PWMIYD-36

413 14 4
                                    

Kai's POV

1Month...
Isang buwan na akong walang balita kay Xyriel, at sa tuwing naiisip ko to di ko mapigilang di mapamura; bakit kailangan niya pang umalis? Damn! I miss her so much.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang marinig kong nagsalita si manang.
"Kai tumawag ang daddy ni Xyriel, tinatanong kung papunta ka na raw ba." I stared at Xyriel's pic for one last time bago ako lumabas sa kwarto niya at bumaba.

"Aalis na po ako ngayon." sagot ko kay manang.

"Oh siya sige ijo, mag-iingat ka ha." ngumiti ako kay manang tsaka sumagot. "Opo."

****

Pagkarating ko sa bahay nila Xyriel ay agad akong sinalubong ng daddy niya.

"Good morning po." bati ko dito.

Ngumiti naman ito tsaka ako sinamahan papasok sa loob.
"Ano pong sabi ng doctor?" tanong ko sa kanya.

"Stable na ang condition ni Vivian, actually nagising na siya kanina; hinahanap nga si Xyriel eh." mahinang sagot ni Tito Leo sakin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon tito pa rin ang tawag ko sa kanya kahit asawa ko na naman ang anak niya.

Nilipat ko ang tingin ko sa mommy ni Xyriel na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Naaksidente sila nung graduation ni Xyriel, kaya hindi sila nakarating. Ni hindi man lang nalaman ni Xyriel na may nangyari palang masama sa magulang niya and that's because of me; kung hindi lang sana ako naging bobo sa mga panahong yun di sana siya umalis.
"Hahanapin ko po ang anak niyo, wag kayong mag-alala." seryosong sabi ko habang nakatingin pa rin sa mommy ni Xy.

"I never doubted your love for my daughter Kaizer, and I know hindi ka susuko. Just tell me if you need any help." tito Leo patted my shoulder.
Tumango naman ako.


Lumabas muna ako saglit para tawagan si Luke, nagpapatulong kasi ako sa kanya sa paghahanap kay Xyriel.

"Hello?" a girl answered his phone, aba naman talaga; pati babae binibringhome na.

"Si Luke?" tanong ko.

"Wait lang tatawaging ko muna." naghintay lang ako saglit para may bumalik sa telepono.

"Oh ba't napatawag ka?"

"Sino yung sumagot kanina?" usisa ko.

"Asawa ko." kaswal na sagot nito.

"Huh? May asawa ka na?!" gulat na sabi ko.

"Loko! Hindi mo pa ako asawa!!" rinig kong sigaw sa kabilang linya. "Pero malapit na baby." langya ang sagwa ng naririnig ko.

"Is that Pheobe?"

"Sino pa ba? One and only."

"Ang bakla mo Luke!"

"Tumahimik ka nga, oh Ba't ka napatawag? Is it about Xyriel? Dude diba sabi ko naman tatawagan agad kita pag may balita na, tumawag ba ako? Di ba hindi? So wala pang update."  lahat na ng pwede kong sabihin sinagot na niya sa isang linya.

"Uhhh okay, basta ah! Tawag kaagad." ulit ko.

"Oo nga, ang kulit lang. Aalis pa kami ni Pheobe eh. And by the way baka gusto mong sumama samin? Pero wag na lang baka mainggit ka lang.hahaha." nakapokerface lang ako habang nakikinig sa loko. May gana pa talagang mang-inis eh.
"Joke lang yun Kai, wag kang mag-alala pag nakita ko si Xyriel; itatali ko na para di na makatakas."

"Wag mong itali! Baka masaktan." angal ko.

"Sobrang seryoso mo! Mas bading ka pa sakin. Eh!" ang ingay ng lalaking to. I ended the call alread, baka magsalita na naman ng kung ano yun eh.





~~~~*~~~~
Denver's POV

"Batanes here we gooo!" sigaw ni Hazel at nilabas pa ang ulo niya sa bintana.

"Hoi! Wag mo ngang gawin yan, baka madisgrasya ka pa eh." saway ko.

"Ang kj mo." nakasimangot na sabi nito sakin.

"Bakit mo nga pala naisipang maglakwatsa? Sinama mo pa ako." tanong nito.

"Wala nabored lang ako." tipid na sagot ko.

"Ehh namimiss mo lang si Xyriel eh." tukso nito.

"Oo." sagot ko.

Bigla na lang tumahimik yung paligid namin. Parang ewan lang, naging awkward bigla, may sinabi ba akong masama? Sumagot lang naman ako eh.

"Matutulog muna ako, tigil ka na lang pag may madaanan tayong fast-food kasi nagugutom na ako." sabi nito tapos tumalikod sakin. Bipolar ng babaeng to.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. May natatanaw na akong fast-food resto kaya naman binagalan ko ang takbo ko para makapagparking.

Bumababa na ako at umikot sa kabilang side para gisingin si Hazel.
Pagbukas ko ng pinto, bigla na lang nahulog si Hazel, mabuti na lang at nasalo ko pa siya; baka nauntog na siya pagnagkataon.

"Ugghhh." she groaned. I stared at her for few minutes bago ako nagsalita.

"Haze.... Gising na, kain na tayo." mahinang sabi ko at hinawi yung buhok na nasa mukha niya. She's so pretty.

Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya, parang nagulat pa siya sa posisyon namin kaya agad siyang umatras. Hinila ko siya pabalik.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Ahh wala, nagulat lang ako." nakayukong sabi niya. I just smiled.
"Tara na."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ay may nakakuha na ng pansin ko, tinitigan konito ng mabuti; napabitaw ako kay Hazel at agad siyang nilapitan.
"San ka pupunta Denver?" rinig kong tanong ni Hazel. Di ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"Xyriel." mahinang tawag ko dito, and the moment na tumingin siya sakin parang gusto kong magsisigaw sa tuwa, she's here! I can't believe it, I finally found her.

I pulled her closer to me and hug her tight.
"I missed you."

----------------
Next update will be on Sunday.

VOTE & COMMENT

Never_TheLess
Lex

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now