++

46 1 2
                                    

++
Lim Ali's

"San ka? Sa kanan o kaliwa?" Mabait na tanong ni Yuri habang nag aayos kami ng kama namin. It was a king size bed, sobrang luwag nito at parang kasya pa sina Ate Ahna at Ate Niroh.

"Kanan nalang..." Ngumiti lang si Yuri at humiga na sa kaliwang parte ng kama.

Matapos kong mag blow dry ng buhok ay humiga na din ako sa tabi nya. Rinig na rinig namin ang malakas na tawanan nila Changbin mula sa kabilang kwarto, pati na ang kantahan sa kwarto nila Kuya Woojin. Kwarto ata namin ang pinakang tahimik.

"Tutulog ka na ba?" She asked.

"Inaantok na nga ako eh, kaso ang ingay nung iba."

Tumagilid sya at humarap sa akin. She's really pretty. Inosenteng inosente ang aura nya. Kung hindi lang sya girlfriend ni Jeongin, baka naging magkaibigan pa kami. I've seen her talking with others and I can say that she's really fun to be with.

But she's Jeongin's girlfriend. Sorry Yuri, I have to hate you.

"Kumakain ka ba ng spicy strip?" Tanong nya.

"Spicy what?"

"Spicy strip."

"Ano yun?"

"Wait, bigyan kita."

Tumayo sya at nagkalkal sa bag nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nawi-weirduhan sa mga kinikilos nya. Ano bang kinukuha nya? At ano yung spicy eme?

"Here. Tikman mo."

Inabutan nya ako ng isang tetra pack na may lamang parang kulay pula na medyo orange. Mukang candy.

"Ano to?"

"Spicy strip. Binili ko yan sa Shandong Province nung bumisita ako sa Mt. Tai."

"Candy ba to?"

"Tikman mo."

Binuksan naman ito agad at inamoy amoy. Hindi naman amoy candy. Amoy pampa-anghang at mga strong spices. Kumuha ako ng isa at kumagat.

"Hindi candy?" Medyo na-amazed ako sa lasa dahil hindi pala ito candy. Muka kasi itong candy. Para syang gawa sa malagkit na dough tapos binalutan ng strong spices at mga pampa-anghang.

"Ito lang ang dala mo?" Nanghihinayang kong sabi dahil nakakaadik talaga ang lasa nito.

Ang sarap promise. Madali syang kainin at medyo nakakaintriga ang lasa kaya hahanap hanapin mo.

"Meron pa sa bag. Gusto mo pa?"

"Hmmm, penge pa. Ibabaon ko sa Seoul."

"Sure. Ibibigay ko sayo bukas yung lahat ng nasa bag ko."

"Ibili mo ulit ako pag bumalik kang China ha?"

And then I didn't realize that I am becoming comfortable and nice to her. Being her friend has never been part of my plan. I don't even wanna get acquainted with her.

However, she's really nice and I really enjoyed her company. Nakatulog ako na nakangiti parin dahil puro tawanan ang ginawa namin ni Yuri. Inabot kami ng alas dos sa pag kukulitan kaya nung gisingin kami ni Hyunjin nang mag alas sais na ng umaga ay pareho kaming hirapan na bumangon.

"Ang daya nyo! Kayo din pala magkasamang tutulog, di nyo pa ako pinalipat sa tabi ni Ahna." Busangot kong sabi habang nakasandal sa door frame ng kwarto na tinulugan nina Ate Niroh at Kuya Minho.

"Muka namang nag enjoy ka sa piling ng bago mong bestfriend."

"What? Pinakisamahan ko lang sya ng maayos kagabi. San pala natulog si Kuya Woojin? Bat napunta dito si Kuya Minho?" Pagbabago ko ng usapan dahil ayoko talagang marinig mula sa iba na naging friendly ako kay Yuri.

"Nandun sya nakisiksik kila Kuya Chris, dalawa pala ang kama dun eh."

Bumaba na kaming tatlo at nakisali sa iba sa pagkain ng almusal. Sina Felix at Jisung pala ang nagluto, tumulong din daw si Ahna at Hyunjin.

I'm glad to see Ahna doing well. Akala ko nung una ay mag iiniyak sya buong bakasyon namin, buti naman at nakikisabay sya sa kulitan namin.

"Minho, kape?"

"Hmmm, sige."

"Ate Niroh, ako din pengeng kape."

"Nasan na yung matatanda? Tulog pa?" Tanong ni Changbin at tsaka ko lang napansin na wala nga sa hapag sina Kuya Woojin at Kuya Chris.

"Maagang umalis, nag bangka daw. Baka pauwi na din."

"Bat di ako ginising?" Sumimangot si Seungmin. "Sabi ko sasama ako eh."

Matapos naming kumain ay nagsibalikan na kami sa mga kwarto namin, yung iba ay nanunuod sa living room, yung iba naman ay naglalaro ng PUBG gaya nila Seungmin at Jisung.

Pumunta ako sa living room at umupo sa tabi ni Ate Niroh na nanunuod ng mga videos ng pusa sa TV kasama si Kuya Minho. Naiinis na ako sa dalawang to, mga mukang pusa!

"Talagang dumayo pa kayo sa Haenam para manuod ng mga pusa?" Sabi ko.

Hindi manlang ako pinansin nung dalawa at nag usap lang sila at wala akong naintindihan sa mga pinag uusapan nila.

"Gusto mo na ba ng bagong baby?" Tanong ni Kuya Minho.

"Baka kasi magselos yung tatlo pag nagkaron tayo ng bagong baby." Nag aalalang sabi ni Ate Niroh.

"Kaya nga eh. Pero gusto ko na talaga ng baby."

"Hmmm, ako din eh. Nag iisip na nga ako ng pangalan eh."

Iniwan ko nalang silang dalawa. Pusa ang pinag uusapan nila pero kung makapag usap sila parang totoong baby ang gagawin nila.

Umakyat ako at pupunta sana sa kwarto namin ni Yuri pero napatigil ako sa pintuan nang marinig ko ang boses nila ni Jeongin sa loob ng kwarto.

"Dun ka na matulog sa kwarto nyo, pupunta si Ali dito mamaya." Narinig kong sabi ni Yuri.

"I just... just let me spend some time with you. Ayaw mo ba?"

"Gusto. Pero kasi..."

"Hayaan mo si Ali. Malamang ay sasama yun kina Seungmin at Ate Niroh mamaya. Let's just sleep."

Binitawan ko ang seradura at tumalikod na. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig para pakalmahin ang selos na nararamdaman ko.

Fucking great, Lim Ali! Nakalimutan mong girlfriend ni Jeongin yung babaeng katawanan mo hanggang madaling araw.

Makikipag kaibigan ka na nga lang, dun pa sa taong kaagaw mo!

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon