50//

42 1 0
                                    

50//
Lee Niroh's

"She's sick..." Umupo si Ali sa isang stool at nilapag ang isang mug na may lamang kape sa ibabaw ng dining table.

"Ilan ang temperature nya?" I asked while filling their glasses with orange juice.

"38.5."

"Uutusan ko nalang si Minho na bumili ng meds mamaya."

Naglapag ako ng mga plates at utensils at hinain ang mga niluto namin ni Minho. Sya lang talaga ang nagluto, tumunganga lang ako at nanuod dahil antok na antok pa ako kanina.

"Tumawag si tita kanina..." Sabi ni Kuya Chris na kapapasok lang ng kitchen. Umupo sya sa tabi ni Kuya Woojin na nagkakape na din.

"Anong sabi? Susunduin na si Ahna?"

"No. Dito daw muna para makapag isip isip. Tsaka walang makakasama si Ahna sa bahay nila, babalik na ata ng States ang pamilya nya bukas."

Alas otso pasado na. Natutulog parin si Seungmin at Felix sa isang guest room, sina Kuya Chris at Kuya Woojin naman ay maagang nagising kahit iilang oras lang ang tulog nila. Si Ali, gising na din at kagagaling lang sa kwarto kung nasaan si Ahna.

"Kumain na muna kayo..."

Umupo ako sa tabi ni Minho at kumain na kami. Hindi na muna namin ginising si Felix at Seungmin. Pauwi na daw sila Hyunjin, Jisung at Changbin maya maya. May sine-settle lang daw dahil ang kulit kausap ng pamilya ni Atty. Sangyeon.

"Nasaan nga pala si Iyen?" Tanong ko.

"Sinusundo ang girlfriend nya. Pupunta din daw dito." Sagot lang ni Kuya Woojin.

"What? Pupunta nanaman dito si Yuri?" Pagtataas ng boses ni Ali kasabay ng irap.

"Hayaan mo na, gusto daw pumunta eh. Nakikisama satin..."

"No, Kuya Chris! Bakit pa sya pupunta dito? Anong akala nya satin, mga boy scout at girl scouts na nagka-camping? Anong akala nya, this is a big sleep over and she's invited?"

"Girlfriend sya ni Iyen, Ali."

"So?"

"She cares for Ahna, that's why she's coming."

"I can't see it that way. Nagseselos sya sakin kaya hindi nya maiwan iwan si Iyen kasama natin." Diretsong sabi ni Ali.

Matapos naming kumain ay umakyat na kami ni Ali sa kwarto ni Ahna. Pinakain namin sya ng sapilitan at pinainom ng gamot para sa lagnat. Nagtulungan din kami ni Ali para ma-sponge bath sya at para mapalitan ng damit.

"How are you feeling?"

"Masakit lang ang ulo ko, dahil siguro sa kakaiyak."

"Tatalab na din mamaya ang gamot, anong gusto mong kainin mamaya?"

"Kahit ano na. Wala din naman akong panlasa."

Umupo kami sa kama nya. Namamaga ang mga mata ni Ahna, namumula ito at namumugto. Putla ang labi nya at halos nagbibitak na ito. Madami syang iniyan kahapon. Kaya siguro nawalan sya nh liquids sa katawan kaya tuyo ang labi nya.

"38 padin ang temperature mo, medyo bumaba na ng kaunti."

"Okay na ako, pahinga nalang siguro to. Magpahinga din kayo, okay lang naman ako. Wag nyo akong masyadong problemahin, okay na ako..."

Ahna is really genuine and honest. Mula pa noon ay sobrang mature nya na talaga at responsable. Hindi sya kagaya ng ibang babae. Pag sinabi nya noon na wag syang kausapin ni Hyunjin, wag talaga dapat dahil mas mag aaway sila. Pag sinabi nyang walang problema, wala talaga. At pag sinabi nyang okay lang sya, okay lang talaga sya.

"Pag nawala na ang lagnat mo, gusto mo bang mag bakasyon muna?" Tanong ni Ali.

"Bakasyon? Wag na, I'm good. I know you're all sacrificing your time for me, pero please wag na. Kaya ko na to. Okay na sakin yung sinusuportahan nyo ako sa lahat."

"Si Kuya Chris ang nakaisip nun, he wants us to have a vacation dahil babalik na din si Changbin sa Japan in two weeks. Si Kuya Chris at Lix naman ay uuwi na sa Australia at matatagalan bago makabalik dito. Para makapag bonding na din tayo." Paliwanag ni Ali.

"Iiwan natin ang mga trabaho at buhay natin for a three days. Ano sa tingin mo?" Dagdag ni Ali.

"That'd be great. Pero tsaka na natin pag usapan, mahirap mag plano ng mag mag plano tas di naman matutupad."

We fell silent after she said that. I've known Ahna ever since high school. Batchmate sya ni Kuya Woojin noong high school at magkaibigan na sila noong unang lipat palang ni Kuya Woojin sa Seoul.

Straight forward sya. And she's really nice to me. Tinulungan nya ako noong nasa Mogpo at Changwon ako. She even sends me money kahit na tinatanggihan ko sya lagi. I just can't bare seeing her this weak.

"Wala bang balita kay... Sangyeon?"

"Wag mo na muna syang isipin, Ahna."

"I just... I just wanted to know if he's okay. Mahirap din to para sa kanya."

"Why do you care so much about him? He ditched you." Malumanay na tanong ni Ali.

"I know him... nahihirapan din sya. His career is at risk, masisira din ang pangalan nya at ang pamilya nya. He won't risk his life for a lame reason."

"We understand, Ahna. Pero wala din talaga kaming idea kung nasaan sya."

Tumikhim si Ahna at parang nangapa ng susunod na sasabihin. Bumuntong hininga sya at humarap sakin.

"Nung una palang, sinabi nya na sakin na hindi pa sya handa. I should've listened to him. Sana inintindi ko din sya..."

"Ako ang nag alok sa kanya ng kasal. Ayaw nya pa dahil hindi pa sya handa, pero mahal nya ako kaya pumayag syang magpakasal kami kahit hindi pa sya handa sa responsibilidad nya."

Hinawakan ko sa kamay si Ahna at nag tanong. "Ahna, anim na buwan palang kayo ni Atty. Sangyeon nung na-engage kayo, bakit... bakit ang bilis mong nakapag desisyon sa kanya kahit na kakaunting oras palang kayo?"

"He's a warm person. I feel safe when I'm with him. Nirerespeto nya ako... inaya ko agad sya ng kasal dahil gusto ko na din ng sarili kong pamilya. And I always dream of marrying someone like him."

"I understand."

No, I don't. Hindi ko maintindihan ang rason nya. Nung pinakasalan ko si Minho, hindi ko manlang naisip na pakakasalan ko sya dahil sa kaparehong rason ni Ahna kay Sangyeon.

Pinakasaln ko sya dahil... I want the rest of my life with him. Successful or not. Ruined or not.

"What if he's just a passing fancy? Is it still worth risking?" That's what Atty. Sangyeon asked me. And now, I think I understand the point of him asking me this.

Ahna, you're just his passing fancy. And you're not worth risking for him.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now