18//

52 1 0
                                    

18//
Lee Niroh's

Nararamdaman ko ang bawat butil ng pawis na namumuo sa mukha hanggang sa leeg ko. I can hear my sobs even though I am asleep. I can feel the unbearable pain on my chest, parang mawawalan ako ng malay kahit na nasa kalagitnaan ako ng pananaginip.

"Mrs. Lee, mas mabuti po na malaman ng asawa mo ang kalagayan mo ngayon bago ka pumirma. It's risky enough, hija."

"No, buo na po ang desisyon ko. Pipirma ako. Tutal kayo na din ang nagsabi na wala pa sa sampung porsyento ang tsansa na mabuhay ang anak namin diba? Baka ikamatay namin pareho kung patatagalin pa to..."

I sobbed harder. Gusto ko nang magising. Ayoko sa panaginip na ito. Ayoko nito! Nagpabaling baling ang ulo ko habang naghahabol ako ng paghinga.

"Sigurado na po ba kayo? Once the pre-operative consent form is signed, ipapasok ka na sa operating room dahil baka hindi maagapan ang internal hemorrhage kung tatagal pa."

Mas lalo lamang nagiging malinaw ang bawat detalye ng panaginip ko habang pinipilit kong gumising. Parang bumalik ako noong nakaraang tatlong taon.

"I'll sign it now, doc."

"Sigurado ka na ba? Oras na pirmahan mo ito, wala nang atrasan."

"Sigurado na po."

Nung una palang, alam ko na agad na hindi papayag si Minho dito. Pero wala akong ibang naisip na solusyon nun. Our baby is dying. Mahina ang kapit nya at mas lalo syang nanghihina dahil sa pagkalaglag ko sa steps ng porch. Namamatay na sya sa sinapupunan ko at ikakamatay ko din kung sakaling mamatay sya sa loob ko.

Alam kong ikagagalit ito ni Minho. Pinatay ko ang anak namin. Mas pinili ko ang sarili kong buhay kesa sa buhay ng anak namin.

"Here's the consent form, Mrs. Lee."

Bata pa ako noon. Natatakot ako sa maraming bagay. Ang tanging naisip ko lang nun, gusto kong mabuhay pa dahil gusto ko pang makasama si Minho. Gusto ko pang gumawa ng maraming memories kasama sya.

Kung pipilitin namin na buhayin ang bata sa sinapupunan ko maaari akong macomatose ng matagal at siguradonga ikakamatay ko din yun. At natatakot ako na maiwan ko si Minho. I am selfish enough to think that way. Pero wala eh, mahal ko sya at mas pipiliin kong makasama sya ng mas matagal kesa sabayan ang anak namin na mamatay.

He'll hate me for sure. But I'd rather lose him once than lose him forever.

"Pinatay mo sya, Niroh!"

"Anong klase kang ina?"

"Bakit? Bakit ka pumirma? Bakit mo sya pinatay?"

Bumalikwas ako ng bangon at naghabol ng hininga. Napahawak ako sa braso ko at parang nararamdaman ko ang matinding hawak ni Minho sa mga braso ko.

"Ate, okay ka lang po?" Binuhay ni Chaewon ang lampshade sa gilid at lumapit sa akin.

I am still sobbing. Hilam na hilam ang mga mata ko, hinang hina din ang katawan ko.

"Hmmm, okay lang ako. Pasensya na ha? Nagising ba kita?" I wiped my tears at pinakalma ang sarili ko.

"Okay lang ate... binabangungot ka po ata."

"Kaya nga eh. Pasensya na ha?"

"Okay lang talaga ate, tutal naman ay tutunog na ang alarm clock ko maya maya."

Bumuntong hininga ako. Sa tuwing napapaginipan ko ang mga nangyari, parang nananariwa ang lahat ng sakit at pagsisisi ko.

Pinili ko noon ang buhay ko dahil mas gusto kong makasama si Minho. Pero nawala na sya sa akin.

"Ate, okay ka na po?" Tanong ni Nagyung bago kami magkahiwalay sa firm. Sa second floor kasi sila ni Chaewon naka assign samantalang sa third floor kami ni Yena.

"Yep. Okay na ako." Ngumiti lang ako sa kanila.

Namamaga parin ang mga mata ko. Pulang pula ito at daig ko pa ang lumuluha ng dugo. Nangingitim din ang eye bags ko pero pinabayaan ko nalang tutal wala namang maitutulong ang concealer. Tsaka nakasalamin naman ako kaya kahit papano ay hindi nakakaconscious ang eye bags ko.

"Ngayon daw dadating ang interns ng MBC University ah." Sabi ni Yena habang nag cocompile ng sandamakmak na documents.

"Talaga? Bakit ngayon lang sila?"

"Nagkaproblema daw sa management ng campus nila eh. Anyway ate, iwewelcome daw natin sila mamaya."

"Huy, puro kayo daldalan." Sutsot ni Samuel.

"Che! Bakit ka nandito? Akala ko sinama ka ni Atty. Han sa Gimpo?"

"Han? Han Jisung?" The mere mention of my bestfriend's name makes me feel weak. I missed him pero... tingin ko hindi na kami babalik sa dati.

"Oo ate, sinasama lagi yan ni Atty. Han sa mga lakad nya eh."

"Hindi kami natuloy eh. May mga bumisita sa kanya na mga kaibigan nya." Sabi ni Samuel at nakitulong sa ginagawa namin.

Natahimik ako at tinuloy ang pag aayos ng mga files. Isang linggo na akong intern dito sa MIA Legal Services at hindi pa ulit nagtatagpo ang landas namin nila Seungmin at Jisung. Nakita ko si Kuya Woojin sa lobby nung isang araw pero nagtago agad ako sa bathroom bago pa nya ako makita.

Nahihiya parin ako sa kanila. Matapos ng ginawa kong pagsisinungaling noon at pagtatago ng totoong kalagayan ni mama, hindi ko parin alam kung paano ako haharap sa kanila.

Pera nila ang ginastos sa therapies at surgeries ni mama na inabot ng milyun milyon pero wala manlang silang alam na dun nagagamit ang pera nila.

"Ate, natulala ka naman." Untag ni Yena.

"S-sorry. May iniisip lang."

"Tara na daw sa seminar hall, may announcement daw si Madame Eunbi."

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now