PWMIYD-14

700 26 3
                                    

Sorry talaga at di ako nakapag update, almost 1 month na pala...
Masyado lng po talagang busy sa school lalo na't malapit ng matapos ang school year.. Di pa rin po ako makaka ud parati, kasi super busy na talaga malapit na akong malunod sa school work lol...
pasensya na ulit...

------

Xyriel's POV

"Aba aba yung ngiti natin ay abot tenga ahh." sabi sakin ni Denver habang tinitngnan ako ng mabuti.

"Wag ka nga." saway ko.

"Tell me may nangyari ba sa inyo ni Tristan nung wala ako?" tanong nito.

"Anong nangyari yang pinagsasabi mo?" tumaas bigla ang kilay ko.

"I mean ano nag level up na ba kayo? Nagtapat na ba siya? Di ba pumunta siya sa inyo?" sunud-sunod na tanong niya.

"Ikaw haaa! Ba't mo sinabi yung address ko?" medyo tumaas pa yung boses ko.

"Ahhh hiningi niya kasi, tsaka bat parang ayaw mo? Diba gusto mo naman siya? Tinutulungan na nga kita eh." depensa niya.

"Kasi naman agad agad siyang pumunta dun nakita tuloy siya ni Kai." sagot ko.

"Oh anong problema? Nagalit yung kuya mo?" malditang tanong ni Denver.

I sighed.

"Denver kasi ang totoo niyan hindi ko.... " di ko natapos yung sasabihin ko ng biglang tumunog yung telepono niya.

"Si mommy!" parang natakot pa siya nang makita ang pangalan ng nanay niya na tumatawag.

"Anong gagawin ko?" natatarantang tanong niya.

"Sagutin mo. Gaga."

"Hello?" halatang kabado siya sa tono ng pananalita niya.

Para siyang baliw, kala mo naman kung sino yung kausap niya eh nanay niya lang naman.

"Opo, I understand."
"Sige ho, pupunta na kami diyan."

Napalingon ako sa kanya. Anong pupunta?

"Uhmm sissy, pinapapunta tayo ni mommy." sabi niya kaagad sakin.

"Huh? Bakit daw?"

"Ewan ko basta pumunta na daw tayo dun asap."

"Okay nagpromise ako sayo eh, pero last na talaga to Denver ha."

"Thank you so much Xyriel, love talaga kita."

"I love you too bakla." panunukso ko.

"Yuck wag ka ng sumagot pwede ba." nandidiring sabi niya.

Napatawa ako. Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa kotse niya.

"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" natanong niya bigla.

"Huh? Ahh wala wala, kalimutan mo na yun." sabi ko at napayuko.

*******

Same place lang yung pinuntahan namin. Malapit lang kasi yung office ng mommy ni Denver dito.

"Ija siguro naman ay alam mong dapat may fiance na ang anak kong to." panimula ng mommy ni Denver.

Ito na naman kami sa usapang to.

"Mom..." tawag ni Denver.

"Son let me finish it first." pigil niya sa anak niya.

"Ija as I was saying, alam mo naman yun ija di ba?" tanong niya sakin.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum