"Gaga ka!" sinalubong ko nang mahigpit na yakap si Dine na ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa kama. "Tanga mo talaga!" sermon ko pa sa kaniya. Her mom is not around, siguro ay umalis na dahil kanina pa raw madaling-araw dito si Dine at kailangan magpahinga ng mom niya.

"Na-aksidente na nga ako, tinawag mo pa akong tanga!" wika niya at pinitik ang ilong ko. Buti naman ganito umasta 'to dahil totoo ngang okay lang siya. Nakapagpahinga ang mga paa ko nang makaupo na ako sa kama niya.

There are no bruises on her face. "Nasan ang sugat mo?" inalis niya ang kumot na nakapatong sa katawan niya.

"Tanga!" napalakas ang boses ko nang makita ko ang malaking gasgas sa dalawang binti niya.

Iniliko rin niya ang ulo niya dahilan para makita ko ang gasgas sa batok niya. "Well, these are just a minor bruises, buti na lang talaga." She fell back to her bed. Humiga na siya nang maayos ngayon.

"Buti talaga! Nako, kumusta ang sasakyan mo?" balita ko kasi ay wala pang dalawang buwan ang sasakyan niya pero sinasabak niya agad sa giyera.

"Hulaan mo," humalakhak siya kaya natawa rin si Lexi na ngayon ay nakaupo sa sofa. "Nasa maintenance na, si papa na ang bahala doon," there's a slow smile in her face.

"You're a total moron, girl!" pang-asar pa ni Lexi sa kaniya.

Ilang oras din kaming nagke-kwentuhan dito, dito na rin kami nag lunch dahil nag-order lang si Lexi sa grab ng Jollibee.

Malapit nang mag alas-sais kaya sigurado ako na pauwi na rin ang mga workers ngayon, including Mat. I hope Ara already left. Sana ay hindi siya sinabay ni Mat. I know him, he's close to her. Ang weird lang kasi dahil hindi naman siya ganoon kadalas pumunta nang si Engr. Santamonte pa ang naka-assign na engineer sa site.

"So, you'll be discharged tomorrow morning?" kumuha ako ng isang pirasong grapes sa basket na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama niya.

"Yep,"

"So, hindi ka na iinom?" Lexi asked Dine.

"Shempre," napatingin kaming dalawa sa kaniya, looking kinda shocked."Shempre, iinom," siguro ay rinig na rinig sa kabilang kwarto ang tawa niya.

"Okay, dapat lang!" sabay pa naming sigaw ni Lexi at nag-apir pa. Dapat lang no, ang college life namin ay umikot lang sa kakainom every friday and weekends, ta's mawawalan pa ako ng isang kainuman? Hindi yata dapat 'yon.

Para tuloy party ang naganap dito sa hospital room ni Dine at hindi pagbisita sa may sakit dahil sa kaingayan namin.

I looked at the screen of my phone if Mat texted me, but he didn't. Busy lang siguro.

Mag-aalas otso pa lang ng gabi at ayaw ko pang umuwi, ayoko rin namang uminom dahil hindi hinahanap ng lalamunan ko ang init ng alak.

Wala akong choice kung hindi pumunta sa condo ni Mat. Sana naman nandoon na siya para doon muna ako tumambay kahit ilang oras lang.

"You sure Mat is in his condo?" dumaan kami ni Lexi sa bgc at pateros dahil doon mas malapit ang Grand Hyatt kung saan nag acquire ng condominium si Mat.

"Titignan ko muna if he's there, if not, I will take a grab na lang to get home," wika ko para hindi na mag-alala si Lexi sa akin dahil gabi na at delikado talaga rito sa Taguig lalo na't madaming snatcher at manyak ang kumakalat.

"Okay, text me when you get home, ha?" bumaba na ako sa sasakyan niya at tumango na lang sa kaniya. She looks concern.

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta ng ganitong oras dito. Pero bahala na. Let's take the risk.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum