EPILOGUE

516 15 1
                                    

This the end, walang book 2 at wag mag ecpect ng spg dito haha, ayaw kong ma-restricted ang story nato. Maraming salamat sa mga readers nito. :)

I'll be focusing on my new story Strangers with Memories, yun ang mature. Hahahaha. Do check it out (:

------

Xyriel's POV

Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang simoy ng hangin, kagigising ko pa lang at agad akong dumiretso dito sa balcony.

Maya maya lang ang may naramdaman akong yumakap sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Akala ko san ka na pumunta, ang aga mo namang bumangon. Ina antok pa ako Xy." ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Matulog ka muna dun Kai, masyado pang maaga para bumangon ka." sagot ko sa kanya it's almost 5 in the morning, masyado pa talagang maaga, sadyang nagising lang ako kaya ako bumangon pero babalik din naman ako sa kama namin maya maya.

Umiling lang ito na parang bata at mas hinigpitan ang yakap nito sakin. "Do you like this place?" tanong nito bigla.

"Oo naman." agad kong sagot, umalis kami noong isang linggo lang; nandito kami ngayon sa Greece.

"Gusto mo bang dito na lang tumira?"

"What? No. Mas gusto ko dun sa bahay natin Kai." sagot ko dito. Naramdaman ko ang pagtango niya.

Nilingon ko siya at nakita kong nakapikit ang mga mata nito habang nakayakap sakin.
Hinarap ko siya at ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya, I gave him a kiss. "Balik na tayo sa kama?" yaya ko.

Ngumiti ito sakin. "Xyriel ikaw ha, ang aga aga niyayaya mo na ako agad? Can't get enough of me?"

Agad ko siyang tinulak, nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya.

"Babe wag ka ng mahiya, halika na. I'm excited." nakangising sabi nito sakin.

Binatukan ko siya, kahit kailan talaga palaging sex lang nasa utak nito. Simula nang may mangyari samin eh wala na siyang ibang ginawa kundi ang mangulit tungkol sa bagay na yun.

"Aww ang sakit nun ah." reklamo niya. "I'll get my revenge." bigla niya na lang akong binuhat, pinabridal style kaya ako napatili.

"Kaizer!" natatawang sabi ko.

Inihiga niya ako sa kama at tinitigan ng napakatagal. "I can't believe your mine." sabi niya bigla.

I pulled him closer to me. "I'm yours Kaizer and you're mine." sabi ko at hinalikan siya. Naramdaman ko pa ang pagngiti niya habang hinahalikan niya ako.

I'm sure nag-eenjoy siya dito, the hell nag-eenjoy din naman ako. Oh well ito na nga ang sinasabi nilang benefits of marriage.

~~~~~

Mas una akong nagising kesa kay Kaizer. We're both naked underneath this white sheet. I started tracing his face, his eyebrows, nose and then lips.
"You're doing it again Xy." mahinang sabi niya, yung boses niya parang yung taong pagod na pagod pa.

Napangiti ako. "Hayaan mo lang ako." sagot ko dito.

Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. Suddenly I felt his warm, ganito ba talaga kainit ang katawan ng mga lalaki? Hmmmm? Parang nawawala lahat ng lamig na nararamdaman ko.

"I love you." mahinang sabi nito.

"I know." sagot ko naman.

It's weird to think na kami talaga ni Kaizer ang magkakatuluyan. Never kung naimagine noon na sa kanya pala ako babagsak, he's not my ideal man; surely not. Ang layo layo nga niya, he's completely the opposite of the man I wished to come into my life; pero siguro ganun talaga ang buhay. Binibigay sayo ni Lord kung ano at kung sinong nararapat sayo, hindi lang kung ano ang gusto mo.

But I will never exchange him for anything, he's the best gift that has been given to me and I'm going to cherish it forever.

Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi niya para hindi siya magising pero idinilat niya pa rin ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa pisngi niya.

Tinitigan ko lang siya ng napakatagal at walang sinasabi, ganun din naman ang ginawa niya.

"Mahal na mahal kita Kai." seryosong sabi ko dito.
Ngumiti naman at tinawid ang pagitan naming dalawa. He gave me a short but sweet kiss.

"Mas mahal kita." sagot niya.

Napatawa na lang ako, ayaw ko ng makipagtalo; kasi hindi rin naman siya magpapatalo at sa huli ako din ang susuko. Mas lumapit ako sa kanya at inihiga ulo ko sa dibdib niya. Pumikit ako at pinakinggan ang bawat pintig ng puso niya.
His heart that beats only for me.

~THE END~

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now