67//

46 1 0
                                    

67//
Lee Niroh's

Saturday night. Alas nuebe na at nandito kami ngayon sa Placebo kasama ng mga interns ng MBC University. Imbes na mag enjoy ay kanina pa ako hindi mapakali dahil tawag ng tawag si Minho.

Nagpatay na ako ng cellphone pero ako naman tong napapraning sa kakaisip sa kanya.

"Hey Niroh, what's with the long face?" Untag ni Joahae.

"Nahihilo lang ako."

"Ang bilis mo namang matamaan."

"Eh paano, nakailang shot yan ng whiskey."

"Kaya ko pa noh, medyo nahilo lang ako nung tumayo ako kanina."

Dapat galit ako eh. Dapat galit ako sa kanya dahil pinag taasan nya ako ng boses para ipag tanggol si Ryujin.

Dapat galit ako dahil inisip nya na ganun ako kasama para magawa yun kay Ryujin.

Pero hindi eh. Hindi galit ang nararamdaman ko. I feel disappointed--- dahil parang mas kinampihan nya pa si Ryujin, dahil pinag tanggol nya ito, dahil ex girlfriend nya ito at may pakialam parin sya dito.

"Niroh, parang close na close kayo nila Atty. Seungmin at Atty. Woojin, hindi ba nagseselos ang boyfriend mo dun sa magkapatid?" Tanong ni Sarang.

"Bakit naman magseselos sya?"

"Kasi nga close na close ka dun sa dalawa tsaka kay Atty. Han. And you seem very close to their family eh..."

"Hindi yun magseselos."

Itong si Sarang, ayoko ngang isipin si Minho tas kakausapin nya naman ako ng tungkol kay Minho.

Ayoko muna syang isipin kasi naiinis ako sa kanya. Ultimong ipag timpla ng gatas si Ryujin gabi gabi, binibilan ng pasalubong, maternity clothes, tapos uuwi pa sya minsan sa bahay pag lunch break nya to check her.

Di porket buntis eh! Pakiramdam ko tuloy, pipiliin nya si Ryujin dahil kaya syang bigyan nito ng anak. Natatakot ako na baka... baka kakaalaga nya kay Ryujin ay mapamahal sya sa anak nito at maging sa kanya mismo.

"Sus, kung ako ang boyfriend mo, magseselos ako eh. Ang close nyo kaya ni Atty. Woojin... teka may girlfriend na ba sya?"

"Wala pa ata."

"See? Baka kaya wala pang girlfriend si Atty. Woojin dahil ikaw ang gusto nya at hinihintay nya na mag break kayo ng boyfriend mo."

"Sarang seriously? Nababaliw ka na..."

"That would be disgusting." Natatawa kong sabi at lumaklak ng beer.

"Yeah. That's incest, gosh. Kilabutan ka girl." Dagdag ni Nagyung.

"What incest?"

"Ha?"

"Di mo alam yun? Incest! Yung pag pumatol ka sa kamag anak mo. For example, pag pumatol si Ate Niroh kay Atty. Woojin o kay Atty. Seungmin."

"I know what incest is!"

"E bat nagtanong ka pa?"

"Hep, tama na yan! Don't spoil the night." Awat ko sa kanila bago pa sila mag sagutan.

"Incest? Akala ko yun yung mga lamok..."

"What the heck Juyeon? Ang baduy mo na nga, ang baduy pa ng jokes mo!"

I spent the night drinking. Sobrang dami kong nainom at nagising nalang ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo at ng buong katawan ko. Wala akong maalala sa nangyari kagabi, basta ang alam ko lang ay nag inom kami at nagpakasaya.

"Ah choo!" Suminghot singhot ako at gumulong sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero mas hindi ko alam kung paano ako napunta sa ibabaw ng kama ni Minho.

"Ah choo!" Sumimangot ako at suminghot nanaman.

"May sakit ka? Anong masakit sayo?"

Hindi ako sumagot. "Baka naging member lang ako ng Lovelyz!" Gusto kong mamilosopo pero matanda na ako para dun. At isa pa, nang hihina talaga ako.

Umupo si Minho sa kama at humawak sa kamay ko. Isang araw lang akong hindi umuwi pero bumagsak agad ang katawan nya. Namumula ang mga mata nya at.

Hinigit ko ang kamay ko at nag tago sa loob ng comforter. What the heck, Niroh? Galit ka dyan!

"Gi..."

"Ano ba yun? Matutulog pa ko."

Bwisit. Sunday nga pala ngayon. Mamayang alas kwatro ng hapon ang byahe naming lahat pauwi ng Uljin. Anong oras na ba?

At nandito pa kaya si Ryujin? Malamang nandito pa yun. Kung ako si Ryujin at nalaman kong may mag asawa na nag away dahil sakin, mag aalsa balutan na ko.

"Gi, kumain ka na muna..." Umupo sya sa kama at inalis ang comforter na nakatabon sakin, sinalat nya ang noo ko at leeg ko.

9:56 AM. Yan ang nakita kong oras sa relos na suot nya. Aabot pa naman siguro ako sa shuttle bus mamayang alas kwatro.

"Mainit ka nga. May masakit ba sayo?"

"Wala. At lumayo ka nga, baka pag nahawa ka, kung ano pa sabihin mo..."

"Gi naman..."

Hindi ako nagsalita. Pinabayaan ko lang syang nakaupo sa gilid ko, inayos nya ang comforter at hinawi nya ang mahaba kong buhok na tumatabon sa muka ko.

Kung alam mo lang Lee Minho.

Kaya ako nagkakaganito dahil nagdududa ako sa sarili ko. Matapos ng operation ko three years ago, parang hindi ko na ulit ginusto na mabuntis.

Natatakot ako na baka maulit yung nangyari noon, kaya hindi ko na ulit kinonsider na magkaroon ng anak. After all, akala ko hindi na ako mahal ni Minho nun.

But then he came back. At nabuhay yung desire ko na magkaanak at bumuo ng sariling pamilya kasama nya. And then I started doubting my capability as a woman.

What if I can't give him a child? What if... mawalan ulit kami ng anak?

"Alam kong nagalit ka..." Bulong nya nang mahiga sya sa tabi ko.

Pumikit ako ng mariin at pinanindigan ang pag papanggap ko na tulog. Pero sa totoo lang, gusto ko na syang kausapin para maayos na to. Ayoko ng unnecessary drama, pero minsan, pag magulong magulo na at nawawalan na tayo ng kontrol sa emosyon natin, hindi talaga maiiwasan yun.

"Gi... I'm sorry." He stayed silent for a while. Hinahaplos nya ang buhok ko kaya talagang inantok ako ng tuluyan.

"Don't leave me again... I'll lose my mind, Gi."

Baliw talaga to. Kung gusto ko umalis, dapat noon palang umalis na ako ng bansa at nag bagong buhay, nag hanap ng iba at hindi na nagpabalik balik sa kanya.

Pero ano, monthly akong bumabalik ng Seoul to check on him. Tinatawagan ko sya at papatayin ang tawag pag narinig ko na ang boses nya.

Hindi ko sya gustong iwanan. Gusto ko lang na ilayo ang sarili ko dahil nasasaktan sya dahil sakin.

"Nagseselos ka siguro kay Ryujin at sa anak nya... gusto mo na din ba ng anak? Pasensya na Gi ha, ayaw pa ni papa eh."

"Kakausapin ko si papa kung gusto mo na din ng anak..."

Ha?

I felt a kiss on my forehead. "Pag narinig mo to, maiinis ka sakin dahil ang corny nito. Pero Gi, ikaw lang talaga gusto ko..."

"Potek, ang corny nun." Bulong nya at muling humalik sa noo ko.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon