57//

44 1 0
                                    

57//
Lee Niroh's

"Ang unfair naman po kung papayagan natin sya na basta nalang na magpatuloy sa internship nya after nyang mawala ng isang linggo..." Umirap pa si Sarang sa akin.

"And her reason is not even valid. Nag bakasyon po sya for a week kasama ng boyfriend nya, pag kami po aabsent ang dami pa naming kailangang isubmit na letter, ang unfair naman po nun di porket kaibigan nila attorney yung boyfriend nya." Sabi naman ni Joahae.

Nagpatawag si Moonbin ng meeting para sa lahat ng interns para magkaroon ng discussion dahil nga matatapos na ang internship ng Levanter College this week. Next week naman ay matatapos nadin ang internship ng MBC University.

At syempre, ngayon nya naisip na idiscuss ang absence ko last week.

"You see Niroh, unfair sa iba kung bigla ka nalang ibalik sa pagiging intern matapos mong magbakasyon ng isang linggo. I am asking you to sign the internship withdrawal documents dahil iyon ang mas ideal para sa lahat. It's not all about you, Niroh. For once, it's not all about you..."

Hindi parin ako nagsasalita. Hindi ko pipirmahan ang internship withdrawal documents na yun dahil bilin ni Kuya Woojin na wag akong pipirma sa kahit anong papirmahan ni Moonbin.

Si Sir Jaehwan ang mag aasikaso ng internship ko kaya wala akong pakialam sa mga pinag sasabi ng Moonbin na to.

"Pero wala naman po sa company rule na magtatanggal ng interns dahil po sa absences diba?" Sabi ni Nagyung.

"As long as matatapos po ang interns sa required na oras ng internship, makakapasa daw po. Yun po kasi ang nakasulat sa guidelines at agreement form ng Levanter College at ng firm..." Malumanay na sabi ni Yena.

"Shhh, pabayaan nyo na sya." Pigil ko sa kanila dahil baka madamay pa sila.

"Anyway Niroh, I just want you to sign the documents. Once you're done, ako na mismo ang tutulong sayo na humanap ng panibagong firm kung saan ka pwedeng maging intern." Sabi ni Moonbin na ikinatawa ko.

"Sure. I'll sign the documents." Diretsong sabi ko.

"Ate, wag! Magagawan pa yan ng paraan!"

"Ate naman, wala naman sa guidelines yan eh."

"Let her sign, tutulungan naman sya ni Atty. Moonbin na mailipat sa bagong firm para makapag simula sya ulit eh." Sabi ng isang lapastangan mula sa MBC University.

Alam kong mangyayari to. Kaklase ko na si Moonbin mula high school. He's really uptight, competitive sa grades, at manipulative.

Noon, wala naman akong pakialam sa pagiging manipulative nya dahil hindi naman talaga kami close. At isa pa... he can't manipulate me back then dahil nga magaspang ang ugali ko. Maski sila Kuya Woojin, hindi ako napapasunod basta basta.

"Good. Pwede ka nang pumirma ngayon mismo. Tutulungan naman kita na makapag restart ng internship mo..."

"Sige na Niroh, tutulungan ka naman eh."

"Ate wag! Magagawan pa yan ng paraan!"

"Pabayaan nyo na nga, gagraduate din sya, mahuhuli lang ng konti."

"Wala sa rules yan! Tatapusin mo naman ang internship mo diba?"

Si Moonbin. Naka-assign sya sa interns, si Atty. Dowoon na isa sa mga big boss ng firm ang nag hire sa kanya kaya di sya pwedeng tanggalin nila Kuya Woojin ng basta basta. Respeto nalang kasi nila kay Atty. Dowoon yun.

At isa pa, hindi naman pwedeng tanggalin si Moonbin ng basta basta sa firm dahil lang sa ganito kaliit na rason. Walang personalan.

Pero nakalimutan nya atang Kim parin ako.

"Pipirma ako. Pero sa legal documents na mang gagaling mismo kay Han Jisung at Kim Woojin." Sabi ko sa kanya.

"Niroh, these documents are in behalf of the firm. Ako ang naka-assign sa interns kaya hindi natin kailangang tawagin si Mr. Kim at Mr. Han... you are disrespecting me as your superior. I am the one whose in charge to handle this issue."

"I know that the documents are in behalf of the firm, if that's what you want me to believe. However, I don't think you are authorized to file any legal actions against me." Inilapag ko ang documents kung saan sya nakapirma bilang representative ng firm.

It should be Kuya Woojin's and Jisung's signature plus the dry seal, anyone can easily tell that it's a fraud document. At hindi ko talaga alam kung bakit nya to ginagawa at kung para saan to.

It's fraud. It's true that they're withdrawal documents, but he made it look like that I was the one who made it, like I am filing it myself.

"Ito ang gusto ng ibang interns. I am trying my best to make it fair for everyone. You went on a trip with your boyfriend, you didn't even personally file a leave, bigla ka nalang nawala tapos pag balik mo, gusto mo okay na lahat?"

I know he's mad about something else. Pero hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit nya sakin para umabot sya sa ganito.

I thought he's better than this. Heck, I'm wrong.

"We're not playing, Niroh. Sineseryoso ng iba ang performance nila dito, seryoso ang internship dahil dito nakasalalay ang employment nila. If I'm going to let you pass, baka isipin ng iba na okay lang ang ginawa mo..."

"Ibigay mo sa akin ang legal documents kung saan nakapirma si Han Jisung at Kim Woojin." I firmly said. Tumayo na ako mula sa pwesto ko.

"You do realize you're disrespecting me and I can file another complain against you regarding your behavior."

"And you do realize that the documents you want me to sign are not authorized by Mr. Kim and Mr. Han. Company rule page 4, article 2."

Lumabas na ako ng seminar hall at iniwan sila dun. Dumiretso ako sa opisina ni Atty. Sungwoon na parang walang nangyari.

"Tapos na ang meeting?"

"Parang ganun na nga po."

"Lunch na, kumain ka na muna sa baba. Mamaya mo na ituloy yang inuutos ko sayo." Sabi nya at tumayo na, nagsuot sya ng coat at nag ready na sa pag alis.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now