PWMIYD-13

742 30 5
                                    

Lucky 13~

:D

------------

Xyriel's POV


"Mom dito po ba talaga kayo matutulog?" ewan ko lang kung ilang beses na yan tinanong ni Kai sa parents niya.


"Pa-ulit ulit Kaizer?" bara ng mom niya sa kanya.


"Eh kasi naman, aisshh san na matutulog si Xyriel?" tanong ulit ni Kai.


"Eh di sa kwarto mo, tabi kayo." sagot naman ng daddy ni Kai.


"Huh? Hindi pwede!" mabilis na sabi ni Kai.


"Anong hindi pwede eh mag-asawa na kayo, kami ng ng mommy mo tabi matulog eh!" giit ng daddy niya.


"Dad naman..." parang bata na sabi ni Kai.


"Wag ka ng magreklamo, di nga nagrereklamo si Xyriel na siya yung babae." singit ng mommy niya.


"Haist." napasuko din si Kai.


"Sige na at aakyat na kami sa kwarto, magpapahinga na kami ng mommy mo." sabi ng dad ni Kai samin bago sila tuluyang umakyat papunta sa kwarto ko.


"Ugghh." rinig kong sabi ni Kai tsaka siya umupo sa sofa.


"Alam mo kung umasta ka para kang kung sinong Maria Clara." sabi ko tsaka umupo sa tabi niya.


"Sigurado ka bang okay lang talaga sayo na tabi tayo matulog ha? Sa sitwasyon natin ngayon na ni hindi tayo nag-uusap?" frustrated na tanong niya.


"We're talking right now." pilosopong sagot ko.


He frowned.
"Xyriel I'm serious."


"Seryoso din naman ako, bakit nga ba di tayo mag-usap ng maayos?" sabi ko sa kanya.


He sighed.
"I don't know."


"Kai." mahinang tawag ko sa kanya, tinitingnan ko siya ngayon.


"Hmm?" he then looked at me kaya nagtama yung mga tingin namin.


I don't know how long we've been staring at each other pero wala pa ring umiiwas. Ano ba tong ginagawa namin?

Nakita ko na lang na lumunok siya.

He's still staring at me, yung titig niya nakakalunod. I suddenly felt his hand on my left cheek. He gently caress me there.


Alam ko na ang susunod niyang gagawin, kaya napapikit na lang ako.

Hindi pa nga naglalapat yung labi namin eh may narinig na ako ingay dun sa may hagdan kaya agad akong napadilat. Nakita ko rin naman yung mukha ni Kai na natataranta.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now