PWMIYD-10

661 25 7
                                    

Xyriel's POV

"Woooohhhh." ang lakas ng sigawan ng mga taong nanunood nung basketball game.

Di naman to tournament, parang friendly game lang pero yung kalaban ng school namin ay ibang school.


"Grabe ang galing ng Tristan mo teh!" bulong sakin ni Denver.

Tristan ko...

I blushed at that thought.


"Go Tristan!!!" sigaw nung mga lower years na nanunood na nasa harapan namin naka-upo.

Ang sikat sikat pala talaga ni Tristan.


"Si Denver nasa likuran natin!" rinig kong sabi nung mga babaeng naka-upo din sa harapan namin.

"Ang gwapo niya noh! Ayy kasama na naman niya yung babae." sabi ulit nila.

Di ko mapigilang di mapangiti.

Napatingin ako kay Denver. Nakita ko pang napairap siya. For sure narinig niya yung mga sinabi nung mga babae at alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

Yun ay...
"Bitch please si ako gwapo, maganda ako"

Hahaha

Bigla bigla naman ay umilaw yung phone ni Denver. May nagtext siguro.

Napatingin ako dun.

7:30 na pala...

Hmmm January 14? Bakit parang may kung ano sa date na yan?


"Denver 14 ba ngayon?" natanong ko bigla.

"Anong 14?"


"Yung date." sabi ko ulit.


"Oo, bakit?"


"Shit!" nasabi ko nang marealize ko kung anong meron sa araw na to.


"Shit? Huh? Anyare sayo?" naguguluhang tanong ni Denver.

Napatayo ako bigla.

"San ka pupunta? Di pa tapos yung game!" pigil sakin ni Denver.


"Aalis na ako, may emergency. Sabihin mo na lang kay Tristan." sabi ko at hinila yung kamay ko para mabitawan na niya iyon.

Halos takbuhin ko na yung gate para lang makalabas.


Shit talaga!

F*ck


"Ang tanga tanga mo Xyriel!" sabi ko sa sarili ko.


Mabuti na lang din at malapit lang yung bahay namin.


Ang tanga ko talaga.

Ba't di ko naalala?!

Bubuksan ko na sana yung pinto pero sakto ring bumukas ito at lumabas mula dito yung parents ni Kai.


"Ahhh nako sorry po at natagalan ako." sabi ko kaagad sa kanila. Nagbow pa ako.

"Ija, it's okay. Yung asawa mo lang mukhang nagtatampo; kausapin mo na lang ng maayos." sabi sakin nung mommy ni Kai.

"Okay po, sorry po talaga." sabi ko ulit.


Nagpaalam na sila kasi uuei na raw sila, medyo malayo kasi yung kanila dito baka daw matraffic pa sila.


Wala si manang ngayon kasi umuwi muna sa pamilya niya, nagkasakit kasi yung anak niya kaya pina-uwi muna namin. Kaya kami lang dalawa ni Kai ang naiwan dito.

Sobrang kinakabahan ako. Ewan ko, dati naman di ko pinapansin yung birthday niya I mean binabati ko siya pero yun lang at ngayon nakalimutan ko pa talaga.


Kumatok na ako sa kwarto niya.

"Kai? Nandyan ka ba?"


"Uhmm tulog ka na ba?"

Wala pa ring sumasagot.


"Papasok ako ha.." sabi ko naman.

Dahan dahan kong pinihit yung pinto.

Nang tuluyan akong makapasok sa kwarto niya ay hinanap kaagad ng mata ko kung nasan siya, wala kasi siya sa kama niya.


Nakita ko na lang na nakatayo siya dun sa labas, sa may veranda.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.


"Kai..." tawag ko dito.

Di man lang siya sumagot, ni lumingon sakin ay di niya ginawa.


"Kai." tawag ko ulit. "Sorry." I bit my lower lip. Nahihiya ako sa kanya, ang gaga ko naman kasi eh!


"It's fine." walang ka emo emosyong sabi niya.

"Kai sorry talaga, di ko sinasadya..." wala akong masabing tama....ewan ko, di ko kayang iexplain yung katangahang ginawa ko.

"It's okay, wag kang mag sorry; wala ka namang ginawang kasalanan." sabi niya but still alam kong masama ang loob niya, nararamdaman ko yun.

"Lumabas ka na, gusto ko ng magpahinga; kumain ka na lang sa baba." cold na sabi niya at nagsimula ng maglakad papasok sa kwarto niya, iniwan niya ako dito.


Di ko na siya kinulit. Baka mag-away pa kami pag ginawa ko yun.

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya at bumaba.

Nakokonsensya na talaga ako!

Ugghhh


----------

Very Short update to

Hmmm

VOTE
COMMENT
RECOMMEND
BE A FAN


Never_TheLess

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now