PWMIYD-30

482 14 2
                                    

Xyriel's POV

"Ano sabi ng asawa mo sa ginawa ni Tristan sayo?" tanong ni Denver sakin habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Hmm syempre nagalit pero pinakalma ko, mabuti nga at sumunod eh." sagot ko sa kanya. "Nga pala anong ginawa mo kay Tristan?"

"Wala naman, sinabihan ko lang parents niya sa ginawa niya sayo; ewan ko lang anong plano nila kay Tristan." simpleng sagot niya sakin.

"Kilala mo pala parents niya?" takang tanong ko.

"Hindi naman talaga pero business partner kasi sila ni mommy kaya naka-usap ko."

"Ahhh... Pero sayang siya ha, malapit na graduation eh." sincere na sabi ko.

"Oh please Xyriel! Tigilan mo nga yang awa na nararamdaman mo sa gagong yun, he doesn't deserve it." sita nito sakin.

Napasimangot ako.
"Ang heartless mo naman."

"Hindi ako heartless, sadyang sira ulo lang ang lalaking yun." giit nito.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang may biglang bumunggo kay Denver mula sa likuran namin.

"Ano na naman ang kailangan mo?" iritadong tanong ni Denver kay Hazel.

"Ui ang sama mo naman, psshh sumbong kita kay Xyriel eh." sabi bigla ni Hazel.

Pinanlakihan lang siya ng mata ni Denver.
"Shut up!" malakas na sigaw nito.

Anong nangyayari sa dalawang to?
"PSSHH SUNGIT MO!!!" sigaw naman ni Hazel.

Talagang nagsisigawan sila dito eh noh?

Hanggang sa makarating kami sa canteen eh wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa.

"Ano nga kailangan mo at sumama ka pa samin dito?" pagbabasag ni Denver sa katahimikan.

Bigla naman akong tinuro ni Hazel.
"Siya."

Naituro ko ang sarili ko.
"Ako?" takang tanong ko.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" tanong pa ni Denver.

"Wag kang mag-alala it's not about you." sabi nito kay Denver bago inilipat ang tingin nito sakin. "May asawa ka na pala?"

Napalunok ako bigla. Paano niya nalaman yun?

"H-how did you know about that?!" gulat na tanong ni Denver.

"You know Phoebe right?" tanong niya sakin kaya tumango ako. "She's my sister."

"What?!" halos mapasigaw pa ako. "Di nga? Magkapatid talaga kayo????"

"Oo nga. Siya ang nagkwento sakin, una nga di ko alam na ikaw ang Xyriel na tinutukoy niya pero nakumpirma ko lang kanina na ikaw nga nung marinig ko kayo ni Denver." pagpapaliwanag niya.

"Alam mo ang chismosa mo." puna sa kanya ni Denver.

"Di ko kaya yun sinasadyang marinig tsaka yung sa ate ko naman, naikwento lang niya kasi sobrang kilig niyo daw ng asawa mo." nakangiting sabi nito.

Napayuko ako. Nakakahiya!

"Bakit? Ano palang ginawa ng asawa mo at nakakakilig ha?" tanong bigla ni Denver.

"Di mo alam? Poor Denver." sabi ni Hazel dito.

"Shut up I'm not talking to you."

"Sungit mo!"

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now