27//

62 1 0
                                    

27//
Lee Niroh's

"Miss Lee, ilang beses na kitang pinagsabihan na bawal ang gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho..." Mahinahon pero bakas ang inis na sabi ni Atty. Sangyeon.

Isiniksik ko kaagad sa bulsa ko ang cellphone at nagpatuloy sa pag aayos ng mga papel. Hindi ko na nareply-an ang text ni Minho, mamayang break time nalang siguro.

"Pagkatapos mong i-aarrange ang mga yan, bumalik ka na kay Atty. Sungwoon sa taas. Mamayang alas tres ka nalang bumalik dito." Malamig nyang sabi habang nakatutok parin sa laptop nya.

He's really busy this week. Ikakasal na sila ni Ahna in two weeks kaya tinatapos nya na ang mga trabaho na kailangan nyang tapusin. Maglileave kasi sya for two weeks para sa honeymoon nila sa Slovakia.

"O-okay po. May iuutos pa po kayo bago ako bumaba?"

"Kape lang..."

"Sige po." Inilapag ko ang makapal file case sa ibabaw ng glass table at pumunta na sa coffee area para kumuha ng kape ni Atty. Sangyeon.

May maliit na kitchen kasi sa second floor kung saan may unlimited supply ng kape.

"Tita Wang, kape daw po para kay Atty. Sangyeon..." Sabi ko dun sa tagabantay nang makarating ako.

"Upo ka muna, hija. Gagawin ko lang."

Umupo ako sa bakanteng upuan at kinuha muna ang cellphone ko habang nag hihintay ng kape. May dalawa pang text galing kay Minho kaya nireplyan ko na muna sya.

From: Minhoe
Message: What time is your out?
Message: May ginagawa ka ba?
Message: Sumabay ka na sakin mamaya

Napangiti nalang ako habang binabasa ang mga messages nya.

Hindi ko alam kung okay na kami. Pero magmula nung usapan namin sa loob ng sasakyan nya nung nakaraang araw, parati nya na akong tinetext, tinatawagan at sinusundo.

Kahapon ay sinundo nya ako at doon kami kumain sa may unit nya sa Carpe Diem.

To: Minhoe
Message: Five thirty pa
Message: Paano ako sasabay? Ang layo kaya ng office mo

Mas lumawak ang ngiti ko habang sinesend ang reply ko. Para akong high school student na kilig na kilig sa crush nya. Magmula nung usapan at sa nangyari sa amin nung isang gabi, sa tingin ko unti unti na kaming naaayos ni Minho.

"Bumalik na tayo sa dati..."

"Ayoko na ng ganito. Ayoko pag wala ka..."

"Please..."

"Gagawin ko lahat, basta wag mo lang akong iwanan..."

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang mga yun nang hindi manlang nag iisip. Kusa nalang na lumabas sa bibig ko yung mga bagay na gustong gusto kong sabihin.

"Shhh, let's start again..."

"Ha?"

"Shhh... stop crying, Gi. Magsimula tayo ng bago,--- aish, maglilitanya pa ako, tulog ka na pala dyan."

I felt him circled his arms around me, at doon ako mas lalong nakatulog. Pagod na pagod ako, pisikal man o mental, at nung yakapin ako ni Minho, para akong napahinga. At literal nga akong napahinga habang yakap sya dahil nang magising ako nun, nakahiga na ako sa kama ko sa dormitoryo.

"Hija, ito na ang kape oh." Napatigil ako sa pag iisip nang ilapag ni Tita Wang ang saucer at isang coffee cup sa harapan ko.

Bumalik na agad ako sa office ni Atty. Sangyeon para ibigay ang kape nya.

"Attorney, babalik na po ako sa taas..."

Bumalik ako sa opisina ni Atty. Sungwoon kung saan talaga ako naka-assign pero wala sya dun nang dumating ako. Parati syang wala dahil madalang lang sya kung pumunta sa firm.

Nang mag five thirty ay sumabay na ako kay Yena papunta sa ground floor dahil doon kami naghihintayan nila Nagyung pag pauwi na kami.

"Huy! Sa Friday ha? Placebo tayo, nag aaya sila Juyeon. Birthday daw nung isa nilang kaibigan, yung si Jacob." Ngiting ngiti si Nagyung nang sabihin nya iyon.

"Nasan si Chae?" Hindi pinansin ni Yena ang sinabi nya at luminga linga para hanapin si Chaewon.

"May mga babae ba silang kasama?" Tanong ni Samuel.

"Yep. Mga kasama din natin dito sa firm! Kaya dapat sumama ka Sammy."

"Ayoko! Tinatamad ako..."

"Nasan si Chae sabi?"

"May pinapagawa pa ata yung mentor nya, patapos na yun... anyway, sa Friday ha? Placebo tayo!"

"Libre mo ba? Mahal mahal ng alak dun eh."

"Sila magbabayad! Dali na! Sasama din si Chae!"

Natigil ako sa pakikinig sa kanila nang mag ring ang cellphone ko. Si Minho, tumatawag. Napakagat labi ako habang tinititigan ang screen ng cellphone ko.

Nakalimutan kong sasabay nga pala ako sa kanya.

"Sagutin ko lang to..."

Tumayo ako at medyo lumayo tsaka ko sinagot ang tawag. "Hello?"

"I'm outside..."

"Ha?"

"Nasa labas ako ng building nyo."

"Ah eh---"

"See you." Pinatay nya ang tawag at medyo nagulumihanan pa ako kaya hindi ko kaagad naintindihan.

"Let's go!" Sigaw ni Chaewon at sumabay na ako sa kanila palabas ng building.

Sinuklay ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri ko dahil bigla akong naconscious sa pagmumuka ko. Hindi manlang ako nakapag ayos e susunduin ako ni Minho ngayon.

Pakiramdam ko naglalangis na ang muka ko!

"Uhh, una na kayo sa dorm. May pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kanila nung bago kami makalapit sa exit door ng building.

"Saan ka ate? Gusto mo samahan ka namin?"

"Ah eh, wag na. Kaya ko na, tsaka ano... may kasama ako."

Nang makalabas kami ng building ay nakita ko agad si Minho na nakasandal sa hood ng kotse nya at kausap si Kuya Woojin.

Napasinghap ako nang magtama ang mga mata namin ng pinsan ko.

"Ate, okay ka lang?"

"Hmmm, una na kayo. Dito na ko..."

Lumakad ako palapit sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung yayakap ako sa asawa ko o sa pinsan ko na tatlong taon kong hindi nakausap at nakasama.

"She's here..." Mahinahong sabi ni Kuya Woojin.

"Get in the car." Sabi ni Minho. Hindi agad ako nakakilos dahil napatagal ang titig ko kay Kuya Woojin.

"We'll talk tomorrow Niroh, sumama ka na muna kay Minho ngayon..." Malumanay na sabi ni Kuya Woojin bago tumalikod.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon