PWMIYD-18

607 21 1
                                    

Kai's POV

Something is weird with Xyriel. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya.

Nakakapanibago! Hindi niya ako tinatarayan, hindi sinusungitan! Napaka passive niya ever since umuwi siya nung time na umuulan at nababahala na ako! Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya, hindi kasi ako sanay na ganito siya.

Pero diba dapat maging masaya ako? Kasi imbis na mangyari yung pinag-usapan naming walang pakialamanan ay kabaliktaran yung nangyari. Palagi kaming nag-uusap ng kung anu-ano lang tapos mas nagiging caring na siya, she's really acting like my wife now! Dapat ba akong mabahala o hindi?

"Kai? May problema ba? Di mo pa ginagalaw yang pagkain." katulad ngayon, di ba ang weird? Di naman siya ganyan sakin dati! Anong nangyari?
Haissstt ilang araw na siyang ganito.

Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Ano time ng klase mo?" tanong ko tsaka nagsinulang kumain.

"9 am pa." sagot nito.

"Sige ihahatid na kita." sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagngiti niya. Shit talaga! Ang ganda...
Mas lalo akong nahuhulog sa kanya eh!

"Thank you." sabi nito sakin.

Siguro hindi ko na dapat problemahin ang mga bagay bagay. Kung ano man tong ipinapakita niya eh baka ito na talaga siya, malay natin at narealize niyang mahal niya na ako... How I wish na ganun nga sana para matigil na tong one-sided love ko.

Kahit malapit lang yung school nila Xyriel ay hinatid ko pa rin siya gamit ang kotse, naman! Para san pa ba to?

Pinarada ko na yung kotse sa parking pero wala pang bumababa ni isa samin.

"Susunduin kita mamaya pagkatpos ng class niyo, I'll be here at 4pm." saad ko dito.

"Ohh okay." simpleng sagot nito.

Akmang bubuksan na sana niya yung pinto ng sasakyan pero pinigilan ko siya.

"Ako na magbubukas, maghintay ka." sabi ko sa kanya at bumaba ng kotse para pagbuksan siya.

"Dami mo talagang drama, may kamay naman ako eh." natatawang sabi niya sakin.

"Dapat kasi pinagbubuksan talaga ng pinto ang mga babae." sagot ko dito.

Ngumiti lang ito.
"Oh siya sige, di ka pa ba aalis diyan para makababa na ako?" nakaharang kasi ako sa pinto habang nakikipag-usap sa kanya.

"Kiss mo muna ako." tukso ko dito, nagbibiro lang naman ako; gusto ko lang siyang asarin.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kasi nanlaki pa yung mata niya at nagsimula nang mamula ang mukha niya. Ang cute lang!

"B-baka may makakita sa a-atin" kabadong sagot niya at lumingon lingon pa.

"Wala namang ibang tao asawa ko." seryosong sabi ko habang nakangiti.

Nakita kong napalunok siya tapos napapikit pa. Pulang pula na siya, pati tenga niya ay namumula na rin.

Umatras ako bahagya para sana makababa na siya, sasabihin ko na rin sanang nagbibiro lang ako pero damn! Di ko inexpect na hahalikan niya talaga ako! It was just a smack pero shit talaga kinilig ako!!

Pagkatapos niya gawin yun ay dali dali siyang bumaba at tumakbo palayo. Natakasan ako!

Napailing na lang ako habang tinatanaw siyang lumalayo. Abot tenga ang ngiti ko ngayon.

Yes!

Bumalik na ako sa loob ng kotse at pinaandar ito.

Sayang sana pala yung sinabi ko eh 'pahalik muna' imbes 'kiss mo muna ako' tssk tssk! Ako sana yung humalik. Di lang smack ibibigay ko noh! Minsan lang yun.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon