PWMIYD-21

593 30 3
                                    


Kai's POV

Ang sakit ng ulo ko! Pati yung likod ko sobrang sakit. Para ang binugbog nang kung sino.

Napalinga linga ako. Asan na yung babaeng yun? Ba't wala siya sa tabi ko?

Tinignan ko yung orasan sa side table. 7 am? Ang aga pa!

Bumangon na ako para hanapin si Xyriel.

Di pa man ako nakababa ng tuluyan eh may naririnig na akong tawanan mula dun sa kusina.

May lalaking kasama si Xyriel?! Fvck!

Dali dali akong bumaba para makita kung sino mang hudas tong katawanan ng asawa ko.

"Luke?! Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko.

"Ui bro gising ka na pala. Wag mong sabihing nakalimutan mo na? Psssh masyado ka kasing lasing kagabi eh." sabi nito sakin.

Inalala ko yung nangyari kagabi. Ahhh tama nga pala, dito siya pinatulog ni Xyriel.

"Di mo naman sinabi na ganito pala kaganda ang asawa mo, kaya pala patay na patay ka." natatawang sabi niya.

"Gusto mong putulan kita ha?!"

"Woaah, relax lang. Sobrang init ng ulo mo." nakangiting sabi ulit nito.

Nilipat ko ang tingin ko kay Xyriel. Nakangiti pa to, bwesit! Talaga bang iniinis ako ng mga tao dito?

Umupo na ako sa tabi ni Xyriel pero nang maka-upo ako eh agad namang tumayo si Xyriel. Ano to? Sinasadya niya talaga!

"Ito inumin mo para mawala yang sakit sa ulo mo." sabi niya sakin at nilapag yung tsaa. Ahh yun lang pala yung kinuha niya.

"Sige ah alis na ako. Luke, salamat sa time." paalam nito bigla. Time?! Ano ba kasing ginawa ng Luke na to kanina?

"Hui teka! San ka pupunta?" takang tanong ko.

"Sa school san pa ba?" pabalang na sagot nito.

"Ihahatid na kita!" sabi ko at hinabol siya.

Humarap naman siya bigla sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"You look like a mess kaya mag-ayos ka muna tsaka magpagupit ka ng buhok, sobrang haba na kasi." sabi nito sakin.

I frowned.
"Huh? Ihahatid nga kita." pangungulit ko.

"Wag na, tsaka masakit pa ulo mo. Sunduin mo na lang ako mamaya." sagot niya naman.

"Pero...." di ko na natapos ang sasabihin ko.

Nilagay niya yung isang daliri niya sa lips ko.
"Shhh wala ng pero pero, sunduin mo na lang ako mamaya okay?" nakangiting sabi nito sakin.

Napatango na lang ako.
"Sige bye!" and she gave me a kiss on my check. Langya! Dapat sa lips yun!

Abot tenga ang ngiti ko habang naglalakad pabalik dun sa kitchen.
"Mukha kang ulol." puna ni Luke sakin habang natatawa.

Tumikhim ako.
"Selos ka lang eh. Nga pala anong pinag-usapan niyo kanina at nagtatawanan kayo?" usisa ko.

"Chekret bro!" nakangising sabi niya.

"Gago! Mukha kang bading, ano nga!"

"Amin na lang yun tsaka wag kang mag-alala ikaw lang naman pinag-usapan namin." he's still wearing that evil smile of him.

"Psssh sira ulo talaga, umalis ka na nga!" pagtataboy ko dito.

"Oo na, paalis na nga ako eh! Babalik na lang ako dito next time para makipagkwentuhan sa asawa mo." pang-aasar niya.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now