55//

45 0 0
                                    

55//
Lee Niroh's

Isa sa pinakamahirap na parte ng buhay ng tao yung pakiramdam na napapag iwanan ka. Yung mga kabatch ko, mga successful na at may maipagmamalaki na. Samantalang ako, parang nag aaral palang kung paano maglakad at kumain. Nangangapa parin.

Minsan, nakakaramdam din ako ng inggit sa iba at awa sa sarili ko. May mga trabaho na sila... pero ako, gagraduate palang. At mukang hindi pa ata matutuloy.

"Ate!"

"Ate Niroh!"

Tumigil ako sa lobby at nilingon sila Nagyung na tumatawag sa akin mula sa entrance.

"Ate! Buti nakauwi ka na!"

"Saan ka ba galing ate? Antagal mong nawala!"

"Kaya nga ate, akala namin sumama ka na kay Atty. Sangyeon eh."

"Diba sabi ko nga kay Nagyung nasa Haenam kami..."

Sumakay kami ng elevator kasama ng iba pang interns. Ngayong linngo ang huling linggo nila as interns, dahil matatapos nila ang required na time sa Friday, eksaktong alas dos. Ako naman ay maiiwan dito for a week dahil nga sa absence ko noong nakaraang linggo.

"Good morning po." Bati ko kay Atty. Sungwoon nang makarating sya sa opisina.

"You're back... pakikuha muna ako ng kape."

"Sige po."

Kumuha agad ako ng kape sa second floor at bumalik sa office ni attorney. Wala si Atty. Sangyeon, hindi na sya bumalik mula noong ikasal sya at walang nakakaalam kung nasaan sya. Nag file sya ng resignation last week via email.

"Niroh, pakidala naman ng documents sa opisina ni Sir Jaehwan, ipa-receive mo sa kanya at ibalik mo sakin yun form na may pirma nya."

"Okay po."

Kinuha ko ang makapal na documents at pumunta sa office ni Sir Jaehwan sa may second floor. Ginawa ko ang mga utos ni Atty. Sungwoon at bumalik din agad ako sa office nya.

"Are you done?"

"Opo."

"Okay. By the way, nakausap mo na ba si Moonbin tungkol sa records mo?"

"Hindi pa po eh..."

"Pumunta ka na sa opisina nya ngayon. Pinapatawag ka nya kung bakante ka na."

Nagdaan muna ako sa bathroom bago ako pumunta sa office ni Moonbin sa second floor. Hindi pa sya licensed, hindi pa sya official na attorney at law. However, he can be considered as an attorney pero hindi sya authorized na mag represent ng clients nya sa korte.

Si Seungmin naman, pumunta sa Washington after graduation. Naging apprentice sya sa isang malaking firm at nag take ng bar exam. Si Jisung, after graduation ay nag take ng units na may kinalaman sa business dahil nga sya ang maghahandle ng firm ng lola nya.

Si Kuya Woojin, kagaya ni Seungmin ay naging apprentice din ng isang malaking law firm sa Virginia at doon nag take ng bar exam. Iilang states lang kasi sa America ang nagpapatake ng bar exams sa mga aspiring lawyers kahit hindi nag aral sa law school.

"Good morning po..." Bati ko kay Moonbin nang pumasok ako sa opisina nya matapos ng ilang katok.

Pinaupo nya ako pero hindi manlang sya sakin tumitingin dahil abala pa sya sa mga hawak nyang documents.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita pinatawag..."

"May inutos pa po kasi si Atty. Sungwoon."

"I see. Anyway, alam mo naman siguro kung bakit kita pinatawag diba?"

"Yes, about my records..."

We used to be classmates. Hindi kami close noon pero hindi din naman kami magkakumpetensya. I shouldn't be intimidated by his presence.

"You are already aware that you failed all of your evaluations. Siguro naman aware ka kung bakit failed ang mga grado mo diba?"

Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko. Hindi ko talaga alam kung bakit bagsak lahat ng evaluation at performances ko. I know my capabilities, I know my strengths and weaknesses and I know I'm doing great.

Bata palang at exposed na ako sa field na ito, everything is not new to me. I am used to this field, kaya sigurado ako na maayos ang trabahong ginagawa ko.

"I've been hearing a lot of complaints about you, Niroh..."

"I don't remember committing any serious offense." Diretso kong sabi na halos hindi ko napag isipan.

"Are you doubting my credibility?" Tanong ko.

"Pardon?"

"I have seen my  records. And I must admit that I am quite disappointed. Clock ins, all late. Time outs, five minutes earlier."

"Not my fault, it's your responsibility, not mine. I called for you not to talk about your attendance whatsoever. I called for you because I want you to sign the documents regarding your internship withdrawal."

Kumunot na ng tuluyan ang noo ko. Napag usapan na namin to ni Kuya Woojin. Wala namang problema sa kumpanya ang absences at tardiness for as long as magcocomply ka sa requires internship duration.

Ang ipinagtataka ko lang ay... bakit ba pilit na gumagawa ng paraan si Moonbin para bumagsak ako sa internship at umulit?

"Sign them as soon as possible. You may leave the office once you sign them, or you can the documents with you and sign them within this week."

Is it about Ryujin?

"It's just internship, Niroh. Not like you're not used to wasting opportunities. The firm should've given the internship opportunity to those who can function well. Isang pagkakataon nanaman ang nasayang dahil sayo." Makahulugan nyang sabi.

And there I realized that this is all about the apprentice program in Vermont.

Yearly, nagkakaroon ng apprentice program ang apat na states ng America para sa mga aspiring lawyers. Makakapag take ka ng bar exam kahit hindi ka mag aral sa law school.

Natanggap si Seungmin sa isang university sa Washington. Natanggap naman ako sa isang university sa Vermont. Si Moonbin dapat pero mas madami akong credentials kaya ako ang nakapasok. And then I got pregnant three months prior to that.

"You may leave now. Sign the papers within this day..." Mahinahon nyang sabi.

Tumayo ako at kinuha ang documents. "I'll take my leave."

Lumapit ako sa pinto at tumigil muna bago tuluyang lumabas.

"May kailangan ka pa?"

"Still incompetent, are we?"

Tinaasan ko sya ng kilay at ibinagsak ko ang pintuan ng office nya.

Moonbin got so mad back then. Rare opportunity iyon na napunta sakin pero nasayang dahil nabuntis nga ako. He wanted the apprenticeship program for himself pero hindi nya nakuha dahil mas maganda ang records ko.

I am not sorry at all. Hindi ko kasalanang incompetent at isip bata sya.

But is that really the reason?

---

Anyway, di ko alam kung may apprenticeship program eme ha. Again, hindi ako law student at wala talaga akong alam sa mga ganyan, pero kailangan sa plot so ayan, oke?

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now