17//

55 2 0
                                    

17//
Lee Niroh's

"A-asawa?" Takang tanong ni Nagyung.

"Ate Niroh, may asawa ka na?"

"Hmmm. Pero hindi na kami nagsasama. Gusto nyo syang makita?"

Ngumiti ako at inabot ang isang box na puno ng litrato. Magiging interns kami ng MIA Legal Services. Siguro mas magiging madali para sakin kung malalaman nilang tatlo kung sino ako at kung anong nangyari sa akin.

Para kung sakali man na makikilala na ako nila Seungmin, hindi na ako mahihirapang magkwento at magpaliwanag sa kanila.

"Lee Minho." Pinakita ko sa kanila ang picture namin ni Minho noon. Ito ay nung after party ng Sports Fest, si Ahna ang nag shot nito.

"Ang gwapo nya noh?" Nakangiti kong sabi habang iniisip ang nangyari nung gabing yun.

"Minho! Isayaw mo ko sa gitna!" Kanina ko pa sya kinukulit pero ayaw nya talaga. Tinatawanan nya lang ako at pinipitik sa noo tuwing inaaya ko sya.

"Ang cute mo."

"Dali na kasi!"

"Isayaw mo na nga yan, ang ingay ng girlfriend mo." Umirap si Kuya Woojin at lumayo sa amin.

"Inuutusan ka na ni Kuya Woojin oh. Dali na!"

"Wag na."

"Natatae ka na ba kaya hindi ka makatayo dyan?"

"Oo."

"Bulaan ka. Dali na kasi!" Pinilit ko pa sya dahil gusto ko talaga yung kanta. No Place by Backstreet Boys.

Hindi ko alam na nasa baba pala si Ahna at pinipicturan kami. Nakasimangot pa ako sa picture habang sobrang lawak naman ng ngiti nya.

"Ate, natulala ka na dyan."

"Pasensya na, may naisip lang ako bigla.

"Pero ate, ang cute cute mo dati. Ang taba mo pala dati."

"Hmmm, medyo lang naman ah? Malaki lang ang pisnge ko noon."

Tandang tanda ko pa, nung gabing yun, natatae nga talaga sya at nagpasama sya kay Changbin sa bathroom dahil di nya na kinaya.

"Nilalamig ka?" Tanong ko sa kanya dahil nagtatayuan ang mga balahibo nya.

"Uy! Tinatanong ko kung nilalamig ka."

"Gi, natatae ako."

"Ha?"

"Natatae ako."

Humagalpak ako ng tawa. "Ayan, karma mo yan! Ayaw mo kong isayaw eh! Sya, tumae ka na."

"Tawagin mo si Bin."

"Bakit?"

"Papasama ako."

"Ako na sasama sayo."

"Gi naman, bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Si Changbin na."

"Ako na nga. Para ka namang others."

"Si Changbin na, Gi. Nakakahiya... alam kong mabaho to."

Napapailing nalang ako pag naaalala ko yun. Kung paano ako napadpad sa sitwasyon na to gayong sobrang saya namin dati, hindi ko din talaga alam.

Binuklat ko ang photo album noong college at ang unang picture na tumambad ay ang picture namin ni Kuya Woojin at Jisung noong nag swimming kami sa Busan nung birthday ni papa.

May hawak na lata ng beer si Kuya Woojin at sinusubuan ko sya ng karne habang nakasimangot. Si Jisung naman ay kumakain lang sa gilid namin.

"T-teka, parang nakita ko na sila?" Kamot ulong sabi ni Yena.

"Nakita mo na talaga. Kim Woojin and Han Jisung, nandun sila nung orientation." Ngumiti ako at nagbuklat ulit. Ang kasunod na picture ay ang picture namin ni Seungmin at Jeongin na nakahiga sa buhanginan.

"Kim Seungmin, Yang Jeongin. Ang cute nila noh?"

"Ate Niroh, kakilala mo sila?"

"Hmmm."

Kinuha ni Nagyung ang photo album at tinitigan ng maayos ang bawat pictures na nakikita nya. Pati na sina Yena at Chaewon ay halos hindi din makapaniwala sa mga nakikita nila.

"Sa Yellow Wood University ako nag aaral dati, yang shot na yan, nung graduation day yan ni Kuya Woojin."

"Kuya Woojin?"

"Hmmm, mas matanda sya sa amin nila Seungmin at Ji ng dalawang taon." Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang mga pictures namin noon.

Wala silang natirang picture sa akin dahil nga nagpalit ako ng cellphone nung mamatay si mama. Nawalan ako ng contact sa lahat at tumira sa Mogpo for one year at doon tinanggap ang lahat lahat. Nung ikalawang taon na nawala si mama ay lumipat ako sa Changwon.

At nung ikatlo ay lumipat naman ako sa Uljin para mag aral.

"Paano mo---" Hindi na natapos ni Nagyung ang sasabihin nya dahil may biglang kumatok sa pinto ng kwarto namin.

"Girls, punta muna kayo sa lobby ng second floor, may mabilis na meeting tayo."

Tumango lang kami at nagtayuan na. Itinabi ko na muna ang lahat ng gamit ko bago ako bumaba. Nasa ikatlong palapag kasi ang kwarto namin. Apat na palapag ang building na ito, ang second floor at third floor ay nagsisilbing dormitoryo. Ang ground floor naman ay may pantry, kitchen at dining hall, at ang fourth floor naman daw ay may mini offices.

"Ako ang incharge sa building na to. Tawagin nyo nalang akong Tita Ying. Welcome sa building na to, ang gusto ko lang matuto ang lahat ng kalinisan, okay? Kwarto mo, linis mo. So lahat ng interns ay nasa third floor, ang mga nasa second floor naman ay mga employees din ng firm. Basta gusto ko lang ay malinis lagi."

"Sa mga gustong gumamit ng kitchen, nasa pantry ang mga ingredients. Wag nyo lang kakalimutang linisin at iligpit lahat ng kalat nyo. Maliwanag?"

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now