47//

61 1 0
                                    

47//
Lee Niroh's

"Ate, bagay?" Tanong ni Ali nang lumabas sya mula sa walk in closet nya suot ang isang kulay pink na dress. Ito na ata ang ika-pitong dress na sinukat nya.

"Bagay naman."

"Para kasing ang revealing masyado..."

"Hindi naman, try to bend forward, sasabihin ko kung makikita ang cleavage mo."

Yumuko sya at agad akong umiling. "Change it. Kitang kita ang dibdib mo."

"Argh! Di ko na talaga alam ang isusuot ko!"

"Sabi ko naman sayo yung kulay white ang isuot mo eh, mas maganda ka dun."

"Nah-uh! Nakawhite na dress si Yuri kaya hindi ako pwedeng mag white."

Tumalikod sya at pumasok ulit sa walk in closet nya para magsukat nanaman ng panibago.

Mag aalas kwatro na ng hapon, kaninang ala una pa sya nagsimulang mamili ng susuotin para sa kasal ni Ahna at Atty. Sangyeon bukas pero hanggang ngayon ay wala parin syang napipili.

"Ate! Ito, okay na?" Lumabas sya at faded na pastel green na ang kulay ng suot nyang dress. Hanggang tuhod nya ito at off shoulder.

"That's better. Mas bagay sayo."

"Sure?"

"Yep."

"Okay! Then tara na, I have to get my nails and hair done."

Mabilis nya akong hinila paalis ng bahay nya at dumiretso kaming dalawa sa isang salon na malapit sa sentro ng Seoul City.

"I need a haircut." Sabi ni Ali dun sa staff ng salon.

"Ano pong gusto nyong haircut, miss?"

"Gusto ko yung... magmumuka akong mature. Yung mukang mature ha, pero hindi mukang matanda."

"Sige upo na po kayo and choose from the book. Ikaw, miss?"

"Hindi. Sinamahan ko lang sya." Umupo ako sa isang couch at mabilis akong pinandilatan ni Ali ng mata nang lingunin nya ako.

"Ate, come on! We have to look our best bukas!"

"Wag na, Ali. It's just a one day event."

"What? One day event nga yun, pero after so many years, iba-browse natin ang album ng kasal ni Ahna at magsisisi ka kasi di ka nagpaganda ng husto."

Magaling talagang mangumbinsi si Ali. Halos mag aalas otso na nang makalabas kami ng salon. Nagpamani-pedi kami, at pareho kami ng nail polish na matte yellow.

Nagpagupit si Ali ng buhok hanggang sa balikat at pinakulayan ito ng brown. Ako naman ay nagpagupit din ng buhok, noon ay hanggang pwetan na ang buhok ko, pero ngayon ay hanggang siko nalang ito at pina-small curls ni Ali ang dulo.

"Ang tagal ni Kuya Minho, dapat kay Hyunjin nalang tayo nagpasundo eh." Bulong ni Ali habang hinihintay namin si Minho sa labas ng salon.

"Traffic daw malapit sa Glow District eh... pero malapit na daw sya eh."

"Baka kaaalis nya lang kina Changbin ha?"

"Malapit na yun."

Nakina Changbin kasi sila Minho at Kuya Chris. Naglalaro daw sila ng billiards kanina dahil pinagmamayabang ni Changbin ang billiard hall sa bahay nya.

"Ayan na pala eh." Sabi ko nang pumarada ang sasakyan ni Minho sa tapat namin.

"Ang tagal mo..." Reklamo ni Ali at pumasok na sa backseat. Umupo naman ako sa unahan, sa tabi ng driver's seat.

"Maganda ako?" Tanong ko kay Minho.

"Wala namang nagbago sa muka mo eh. Ganun parin..."

"Grabe ka naman Kuya Minho! Inabot kami ng ilang oras sa salon! Purihin mo naman si Ate Niroh!"

"Ang ganda mo. Ang cute mo. Wow! Heol! Daebak!" Sarkastiko nyang sabi na may kasama pang pandidila sakin. "Kaganda nare! Gorgeous! Beautiful!"

Minho doesn't really compliment me. Bihirang bihira nya akong purihin, at ganun din naman ako sa kanya. Lagi nya akong inaasar na baboy noon, malapad ang noo at nakabusangot. Hindi nya ako sinasabihan na maganda, or cute or sexy.

Mas lagi ko syang inaasar at nilalait kesa pinupuri. And I like it that way. Because we know each other's imperfections and have accepted them wholeheartedly.

"Insecure ka talaga saking nguso ka! Palibhasa malaki ang hita mo eh!" Sabi ko at binelatan din sya.

Hinatid muna namin si Ali sa bahay nito. Alas otso pasado na, medyo traffic padin dahil hanggang alas nuebe ang peak hours ng Seoul City kapag working at school days.

"See you tomorrow! Thank you sa time ate!"

"Sure!"

"Ingat kayo!"

Pumasok na si Ali sa bahay nya at nagsimula na kami ni Minho na bumyahe papunta sa bahay nya. Doon kasi ako matutulog ngayon at sabay naman kami bukas na pupunta sa venue ng kasal ni Ahna.

Civil wedding yun, at ang venue ng reception at ang venue ng marriage rites ay sa iisang lugar na. Sa ballroom iyon ng Oh Tea Nine Hotel.

"Saan mo gusto kumain? Sa bahay o mag dine nalang tayo sa somewhere?" Tanong nya habang nakatigil ang kotse dahil nakared light.

"Bahay nalang siguro. Nakakapagod na eh, maghapon akong kinulit ni Ali."

"Good choice."

"Pero ikaw magluto ha? Baka kasi masira ang kuko ko..."

"Pasalamat ka ang ganda mo ngayon!"

"Parang sinabi mong ang pangit ko kahapon at nung isang araw ah!"

"Hmmm, parang ganun na nga. Gusto mo salinan kita ng magandang lahi?" Humalakhak sya at gumana nanaman, humawak sya sa isang hita ko gamit ang isa nyang kamay.

"Gumana ka nanaman, Lee Minho. At pwede bang sa kalsada ka tumingin? Ang likot ng mata at kamay mo."

"Mamaya ka sakin." Natatawa nyang sabi.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na agad sya sa kusina. Inilapag nya lang sa table ng living room ang mga gamit nya at hinanda nya na ang mga lulutuin nya sa kusina.

"Magbihis ka kaya muna ano?"

Hinubad nya ang coat at necktie nya at humarap sa akin para ilahad ang braso nya.

"Aanhin ko yang braso mo?"

"Ror."

"Ha?"

"Irolyo mo yung manggas."

Inirapan ko lang sya at sinunod ang utos nya. Nirolyo ko ang manggas ng puting long sleeves nya hanggang sa siko at nagsimula na sya sa pagluluto.

"Minho, kape?" I asked.

"Hmmm."

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon