48//

51 1 0
                                    

48//
Lee Niroh's

I am wearing a simple white dress, long sleeves ito at two inches below the knee. Nakasuot din ako ng four inches kitten heel shoes na kulay white.

"Muka kang anak ng mayamang politician dahil sa itsura mo ngayon..." Yan agad ang sinabi ni Changbin nang makarating kami sa venue.

Alas nuebe ang simula ng ceremony at maaga kami ng halos twenty minutes. Wala pa sila Ahna at Atty. Sangyeon pero nandito na ang mga pamilya nila para mag asikaso ng mga bisita.

"Ikaw muka kang sugar daddy."

Umupo na kami sa designated na table para sa amin. Halos kakilala ko ang mga nandito. Mga college friends ni Ahna, mga employees at iilang interns ng firm at mga extended friends nila na mga pamilyar din sa akin ang muka.

"Gi..."

"Hmmm?"

Inilapit ni Minho ang upuan nya sa akin at humawak ng mahigpit sa kamay ko. "Wala lang, naiinggit lang ako. Katabi na kita pero nami-miss pa kita..."

Dumating na din si Ali at Hyunjin, kasunod na dumating ay sina Jisung, Seungmin at Felix. Dumating na din si Jeongin at si Yuri, pati na sina Kuya Chris at Kuya Woojin.

"Wala pa yung judge na magkakasal?"

"Nandito na. Si Sangyeon nalang ang hinihintay."

"Nandito na din si Ahna?"

"Yep. Nasa isang executive suite..."

Sinulyapan ko si Hyunjin. Kalmado na sya, pero kitang kita ko ang pagkabalisa nya. He's pale, and he almost looked lifeless. Kahapon ay kinausap sya nina Kuya Chris na umattend ng kasal ni Ahna, ayaw nya talaga dahil baka daw bigla syang tumutol.

But he's here. And he's going to witness Ahna's wedding. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon nya.

Imagine seeing your bias' wedding, ganun kasakit ang nararamdaman ni Hyunjin ngayon. 

"I feel... strange." Bulong ni Ali habang nilalaro ang water goblet sa harapan nya.

"Can you relax? Kanina mo pa sinasabi yan..." Sabi lang sa kanya ni Changbin.

"I feel like I'm going to vomit." Bulong sa akin ni Ali.

"Are you sick? Ano pang masakit sayo?"

"Wala naman... hindi lang ako mapakali, I feel weird. Medyo nahihilo din ako. But I'm fine."

Sinamahan ko muna si Ali sa bathroom. Pinainom namin sya ng tubig at gamot para sa headache at bumalik na kami sa table namin.

Alas nuebe ang simula ng wedding ceremony. Ala una pasado na ngayon pero wala padin si Atty. Sangyeon. Nagagalit na ang huwes na magkakasal sa kanila dahil ilang oras na syang nakatayo at naghihintay.

"Please... wait a little longer, my son will be here in a minute. Baka natraffic lang." Pinapakalma na ng ibang bisita ang mama ni Atty. Sangyeon.

"I will give you thirty minutes, Mrs. Lee."

Nagpapanic na ang mga kamag anak nila Ahna at Atty. Sangyeon, pati na ang mga office mates nya dahil hindi sya macontact at nakapatay ang cellphone nya.

"Tumawag ang maid ni Sangyeon, nawawala daw ang passport at maleta nya..." Nakangiwing sabi ng tita ni Atty. Sangyeon.

"What the fuck! Mapapatay ko sya pag hindi sya sumipot ngayon!" Kanina pa gigil na gigil si Hyunjin, namumula na ang muka nya at alam kong nagpipigil lang sya ng iyak nya.

"Calm the fuck down, Hwang Hyunjin!"

"Don't you tell me to come down! Putang ina ng lalaki na yun!"

Kanina pa din namin inaalo si Ali na iyak ng iyak. Nagsiuwian na yung ibang bisita kaninang alas dose at tanging mga kamag anak at malalapit na kaibigan nalang nila ang natira.

"Please, baka naman natraffic lang sya."

"Anong akala mo sa anak ko? We should really call the wedding off, my Ahna doesn't deserve this!" Mataray na sabi ng mama ni Ahna na kanina pa din nagpapanic.

"No! Dadating ang anak ko! Natraffic lang sya!"

"Gaano ba kalayo ang bahay ng anak mo mula dito? For goodness' sake, walang traffic! Wag na nating lokohin ang mga sarili natin! We all know na walang bayag ang anak mo!"

"Tita... kumalma ka po muna."

Umalis kami sa ballroom ni Ali at pinuntahan si Ahna sa executive suite na kinuha nya sa 9th floor. She was a mess. Nagkalat na ang make up sa muka nya at halos pulang pula ang mga mata nya dahil sa pag iyak.

"Ahna... we're really sorry." Yumakap si Ali kay Ahna at nagsimula na kaming mag iyakan.

"Shhh, wala naman kayong kasalanan eh. Don't be sorry. Nahihiya ako sa inyo dahil sa nangyari sa kasal ko... nandun pa ba ang mga bisita?"

"Pinauwi na sila ni tita an hour ago."

"Gosh... everything is so messed up. It's all my fault!" She sobbed harder at mas lalo namin syang niyakap ni Ali. She's at her weakest point. Ngayon ko lang nakita na ganito kamiserable si Ahna.

Lagi kong iniisip noon na she's a smart, strong and beautiful woman. Ahna has always been the mature woman that she is for me. I respect her a lot because she can maintain her composure at all times. And seeing her like this is painful in my part.

"Don't say that, Ahna. We both know it's not you fault. Hindi mo naman to ginusto..." I know words can't calm her down, but that's the only thing I can offer to her as a comfort and support.

"Sangyeon is a dick! How can she ditch you? Pinahiya ka nya with your relatives and friends! At pinahiya nya din ang pamilya nya! He's a bigger asshole than Changbin!"

"Ali, don't say that. Bin has never been an asshole! He's just an airbag."

"I didn't know he's an ass. Where them balls, seriously?"

"Ali, please... it's not entirely his fault. Ako ang nag alok sa kanya ng kasal..." Bumuntong hininga si Ahna at suminghot singhot.

Medyo nagulat ako sa sinabi nya pero nakabawi din ako agad.

"Do you love him, Ahna?" I asked.

"Of course! Inaya ko agad sya ng kasal dahil sigurado na ako na sya ang gusto kong pakasalan."

Niyakap lang namin si Ahna. She's still crying at nararamdaman ko na gusto nya ng tumigil sa pag iyak pero hindi nya pa kaya. Masakit yun, sobra.

"Ahna, paano mo nasabi na sigurado ka na kay Sangyeon?"

"Financially stable sya, Ali. Hindi din sya mahilig sa bars and booze, seryoso syang tao, mature at hindi mahilig makipag sosyalan... nanggaling din sya sa maayos na pamilya, and he's really hard working."

"Ahna... what if you're only inlove with the idea of him? What if you're only inlove with the idea of marrying a mature, uptight and responsible man?" Bulong ni Ali pero hindi na narinig ni Ahna dahil nakatulog na sya.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now