04//

53 1 0
                                    

04//
Lee Niroh's

Three years ago...

"Ma! Siguro dapat na ding malaman ni papa ang kalagayan mo..." Sinuklay ko ang buhok ni mama gamit ang mga daliri ko.

"Nak, may sakit din ang lola mo. Ayokong makadagdag pa sa isipin ni Junho at nila tito at tita mo."

"Pero ma, dapat kasama mo si papa habang nagpapagaling ka. He deserves to know your condition, ma. Asawa mo sya..."

"I'll tell him, pero pag magaling na ang lola mo. Ayokong sumabay pa sa pag aalala nya. Baka mas lalong makasama sa papa mo ang sobra sobrang stress."

"Ma naman, walong taon mo na yang iniinda, baka ito na ang oras para malaman ni papa ang sakit mo..."

"Niroh, gagaling na ako. Isang therapy at surgery nalang daw ay magiging malakas na ulit ako gaya ng dati. Wag kang masyadong mag alala sa akin at baka makasama pa yan sa baby mo."

"Ma, isang buwan ka na halos na hindi umuuwi. Baka hinahanap ka na nila papa. Hindi yun maniniwala sayo na nagbabakasyon ka kasama ako. Alam naman nila na kay Minho ako nakatira eh."

"Dalawang buwan pa anak, pupunta kami ng doktor ko sa America ngayong dadating na Sabado, tatapusin ko muna ang radio therapies ko... pag magaling na ako, baka magawan ka pa namin ng kapatid."

Hindi ko alam kung saan pa kumukuha ng lakas si mama na magbiro. Alam naming pareho na progressive ang karamdaman nya. The chances are low, actually.

"Bata pa ang papa mo Niroh. Kung sakaling mawawala ako ng maaga, malaki pa tsansa na makapag asawa sya ng bago. Ayokong maging pabigat sa kanya, nak." That's what she told me nang malaman namin na nagiging progressive at rapid ang pagkalat ng sakit nya.

Bumuntong hininga ako at tiningnan si mama. She's getting thinner and thinner by the day, isang buwan na syang nakaconfine sa Seoul City General Hospital at isang buwan na syang hindi umuuwi sa Gwangju.

"Niroh, asawa ka na din. Malapit ka na ding maging nanay... alam kong naiintindihan mo ang desisyon ko."

"Naiintindihan ko, ma." Ngumiti ako kay mama at humalik sa noo nya.

My lola is sick. Nasa Gwangju sila Seungmin at Kuya Woojin dahil nag aalala talaga sila kay lola dahil malala na ang kalagayan nya. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi na ako pinayagan ni Minho na bumyahe dahil baka makasama ito sa amin ng baby ko.

"Hija, umuwi ka na muna dahil baka hinahanap ka na ng asawa mo..."

"Ma, sigurado ka bang ayaw mong sabihin to kay papa?"

"Sigurado ako, anak. Sige na, umuwi ka na sa asawa mo."

"Bibisita po ulit ako bukas, ma."

Humalik ako kay mama at nagtaxi na pauwi sa bahay nila Minho. Dito kami tumitira pansamantala dahil under construction pa ang bahay na ipinupundar nya gamit ang college savings at kita nya for almost a year. He's serious about having our own home bago pa ako manganak. Gusto nya daw kasi na maging kumportable ako at ang mga magiging anak namin kaya halos hindi sya nagpapahinga sa trabaho.

Bata pa si Minho, pero dahil nga magaling talaga sya ay madami na agad ang natatanggap nyang projects sa firm na pinapasukan nya, bukod pa ang projects nya  na labas sa kumpanya.

"Gi!" Yumakap sya sa akin at humalik sa tyan ko. Maliit pa naman, pero medyo umuumbok na dahil nananaba ako ng husto.

"Minho naman, wag kang hahalik sa anak natin pag pagod ka."

"Edi kay misis nalang ako hahalik."

Pumunta sya sa likuran ko at pinulupot ang braso nya sa akin. Wala akong pinagsisihan sa lahat. Nabuntis ako ng maaga at isinuko ang mga pangarap ko para kay Minho at sa magiging anak namin.

Tumigil ako sa pag aaral nang malaman kong buntis ako. Nagalit sa akin ang biological father ko dahil ang pagbubuntis ko daw ay kahihiyan nya at itinakwil nya ako. Sinuportahan ako ng bago kong pamilya at ng mga kaibigan ko kaya wala akong pinag sisihan sa mga naging desisyon ko.

Ginusto ko to.

"Nga pala Gi, kamusta na ang lola mo?"

"She's doing her best to recover naman daw." I smiled at humalik sa pisnge nya.

Hindi ko sinabi kay Minho ang kalagayan ni mama. Masyado syang maraming isipin sa opisina at sa trabaho nya at ayoko na talagang dagdagan pa ang isipin nya.

Nag aalala ako kay mama pero ayokong idamay pa si Minho sa pag aalala ko. May sakit din ang lola ni Minho at kung pati si mama ay poproblemahin nya, baka makasama pa sa kanya. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang kalagayan ni lola, si Kuya Woojin lang ang nagsabi sa kanya kaya nalaman nya yun.

"Nini, nasaan si tita?" Yan agad ang bungad sa akin ni Seungmin nang sagutin ko ang tawag nya.

"Si mama?" Napalunok ako ng laway at hinanda ang sarili ko para magsinungaling at pagtakpan si mama.

"Natutulog sya..."

"Please Niroh, tell me the truth. Nasaan ang mama mo?"

"Seungmin, natutulog nga si mama." Pero nasa ospital sya natutulog.

"Hindi mo ako maloloko, Lee Niroh. Wag mong pagtakpan ang mama mo. Isang buwan na syang hindi umuuwi at nag aalala na si tito sa kanya. Wag naman syang iresponsable! May sakit si lola!"

"Ano bang problema? Sinabi ko na sayo, kasama ko si mama at natutulog sya ngayon."

"Liar! Alam kong hindi mo kasama si tita! Bakit ba nagsisinungaling pa kayo pareho?! Niroh! Please lang! Sabihin mo na kung nasaan ang mama mo!"

"What? Seungmin, listen to me---"

"No! Sabihin mo sa akin kung nasaan si tita!"

"Seungmin... please."

"Isang buwang hindi umuwi ang mama mo at sinasabi na nagbabakasyon kayong dalawa. What the fuck Niroh? Alam nating pareho na nasa bahay ka ni Kuya Minho at wala dyan ang nanay mo!"

The line went off at halos matulala ako sa harap ng cellphone ko.

"Gi... may problema ba?"

Ngumiti muna ako at humarap kay Minho.

"Wala naman. Kain na tayo?"

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon