++

39 1 1
                                    

++
Hwang Hyunjin's

For a fact, wala naman talaga akong balak na pormahan si Ahna noon. Lagi ko syang nakikita sa campus at sa mga clubs pero hindi ko talaga sya kinakausap dahil una, mas matanda sya sa akin, pangalawa, hindi kami close.

Until that day...

"What the fuck, ipapasuot nyo talaga sakin to?" Tumaas ang boses ko habang tinitingnan yung gustong ipasuot sakin nung tatlong kaibigan kong mas gago pa sakin. Si Bomin, Sanha at Daehwi.

"Natalo ka sa billiards. Wala kang bayag pag di mo hinarap ang consequences..." Mayabang na sabi ni Daehwi habang dinuduro ako ng tako.

"Suotin mo na, madali lang naman gagawin mo eh." Sabi ni Bomin na kumakain ng chips sa couch.

"Nakng! Ikaw gumawa kung madali pala!"

"Kung ako natalo, gagawin ko talaga."

"Gawin mo nalang kasi, weak shit ka ba?" Tanong ni Sanha.

"Hindi!"

"O edi gawin mo."

Itong tatlong to, muka lang talagang mababait at matitino, pero mas gago pa talaga kesa sakin.

Pinapasuot ba naman sakin yung pants mukang plastic cover. May boxers naman na itim pero walanghiya talaga, gawa talaga sa plastic cover yung pants. Maigi sana kung see through eh, pero transparent talaga!

Walanjo!

"Susuotin din pala, iinarte pa." Komento ni Daehwi na patawa tawa.

Sumakay na kami sa kotse ni Bomin at dumiretso sa District 9, pumasok kami sa Haven. This is the dare. Magsasayaw ako sa dance floor while wearing this crap.

Nakakabwisit. Sa gwapo kong to, gawa sa plastic cover ang pantalon ko? Ang maganda lang na nangyari ay dahil bumabakat ang malaki kong ano.

"Go, giling na." Humagalpak si Bomin at iniwan ako sa gitna ng dance floor. Pumwesto sila sa bar counter at vinideohan ako.

Hiyang hiya ako dahil sa suot ko. As in nakakahiya talaga. Mas lalo akong nahiya nang tumutok sa akin ang spot light kaya tumingin sa akin ang lahat. As in lahat, hiyang hiya ako dahil nagtatawanan sila.

"Boy, laki nan ah." Sabi ni DJ H.One sa microphone na nag gi-gig din sa Haven.

Pero dahil nandito na rin naman ako, tinodo ko na ang kahihiyan ko. Gumiling giling talaga ako sa gitna, siguro dahil na din sa kalasingan kaya malakas ang loob ko.

"Ooops..." Natigil ako sa pag giling nang may babaeng bumangga sa akin, muntikan na syang matumba pero nahawakan ko kaagad ang bewang nya kaya sa akin sa sumubsob ko.

"Oh, it's you... the plastic cover boy." Natatawang sabi nung babae. My eyes are not focusing, nahihilo na din ako pero mas nahilo ako dahil sa sobrang tamis ng amoy nya.

"I'm Ahna, you're Hwang Hyunjin, right?"

For a moment, I was stunned. She's really beautiful. Her beauty never fades. It's as if she keeps on getting beautiful every time she inhales.

That night, after making out with her in the very dance floor, I asked for her number. And that's how we started dating.

Ahna is really beautiful. She's strong, and mature, and smart and really sexy. Sya ang pinakamagandang babae para sa akin. Her hair is naturally highlighted with ash. High cheek bones, pointed nose, full lips, and very sexy collar bones.

Niroh and Ali are also beautiful. Si Niroh, medyo chubby sya noon kaya cute na cute sa kanya si Minho. Lalo na pag nakasimangot sya, parang tanga si Minho na nalilimutan si Ryujin noon dahil kay Niroh.

"Hoy gago ka, may syota ka na." Kuya Woojin would always snap at Kuya Minho every time she's gawking over Niroh. Sila na ni Ryujin that time pero itong gagong to, mukang Niroh.

"Eh ano naman, pinormahan ko ba?"

According to this douche named Lee Minho, sure na daw talaga sya na mahal nya si Ryujin noon. Matagal nya nang crush si Niroh pero ginive up nya na, but then nung nalaman nya na step sisters ang girlfriend nyang mabait at ang suwail na si Niroh, mas nag focus sya kay Niroh kesa kay Ryujin.

"I don't understand why you like her. Sungit sungit nan, naku tol, kung nakakasama mo yan sa bahay, sasakit ulo mo." Reklamo ni Kuya Woojin habang nakatingin sa pinsan nya na nakasimangot habang kumakain sa cafeteria.

"Amoy pang kulay ng kuko ang kwarto nan! Tapos ayaw na ayaw magpapahawak, laging nagdadabog, tapos ang lakas mambwisit! Ang ingay ingay pa lagi, tapos sumbungera!"

"Sasapakin na kita eh. Kung ayaw mo, ibabahay ko na yan."

Si Ali naman, soft ang features pero sobrang taray. She's really attractive at first sight pero pag kumilos na, kusa ka na talagang lalayo dahil napaka arte.

"Ikaw, nanapak ka daw?" Cool kong tanong kay Ali nang makita ko syang pasimpleng kumakain ng chips sa library. Yari sya pag nahuli sya.

"Di ah."

"Nakita ko. Nagkablack eye nga si MK eh."

"Sus, eh normal naman na may black eye yun eh."

According to what I've heard, nagtangka daw itong si MK na kunin ang number ni Ali dahil pinapakuha daw sa kanya nung kaibigan nya, ito namang si Ali, nanlait daw at nandamay ng pamilya sa panlalait.

Naturn off si MK at yung kaibigan nya at nilait din si Ali. Eh dahil may bad temper tong isa, nanapak daw agad.

However, Ahna's beauty is really different. Of course, pag si Minho ang tinanong, malamang sasabihin nya na si Nini ang pinakamaganda, pag si Kuya Chris ang tinanong, sasabihin nya si Ali ang pinakamaganda.

Pero sa totoo lang, may mga babae talaga na minamahal lang dahil maganda, at may mga babae na nagiging maganda kasi mahal mo.

Si Ahna, at first, I was really fascinated with her beauty. Pero habang nakikilala ko sya, she's more than a beautiful face and sexy body.

Plus the obvious fact that I love her. A lot. Always. After all this time.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon