13//

58 1 0
                                    

13//
Lee Niroh's

"Kim Seungmin? Kim Seungmin ang pangalan ng director ng firm?" Tanong ko habang nakaupo kami sa seminar hall kung saan gaganapin ang orientation.

"Yep, muka daw nakakatakot yun eh. Nakita nila Guanlin kanina, nakasimangot daw." Bulong ni Yena.

Could it be...

Hindi naman siguro. Hindi naman siguro sya ang nag iisang Kim Seungmin. Tsaka may sariling firm ang mga Kim, bakit naman kailangan pang mag trabaho ni Seungmin sa firm ng iba diba?

"Nandito din daw yung ibang may matataas na posisyon na firm eh. Personal daw nilang ihahandle ang interns dahil humahanap daw sila ng possible employees." Sabi ni Yena.

"Pag daw natuwa sila sa performance mo, edi baka kunin ka nila sa firm nila." Dagdag nya pa na tinanguan ko lang. Madami talaga syang nasasagap na balita dahil student assistant sya ng department namin.

Nakapwesto kami sa bandang gitna. Magsisimula na daw ang orientation in ten minutes, hinihintay lang daw na dumating ang guest speaker at yung co-owner dahil natraffic pa daw.

"Guys, pumunta na sa bathroom ang mga naiihi. Hindi na ako magpapalabas mamaya, malapit na daw dumating yung hinihintay." Sabi ni Sir Jaejoong habang nakatayo sa tapat ng podium.

Maya maya pa ay sinarhan na ang double doors ng seminar hall. Nakayuko lang ako dahil medyo inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Pagising gising ako lagi at madalas na bangungutin kaya kulang na kulang lagi ako sa tulog.

Halos itim na itim na ang ilalim ng mata ko, bloodshot pa ito at ang kapal kapal ng eyebags. Kahit na nakasuot ako ng salamin ay halatang halata parin ang malalim kong mata.

"Start na..." Excited na sabi ni Nagyung at pinicturan ang stage gamit ang cellphone nya.

Isa-isang nag akyatan sa stage ang mga taga MIA Legal Services. Walo sila na puro mga nakasuot ng corporate attires. They all look so expensive, at talagang napagasp ang iba kong mga kaklase habang tinitingnan sila.

Yung apat sa kanila, kilalang kilala ko.

Si Kuya Woojin, si Seungmin, si Jisung at si Tito Jinwoo.

Kinabahan ako sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan sila sa stage. I tried my best para hindi nila mapansin ang existence ko. I can't face them, hindi pa ngayon. Hindi pa kahit kelan.

"Tangina. Ang gugwapo." Bulong ni Yena.

"Kilala ko yung isa. Si Kim Woojin yun diba?"

"Sya nga yun. Nakikita ko yan sa magazine dati eh."

Yumuko lang ako at nilaro ang mga daliri ko habang isinasagawa ang orientation, seminar at pagpapakilala ng MIA Legal Services.

Ipinakilala si Tito Jinwoo bilang guest speaker, si Kuya Woojin daw ang co-owner at si Seungmin ang director. Lolo pala ni Jisung ang may ari nito at sa ngayon ay sya ang acting CEO dahil may sakit ang lolo nya.

"Ate Niroh, naiihi ako." Bulong ni Yena.

"Ha?"

"Naiihi na ako."

Inayos ko ang salamin ko at bumulong kay Yena. "Mamaya na yan, nagsasalita si ti--- yung guest speaker eh."

Nag focus ang mga mata ko kay Seungmin. Sya nag pinakang kaclose ko noon. Lumaki kami na parang magkakambal, mahilig sya sa itlog at naaalala ko dati na lagi syang nagpapaluto ng itlog sa akin. He's still the cute and grumpy Seungmin I know.

Sunod kong tiningnan si Kuya Woojin. Itinuring nya akong totoong kapatid. Naaalala ko dati, pag nag aaway kami ni Minho, pinapagbati nya kami. Lagi nya kaming sinasama sa mga gigs nila ni Kuya Chris.

Si Jisung naman, he's my bestfriend. Kababata ko sya at halos magkapatid na rin kami. Si Tito Jinwoo naman, sobrang bait nya sa akin noon. Pag ayaw akong payagan ni papa na sumama sa mga lakad nila Seungmin, sya ang nagpapaalam kay papa para makasama ako.

I missed them all. At parang gusto kong umakyat sa stage para yakapin sila.

"Ate Niroh, hindi ko na kaya. Lalabas na ata. Samahan mo ko sa bathroom."

"Ikaw magpaalam." Bulong ko at pasimpleng inangat ang salamin ko para magpunas ng luha.

"Tara na ate, nasenyasan ko na si sir."

Naunang tumayo si Yena at sumunod naman ako. Alam ko, alam kong nakita ako ni Jisung pero hindi nya siguro ako namukaan. Nagtama lang ang mga mata namin at mabilis syang nagbawi ng tingin.

Hindi nya talaga ako mamumukaan agad agad maliban nalang kung tititigan nya ako at maririnig nya akong magsalita.

"Akala ko doon na ako magkakalat ng ihi eh!" Sigaw ni Yena habang nasa loob sya cubicle.

Tumingin lang ako sa salamin habang hinihintay sya. I look so different now. Hindi ko na naalagaan ang sarili ko. Wala ng make ups. Walang skin care routine. Walang nail polishes. Walang kahit na ano.

Bukod sa muka na akong adik dahil sa mga mata ko na namumula at maitim ang eye bags, nag iba din ako kumilos. Dahil siguro sa pagbubuntis ko, noon kasi ay bara bara ako kumilos at careless, ngayon naman ay daig ko pa siguro si Maria Clara sa kahinhinan ko.

Nung panahong ingat na ingat ako sa pinag bubuntis ko, naging pino ang galaw ko at huminhin ako ng sobra.

"Ate Niroh, tara na sa hall?"

"Okay ka na ba?"

"Hmmm, tara na."

Lumabas na kami ng bathroom at naglakad pabalik ng seminar hall. Nagsasalita si Tito Jinwoo nung oras na yun at nang umupo kami sa mga pwesto namin. Napatingin sya sa amin at nakita ko ang pagkabigla nya nang makita nya ako.

Yumuko lang ako at nagpanggap na hindi ko sya kakilala.

Impurities | Lee Knowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن