74//

49 1 0
                                    

74//
Lee Niroh's

"Dumayo talaga kayo dito ng PUBG?" Tanong ko kina Seungmin at Jisung na nagkakalat sa living room ng bahay ni Minho.

"Ang dami kasing pagkain dito..."

Inirapan ko lang sila at umupo sa cuddler chair. Kumandong agad sa akin si Dori at nandila ng kamay ko. Dito na muna silang tatlo buong linggo tutal ay taong bahay naman ako hanggang Thursday.

"Wala kayong trabaho?" Tanong ko dun sa dalawa.

"Early out."

"Iniwan namin kay kuya lahat."

Maaga pa naman. Alas kwatro pasado palang ng hapon, si Minho ay nasa opisina pero baka nandito na din yun maya maya dahil uuwi daw sya ng maaga ngayon. Lunes na lunes pero mga early out sila.

Usually kasi ay six or seven sila natatapos sa trabaho. Si Minho, minsan inaabot pa ng nine or ten pag maraming projects.

"Yah! Alisin mo to dito! Baka mamatay ako!" Sigaw ni Seungmin nang kumandong sa kanya si Soon.

"Naglalambing lang sayo yan, hayaan mo na."

"Gagawin ko tong siopao, Nini."

"Susumbong kita kay Minho!"

"Alisin mo na, panoorin mo nalang to ng Cocomelon!"

Tumayo ako at kinuha si Soon. Lumapit din si Doong at kumandong sila sa aking tatlo. Ang sweet na sakin ni Doong ngayon. Dati, hindi talaga sya namamansin samin, pero ngayon kusa na syang lumalapit at nag popose na din sya pag pinipicturan ko sya.

"Ni, sama kayo ni Kuya Minho?"

"Saan?"

"Di pa sure kung saan. Pero next week yun, beach daw."

"Diba uuwi tayong Gwangju next week?"

"Kaya nga, stay tayo dun for two days tas three days na swimming."

"Wala ba kayong mga trabaho?"

"Binakante na nila yung sched nila for next week. Sama din si Ate Ahna at Ali."

"Si Yuri?"

"Baka hindi, flight na nun pabalik ng China eh."

"Hmmm, si Minho na bahala. Pero baka sasama kami. Layas yun eh."

At gusto ko din talaga na sumama. Dahil pagkatapos ng next week...

Babalik na si Changbin sa Japan.

Si Lix, babalik na din daw ng Australia.

Si Kuya Chris, ewan ko lang, nandito girlfriend nya eh. Pero ang alam ko, may plano syang umuwi sa kanila.

Si Ali, she's working at kukuha sya ng units ng ibang course abroad.

Si Ahna, baka babalik na din ng China. Tsaka ang alam ko, free lancer pa din sya sa runway sa US.

Si Kuya Woojin, magiging busy dahil sa expansion ng firm sa Incheon.

Baka matagalan pa bago kami magkasama sama ulit.

"Ang arte sa pagkain ng mga anak nyo." Kumento ni Jisung habang pinapanuod ako na mag lagay ng lactobacillus sa pagkain ni Soon.

"Nagiging sakitin kasi si Soon kaya kailangan nya to..."

"Ano ba yan? Parang ulam?"

"Di, para daw to sa tyan."

Maya maya pa ay dumating na din si Minho. Nakisali agad sya sa laro nung dalawa at hindi manlang nag palit ng damit bago maglaro.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now