++

44 2 8
                                    

++
Lim Ali's

"Wala na bang balak umuwi yang si Lee Minho? Parang aso kung makabuntot sa pinsan mo eh!" Lasing na sabi ni Changbin kay Seungmin na walang pakialam sa kanya.

"Para kang siraulo." Masungit na sabi ni Seungmin at umalis na sa tabi ni Changbin.

"Isa pa yan si Hwang Hyunjin, pag wala si Ahna, wala din sya! Kaya ayoko ng girlfriend eh!" Humarap pa si Changbin kay Felix at doon nya tinuloy ang pag rarant nya at iexplain nya din kay Lix kung bat ayaw nya ng girlfriend.

"Tama na yan." Malalim na sabi ni Felix at nang agaw na ng alak sa kaibigan namin na lasing na.

"Ali, ikaw nalang ang kaibigang babae ko na matino. Wag kang gumaya dyan kay Nini at Ahna na laging lalaki ang kasama."

Inirapan ko sya at pinandilatan ng mata. "Para kang siraulo!"

"Tamo yang si Yang Jeongin, nagkasyota lang, hindi na din mahagilap! Kaya ako ha, ayoko talaga ng girlfriend!" Sigaw ni Changbin at kumuha nanaman ng panibagong lata ng beer.

"Kuya Chris, kaya ikaw wag ka ding mag syosyota!" Umakbay sya kay Kuya Chris pero mabilis itong lumayo sa kanya at kinuha ang alak na hawak nya.

"Tama ka na nga."

"Gusto ko pa! Nagtatampo pa ko kay Iyen!"

"Inano ka ba?"

"Eh yung bata na yun, mas inuuna pa si Yuri lagi!"

"Malamang jowa yun. Edi humanap ka din ng jowa na uunahin ka!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Changbin. Kulang kulang kami dahil may kanya kanyang ginagawa yung iba.

Si Kuya Minho, nasa Uljin daw dahil sumunod kay Ate Niroh.

Si Kuya Woojin, umuwi daw sa Gwangju at baka babalik ng Seoul bukas.

Si Jeongin naman, hindi pumunta dahil may date daw sila ni Yuri. Aalis na kasi si Yuri papuntang China kaya nag susulit.

Si Ahna, umuwi sa bahay nila kaya nawalan ng gana si Hyunjin na pumunta.

Si Jisung naman, may inaasikaso sa Daegu at bukas pa din babalik.

"Alam mo Ali, ang bitter bitter mo!" Sabi ni Changbin kaya inirapan ko nanaman sya.

"Baluga!"

Tumayo na ako at dinampot ang bag ko. "Uuwi na ako, maaga pa ako bukas." Paalam ko sa mga maiiwan.

"Sige lang, maya maya kami ni Lix."

Tumayo na din si Kuya Chris at sumunod sa akin palabas. Mag aalas nuebe na din kasi, may trabaho pa bukas kaya hindi din pwedeng maparami ng inom. Si Changbin kasi, ang kulit kulit at aya ng aya sa kanila.

"What are you thinking? Ang tahimik mo..." Ani Kuya Chris habang tamad na nagmamaneho.

"W-wala naman kuya."

"Silly. Diba sinabi ko sayo na wag mo na akong tawaging kuya?"

"Nasanay na eh."

Ngumiti lang sya at humawak sa kamay ko gamit ang libre nyang kamay. He squeezed my hands using his rough and big hands. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad nya.

"Kuya--- I mean, Chris... aish, kuya nalang kasi, naiilang ako eh!" Nag init ang pisnge ko kaya nag iwas agad ako ng tingin. Potek! Nakakailang talaga! Nasanay na kasi akong tawagin syang kuya!

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now