PWMIYD-3

794 40 5
                                    

Pasensya na po kung madalang makapag-update

Busy lng po talaga

Andaming exams :(

babawi po ako promise.

-------------

Xyriel's POV

"Mom, dad this is Xyriel my girlfriend." pagpapakilala sakin ni Denver.


Nakarinig na lang ako ng taong umubo sa likuran namin.


Kung minamalas ka nga naman kasi. Yung table na naka-reserve samin eh yun pang malapit kila Kai. Tsssk

"Are you okay honey?" tanong nung kasama niya. Honey mo mukha mo!


"Yes." tipid na sagot ni Kai.

Di ko na lang sila pinansin at itinuon ang atensyon ko dito sa pamilyang kasama ko.

"So ija, ano ang nakita mo dito sa anak namin at nagustuhan mo siya?" tanong sakin ng mommy ni Denver.

"Ahhmm ang bait po kasi ng anak niyo. Napaka-gentleman at maaalahanin. He's a perfect boyfriend." nakangiting sagot ko.

"Tssk." I heard from the person on my back.

"Owww totoo nga naman ija. Itong anak ko talaga ay one of a kind." pagsang-ayon ng mom niya.

"One of a kind my ass." rinig kong sabi ulit ni Kai.


"Did you say something honey?" tanong bigla ng kasama niya.

"Ahh nothing." sagot naman ni Kai.

Ugghh.

Kinuha ko yung phone ko tsaka siya tinext.


"Umalis na nga kayo dito!" sent.

Nagpatuloy lang kami sa pagkekwentuhan nang mag vibrate yung phone ko.


"Bakit kami aalis eh kami nauna dito? Besides gusto kong marinig ang mga kasinungalingan mo." naningkit ang mga mata ko nang mabasa yung reply niya. Bwesit kala mo kung sinong loyal to. Makapagsalita eh parang ang linis linis.


"Okay ka lang?" bulong sakin ni Denver.

"Ahmm yeah." sagot ko. "San na nga ba tayo?" I tried to relax myself.

"Ija as I was saying. Willing ka bang pakasalan tong anak ko?" ewan ko, nasamid ako bigla. Ito na nga bang sinasabi ko eh!

"Ahhmm mom! Don't you think it's too early? Tsaka di pa kami tapos sa pag-aaral ni Xyriel." singit naman ni Denver.

"Anak magpapakasal lang kayo, di naman kay titigil sa pag-aaral eh and besides sa kasalan din naman papunta ang lahat ng to." giit naman nung mommy ni Denver. Yung daddy niya di nagsasalita, nakikinig lang sa pinag-uusapan namin.

"Kasi po tita di po pwede yun eh." sagot ko na lang. "Ayaw kasi ng parents ko na ikasal ako ng maaga." langya yung rason ko kabaliktaran sa nangyari sa totoong buhay ko!


"We'll talk to your parents then." sabi bigla nito.


Patay talaga ako!

Naramdaman ko na lang ang biglang pagtayo ni Kai at paglabas nito sa restaurant.

Maya maya eh biglang nag-ring tong phone ko. Shit tinatawagan niya ako!

"Kukunin ko lang po to." paalam ko tsaka tumayo at sinagot yung tawag niya.

"Lumabas ka dito!" agad na utos niya.

"Oo palabas na nga!" sagot ko naman.

Agad niya akong hinala nang makalabas ako sa restaurant at dinala sa likuran ng sasakyan niya para di kami makita.

"Ano tong ginagawa mo?!" inis na tanong niya sakin.

"Eh ano namang ginagawa mo ha?" pabalik na tanong ko.

"What? I asked you first so answer me!" he frowned.


"Ayaw ko nga, bakit mo ba ako pinalabas ha?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Umuwi na tayo!" sabi niya bigla sakin.

"What? Are you nuts?! Di mo ba nakikitang may kausap pa ako?" naiinis na baling ko dito.


"Baka gusto mong sabihan ko yang parents ng boyfriend mo na asawa mo ako kaya di ka pwedeng magpakasal sa anak nila!" banta niya.

"Ugghh you're crazy! Bwesit." pagmamaktol ko.

"Uuwi na tayo!" sabi niya ulit. This time mas may conviction na.

Bigla bigla na lang eh hinila niya ako papasok sa kotse.


"Teka naman, di man lang ba ako magpapaalam?" tanong ko.

"Sabihan mo na may emergency kaya umuwi ka na kaagad." sagot niya tsaka isanara yung pinto ng sasakyan.

Di na tuloy ako nakapalag.

Tinext ko na yung best friend ko.


"Sorry ha di na ako nakabalik, may emergency lang talaga."


I just sighed.


For sure eh magpapatayan kami nito mamaya pagka-uwi namin sa bahay.


----------
VOTE
COMMENT
RECOMMEND
BE A FAN

Never_TheLess

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora