++

47 1 0
                                    

++
Lim Ali's

"Bakit ba kasi kasama pa yun?" Umirap ako at umupo sa tabi ni Ate Niroh na sinenyasan ako na wag akong maingay dahil tulog na si Kuya Minho sa tabi nya.

"Akala ko sa kabilang sasakyan ka?" Bulong nya.

"Nandun kasi si Iyen at Yuri, eh masyadong bitter yan." Utas ni Changbin at umupo sa tabi ni Kuya Woojin na nasa driver's seat.

"Hindi ako bitter. Hindi ko lang matiis ang pabango nya."

Si Kuya Woojin ang magdadrive. Katabi nya sa unahan si Changbin na kanina pa lipat ng lipat ng kanta, at wala pa atang pinapatapos na kanta. Si Kuya Minho naman ay nasa gilid ni Ate Niroh. Tulog sya pero manyak parin kahit tulog.

Nasa likuran namin si Hyunjin at Seungmin na parehong tulog. Kinuha ko nalang ang neck pillow ko, sinalpak ang airpods sa tainga at natulog nalang buong byahe papunta sa Haenam.

"Gising na... iiwan ka namin pag di ka pa gumising."

"Sisipain kita dyan!" Sumimangot ako kay Changbin na inilalapit sa mismong ilong ko ang car freshener na amoy albatross.

Lumabas na ako ng sasakyan at bumungad sa akin kulay asul na dagat ng Haenam. Resort ito ng pamilya nila Felix at pumayag sya na mag stay kami dito for three days and four nights.

"Wag ka tumakbo!" Hinabol ni Kuya Minho si Ate Niroh na nagtatakbo agad papunta sa dagat kasama si Seungmin at Hyunjin.

"Mag bangka tayo!" Sigaw ni Hyunjin at nagtatakbo papunta dun sa bangka.

"Ako din! Babangka!" Sigaw ni Ate Niroh at nakihabol kina Seungmin at Hyunjin.

"Ang kulit talaga." Bulalas nya at dinala nalang sa loob ng rest house na tutuluyan namin ang mga gamit nila. Nauna ng isang kalahating oras yung mga nasa kabilang sasakyan kaya bukas na ang rest house nang makarating kami.

Martes palang ngayon. Saturday kami babalik ng Seoul at nag desisyon sila na iwanan na muna ang mga trabaho nila para magpakasaya. Alas singko na pero hindi pa naman madilim ang paligid.

"Di pa kayo papasok? Bukas na tayo maligo!" Sigaw ko dun sa tatlo na bano ata sa dagat.

Hindi nila ako pinansin. Nagpatuloy lang sila sa pagtakbo sa may shore kaya pumasok nalang ako sa rest house.

Kung gaano ito kasimple sa labas ay sobrang ganda naman ng loob nito. Dalawang palapag ito, may staircase sa gilid, grand piano, malaking chandelier at mga furnitures at paintings na mukang mamahalin.

"Si Kuya Chris na ang magtuturo ng mga kwarto nyo, aayusin lang namin ang kusina."

"Ali, roommates kayo ni Yuri." Bulong ni Changbin na nasundan ng tawa na nag echo sa buong bahay.

"What? Kay Ate Ahna ako tatabi!"

"Sira! Si Ahna at Niroh ang magkatabi!"

"Eh bat hindi kay Kuya Minho tumabi si Ate Niroh? Ayokong katabi yun!"

"Si Kuya Woojin katabi ni Kuya Minho eh, tsaka hindi din pwedeng roommates si Ahna at Hyunjin. Pwede mong maka-roommate si Niroh, kung sa iisang kwarto tutulog si Iyen at Yuri."

"Umalis ka nga sa harap ko! Nasan ba si Kuya Minho?"

"Hanapin mo!"

Inirapan ko sya at umakyat sa mga kwarto sa second floor. Nandun na yung iba at mukang nag aayos na sila ng gamit. Binuksan ko ang pinto kung saan pumasok si Kuya Minho at Kuya Woojin.

"Kuya Minho!"

"Bakit? Doon sa kabilang pinto ang kwarto nyo ni Yuri." Natatawa nyang sabi. Pati na si Kuya Woojin ay tinawanan din ako.

"Kuya naman, dapat roommates kayo ni Ate Niroh. Kay Ate Ahna ako tatabi."

"Hindi sila magtatabi." Sabi ni Kuya Woojin. "Ano bang problema at ayaw mong katabi si Yuri?"

"Basta kasi! Kay Ate Ahna ako tatabi."

"Pag tumabi ka kay Ahna at magsasama si Niroh at Minho, matutulog sa iisang kwarto si Iyen at Yuri." Paliwanag ni Kuya Woojin.

"Wala na bang ibang option?"

"Meron pa naman."

"What? Baka kalokohan yan ha."

"Kumbinsihin mo si Ahna na matulog katabi si Hyunjin."

"WHAT?"

"Yun lang ang option mo eh. Kung ako lang masusunod, ayoko namang katabi tong matanda na to. Kay Niroh ako tata--- aray naman pinsan!"

"Wala akong pinsang nakanguso!"

Iniwan ko na sila sa kwarto nila at bumalik sa kusina kung saan nagluluto sina Felix, Changbin, Ahna at Kuya Chris.

"Ali, sorry ha? Roommates na kami ni Niroh eh." Nakangiting sabi ni Ate Ahna habang inaayos yung mga lettuce.

"O-okay lang."

Muka namang okay na syang roommate si Ate Niroh. Tsaka medyo nakakarecover na sya mula ginawa ni Kuya Sangyeon sa kanya. Tulala sya nung Sabado at Linggo at may sakit. Nung Lunes naman, medyo nakakausap na sya pero bigla padin syang natutulala.

At ngayon nga, Martes na at wala na syang lagnat kaya nagkayayaan na kami dito.

"Oh ano? Akala ko liligo kayo?" Tanong ni Kuya Minho nang pumasok yung tatlong bano sa dagat.

"Ang lamig eh..."

"Nandun sa taas ang gamit mo, si Ahna ang roommate mo." Sabi ni Kuya Minho at inabutan lang si Ate Niroh ng towel.

"Ha? Akala ko tayo?"

"Ayaw ni tanders."

"Rinig ko yun!" Sigaw ni Kuya Woojin na kapapasok lang ng kitchen.

Nanuod nalang ako habang nagluluto sila. Ilang araw lang naman kaming roommates ni Yuri, she's not really a bitch, mabait naman sya at magaling makisama.

Medyo ayoko lang sa kanya dahil nga girlfriend sya ni Jeongin. If we only met in a different situation, we could be bestfriends. Pareho kami ng style, hobbies at mga preferences--- lalo na sa lalaki.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now