++

38 1 3
                                    

++
Lim Ali's

"I'll be leaving in three days." Humawak sya sa railings at humarap sa dagat. The waves are calm but the breeze is quite aggressive.

Rinig parin namin ang ingay ng mga kaibigan namin mula sa kabilang side ng main deck. They're all drinking and enjoying this moment.

"Hmmm, I see."

Humarap din ako sa dagat kagaya nya. The breeze is kinda itchy on the face, nirereklamo ito ni Ate Niroh kanina at mukang tama nga sya. Medyo makati nga sa muka ang hangin sa kalagitnaan ng dagat.

"I guess that's it..." He murmured using a low voice.

"What do you mean?"

"Ali, I already told you, I am not forcing you to return my feelings. We tried, and I guess that's it..."

"Hindi ko naiintindihan ang gusto mong sabihin Kuya Chris."

Is he breaking up with me?

"We're done trying, Ali. Can you tell me kung may nagbago ba sa nararamdaman mo sakin mula noon?"

I couldn't say anything. Akala ba ay hindi sya tutuloy sa Australia pag kami na?

Pero bakit sa nakikita ko, gusto nyang makipag hiwalay sa akin at umuwi sa bansa na yun?

"Kuya..." I couldn't say it. I don't even know what to say. I can't name my feelings for him, they're unknown and subtle and uncertain.

"Kuya parin ang tawag mo sakin, you probably see me as an older brother and not a potential lover. And that's it. Nothing can grow more out of that."

"It's not like that..."

"Then tell me, ano ba? Meron ba? Para kasing wala..."

"Kuya please..."

"Naiilang ka lagi sakin. Ayaw mong hinahatid at sinusundo kita. Hindi ka din nag rereply sa mga messages ko... pag tinatawagan kita, hindi ka naman sumasagot. Nag di-dinner tayo pero hindi mo ako pinag babayad ng mga kinakain mo. Madalas tayong magkasama pero... pero parang ang layo mo parin."

I bit my lower lip while holding back my unknown emotions. I don't know what I'm feeling and I don't really know what is this. It feels like my heart muscles and constricting and tightening.

"Hoy love birds! Ang KJ nyo! Tara dun!" Pang iistorbo samin ni Kuya Minho na may hawak pang bote ng mamahaling alak.

"Wag mo nga istorbohin!" Piningot sya ni Ate Niroh at hinila palayo sa amin.

Humarap ako kay Kuya Chris na wala paring ekspresyon.

"Tara na sa kanila..." Kalmado nyang sabi at inilipat sa akin ang suot nyang jacket.

Bumalik kami sa mga kaibigan namin na parang walang nangyari. Nag inom. Kumain. Nakipag asaran. Nag dramahan. At nag plano.

It all seemed normal. Everything seems like they're on their perfect places. But I know, deep down in my subconscious thoughts, I know I'm not okay.

"Gi, susunod ako maya maya..." Paos na sabi ni Kuya Minho na kanina pa pasimpleng nahithit ng yosi.

"Hmmm, bahala ka basta wag kang magsusuka." Umismid si Ate Niroh at humalik muna kay Kuya Minho bago sya tumayo para matulungan ako sa pag alalay kay Ate Ahna na lasing na lasing na.

"Ang payat pero ang bigat..." Reklamo ni Ate Niroh habang inaayos ang higa ni Ate Ahna.

"Baka mabigat ang buto."

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now