++

48 1 2
                                    

++
Yang Jeongin's

"Bin, tama na yan. Ang dami mo nang nainom." Malalim ang boses ni Kuya Felix nang agawin nya ang hawak na shot glass ni Kuya Changbin.

"Hmmm, ayoko na din naman. Ang kulit lang ni Hyunjin."

"Ako nanaman kinatwiran mong loko ka! Noona oh!" Pag susumbong ni Hyunjin kay Ate Ahna.

Napapangiti nalang ako habang tinitingnan sila. Si Ate Ahna at Hyunjin, naikasal na din at buntis si Ate Ahna ngayon.

Naunang ikasal si Ate Niroh at Kuya Minho pero hindi namin alam kung kelan nila balak mag anak.

"Bok, tara muna sa labas. Papahangin..." Tumayo si Kuya Bin at hinigit si Felix palabas ng bahay nina Kuya Minho.

"Magsosolo nanaman ang mga hinayupak."

Hindi ko din talaga alam. Basta nasanay lang kami na laging magkasama si Felix at Changbin. Sa iisang bahay din sila nakatira at literal silang hindi mapag hiwalay.

"Hon, you okay?" Umupo si Yuri sa tabi ko at binigyan ako ng isang baso ng tubig.

"Yeah, naparami lang siguro ng inom."

"Masakit ulo mo?"

"Hindi naman."

To be honest, this is really how I met Yuri...

"Oh sorry, natapunan pala kita..." Umikot ang paningin ko nang maamoy ko ang perfume ni Ali. Para akong nahilo dahil bigla kong naalala ang amoy nya.

Tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko. She's holding my shoulders for support, natapunan nya ako ng hawak nyang cocktail at nabasa ng bahagya ang polo ko.

"Pwede bang pahawak muna? Napahiwalay ako sa mga kasama ko eh..."

The music was loud. The floor is crowded and the dance is getting dirtier. May nagpasabog ng alak mula sa taas at mas lalo lang nagwala ang mga tao sa gitna.

Yedam invited me here. It was his friend's party. Common friend namin yun kaya nag attend din kami to chill.

"Now you're soaking wet." She giggled at ipinatong ang cocktail glass nya sa tray nung waiter na dumaan.

"Let's dance, come on!"

I know her. She's Jo Yuri. Naipakilala na sya sa akin noon ng isang common friend. Sa pagkakaalam ko ay may boyfriend sya, pero bakit nakukuha nyang makipag sexy dance sa akin?

"Woah! She's hot!" Bulong ni Yedam na may kasayaw din na dalawang amerikana.

"Ikaw si Jeongin diba?"

"Ah, oo. Nagkakilala na ata tayo noon."

"Hmmm, naaalala ko nga. Gusto mo bang lumabas muna? Ang init kasi dito..."

"Saan tayo pupunta?"

"May alam ako."

The whole night was a blur. At first, I thought it was just the alcohol. Madami akong nainom at si Yuri naman ay lasing na din nang matagpuan ko sya sa dance floor.

But then, we woke up on someone else's bed wearing nothing. We're drugged. May mga nakalusot daw na matataas na dosage ng party drugs ang nakalusot sa party na iyon at naging biktima kami.

"Natulala ka na dyan... inaantok ka na ba?"

"Hindi pa naman. May naisip lang ako bigla."

"Dito ka muna. Tulungan ko lang sila Ate Niroh..."

Tumayo si Yuri at sumama kina Ate Niroh at Ate Ahna papunta sa kitchen.

Nakita ko naman agad si Kuya Chris at Ali na nag uusap kasama si Seungmin at Kuya Woojin.

"Namamawis ang kamay mo." Sabi ni Kuya Chris na kanina pa nakahawak sa kamay ni Ali. They're engaged now. Ikakasal na sila in a few months.

"Ikaw, alam mo namang pasmado ako eh."

"May sinabi ba akong ayaw kong hawakan. Akin na nga..." Kinuha ulit ni Kuya Chris ang kamay ni Ali at hinigpitan ang hawak dito.

Ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ang kamay nya?

Siguro malambot ang mga iyon.

Siguro medyo basa din dahil pasmado sya.

Siguro masarap hawakan at halikan.

Pero alam ko, hindi ko na din mabibigyan ng sariling kasagutan ang mga tanong ko. Dahil may iba nang nakahawak sa kamay nya, mahigpit, hindi bibitaw at hindi ako yun.

"Hon..." Tinawag ako ni Yuri kaya napalingon ako sa kanya.

His entire family found out about our one night stand and made me date Yuri to save their reputation. Hindi ako nakatanggi dahil... yun din ang kagustuhan ng ama ko para maisalba ang nalulugi naming kompanya at ang mga pangalan namin.

It was a one night stand. One night of impurity that I have to shoulder my entire life.

"You look tired, In."

"Medyo lang. Ikaw, hindi ka ba pagod?"

"Not really."

Humawak si Yuri sa kamay ko at sumandal sa balikat ko.

Maybe I'll get used to holding her hands.

Maybe someday, my heart will find a way finally consider that our hands fit together perfectly

But for now, I can't even fool myself.

I'll fall for her someday. Deeply. Passionately. I really hope so.

One impure action can lead to serious casualty. It can cost your own happiness. And right now, the only thing I'm holding to is the hope to fall in love with girl who's holding my hands right now.

I care for Yuri. I love her. But not to the extent that I'll hear wedding bells while looking at her.

But someday... I'm hoping to fall for her so that we can have the love we both deserved.


Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon