo ako ng bonggang bongga.
"Ha?!" gulat kong sigaw.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Denver totoo yun?!" usisa ko.


"Hindi, nagdadrama lang yan tsaka di mo ba natatandaan yan? Siya yung babaeng tumatakbo na bumunggo satin noon." nakapoker face lang siya habang sinasabi yan. Walang ka emo emosyon!

Binaling ko ang tingin ko sa babae, nakangiti lang ito sakin.
"Ohhh tama nga ikaw pala yun." tumango tango pa ako. "Pero teka paano nangyari na kayo na? Akala ko ba..."


"Tinutulungan ko lang siya and in return he's gonna pretend na bf ko rin siya." sagot nung babae.

Tinignan ko si Denver, nagkibit balikat lang ito.

"Ibang klase, parang nalingat lang ako sandali may instant girlfriend ka na best friend!" nakangising sabi ko.


"Wala eh habulin kasi tsaka mabuti na rin to at least di na kita pipilitin na magpanggap sa harap ng mother ko." kita mo na, kahit bakla eh mahangin din!


"Oo nga naman." pagsang-ayon ko. "Pero teka hindi pa kita kilala, anong pangalan mo?" baling ko dun sa babae.

"Hazel."

"Hazel Grace?" I joked.

"Corny." sabi bigla ni Denver.


"Sama mo!" nakasimangot na sabi ko dito. "Anyway Hazel I'm pleased to meet you." nakangiting sabi ko sa babae.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon