PWMIYD-24

553 25 10
                                    

Xyriel's POV

Tahimik lang akong lumabas sa study room ni daddy para di nila ako mapansin. Nanghihina na ako at wala rin akong lakas ng loob para kausapin sila sa bagay na yun, natatakot ako at mas lalo lang akong masasaktan kung ipapamukha nila sakin na hindi talaga nila ako anak kaya mas mabuti na lang siguro na manahimik at kimkimin ko na lang to.

Di ko man lang namalayan na dinala na pala ako ng sarili kong paa sa kwarto ng kapatid ko.

It's still the same, ganitong ganito ang ayos ng kwarto niya sa tuwing ginugulo ko siya sa umaga. Napa-upo ako sa kama. I really miss her...

Tinignan ko yung picture na nasa side table niya, she really look so happy; ang laki laki ng ngiti niya.

Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang lahat...

"I'm so sorry ate." mahinang bulong ko sa hangin.

Nalipat na lang bigla ang atensyon ko nang nay makita akong kuminang na bagay. It was a small notebook na may glitters.

Bubuksan ko na sana to para tignan nang marinig ko na lang bigla yung boses ni mommy mula sa labas.

Inilagay ko na yung yung notebook sa bag na dala ko.

Lumabas na ako sa kwarto ni ate at bumaba.

"Oh san ka galing? Sabi ni manang eh pinuntahan mo daw kami sa study room?" salubong sakin ni daddy nang makita akong pababa.

"Ahh pumunta lang po ako sa old room ko." pagsisinungaling ko.

"So what brings you here?" tanong ni mommy nang hindi man lang tumitingin sakin.

"Ahmmm gusto ko lang po sanang ibigay to." sabi ko tsaka inabot yung regalo ko. "Happy birthday po." halatang nagulat siya sa pagbati ko, siguro inakala niyang nakalimutan kong birthday niya ngayon.

Tinignan lang niya ako tapos kinuha yung regalong inabot ko.
"Salamat." tipid na sabi ni mommy.

"Ahmm sige po u-una na ako." pagpapaalam ko, kuny pwede nga lang sana eh tumakbo ako kasi ayaw kong makita nila na naiiyak ako.

"Teka anak, ihahatid na kita." pigil sakin ni daddy.

"Uhmm wag na po, may dala akong sasakyan. Sige bye po." nagmadali na akong lumabas.

Wala naman talaga akong dalang sasakyan kasi nagcommute lang ako papunta dito.

Naglakad lakad na lang ako dito sa subdivision para makalayo sa bahay, baka makita pa nila ako.

*ring ring ring*

Kinuha ko yung telepono ko at sinagot.

"Hello?"

"Xyriel asan ka? Wala ka daw dito sa school mo sabi ni Denver."

"Ahhm nandito ako kila mommy." sagot ko sa kanya.

"Oh sige pupuntahan kita diyan."

"Uhmm teka Kai... A-ano wala na ako sa bahay, malapit na ako sa labas ng subdivision."

"Oh sige, basta hintayin mo lang ako ha. Parating na ako."

"Oh s-sige... Ano Kai... I-ingat ka."

Narinig ko yung pagtawa niya.
"I will. I love you." sabi nito tapos inend na yung tawag.

Halos 30 minutes akong naghintay bago dumating si Kaizer.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now