PWMIYD-25

583 24 2
                                    

Xyriel's POV

"May binulong ka ba?" tanong ni Kai sakin.

Bigla akong kinabahan. Akala ko narinig niya yun...
"W-wala."

"Ohh? Kala ko meron eh." nagtatakang sabi niya.

Huminga ako ng malalim.
"Let's eat? Ang tagal mong nagising eh, almost 8 na." sabi nito sakin.

"Sorry naman, sige tara na."

Sabay kaming bumaba papunta sa kitchen.
"Si manang?" tanong ko.

"Tapos na siya kanina pa, nagpapahinga na siguro." sagot nito habang kumukuha ng pinggan.

"Ohh." tumango tango ako.

Nilagyan niya ng pagkain yung pinggan tsaka umupo sa tapat ko.

"Hmm gusto mo bang umalis tayo? Uhmm vacation?" napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Huh? Vacation? Loka loka 2 days lang ang weekend." sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito.
"Alis tayo ngayon then balik tayo kaagad pagka Monday." simpleng sagot nito sakin.

"Seryoso?!" tumaas ng bahagya ang boses ko.

Tumango ito tsaka ngumiti. "Ayos kaya yun." makapagsalita siya parang napakanormal ng plano niya.

"San naman tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.

"Hmm sa resort nila Luke, nag-invite nga siya sakin kanina na pumunta raw tayo dun."

"Ohh? Sige sige." nakangiting sagot ko, gusto ko rin namang mag-enjoy para kahit papaano eh makalimutan ko na tong mga problemang iniisip ko.

"Talaga? Payag ka na? Sige pagkatapos nating kumain eh umalis na tayo agad." excited na sabi niya.

"Oo na, teka yung mga gamit natin."

"Tapos ko ng ayusin tapos si manang kinausap ko na rin kanina." tugon nito.

"Hanep! Di naman halatang planado to eh noh?" natatawang sabi ko.

"Naman para sayo." kumindat pa siya sakin.

I snorted.
"Landi mo." tumawa lang ito. In fairness ang sexy niyang tumawa.

Pagkatapos naming ayusin yung gamit namin sa sasakyan ay naghanda na kami sa pag-alis.

"Sure ka bang okay lang iwan si manang?" nag-aalalang tanong ko.

"Nag-iwan ako ng note, sabi ko magday off na lang muna siya para makasama niya mga anak niya." sagot ni Kai sakin.

"Ohh okay."

Dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng pagkain, para naman hindi kami magutom habang bumabyahe.

"Junk foods na naman?" ang boses niya may pagka-irita.

"Oo, gusto ko eh. Tapos may 2 litters akong tubig dito." nakangising sabi ko.

"Baka naman maihi ka niyan sa gitna ng byahe namin." he kidded.

"Eh di maghahanap ng banyo." simpleng sagot ko.

"Eehh wag mo na lang damihan ang pagkain para di ka mauhaw! Gabi na kaya."

"Oo na po boss, masyado mong siniseryoso mga sinasabi ko eh." natatawang saad ko.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang