43//

51 2 2
                                    

43//
Lee Niroh's

"Tumawag na kayo ng bouncers!"

"Nagyung! Please, dito ka na!"

"Ate, baka mabugbog sya."

Umaawat na din sila Samuel at Guanlin pero galit na galit talaga ang boyfriend ni Nagyung dun sa lalaking nanghalik dito. Yung lalaki naman, dahil nga lasing na din eh mainit na din ang ulo kahit sya ang mali.

Walang lalapit na bouncers. Yan ang sigurado ko. Ilang beses na tong nangyari. Ilang beses nang nabugbog sila Changbin at Hyunjin noon dahil kahit anong away ang mangyari sa Placebo, walang umaawat.

"Chae, tumabi ka. Baka matamaan ka." Pilit kong hinihigit palayo sina Chaewon pero nalapit at nalapit sila para higitin si Nagyung na umaawat.

"Bakit ba walang umaawat na bouncers?"

"Tarantado ka! Pati girlfriend ng may girlfriend hinahalikan mong hayop ka!"

"Please tama na!"

"You stay out of this!"

"Sammy, wag ka ng makialam."

"Ang ganda ng girlfriend mo eh!"

"Gago!"

"Oh my gosh!"

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Kuya Woojin. Sumagot naman sya agad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kuya..."

"Nini? What is it?"

"Kuya, can you come down for a sec? Please?"

"Sure. Pababa na kami."

Binaba na ni Kuya Woojin ang tawag at ilang segundo lang ay dumating na sya kasama yung iba. Tumigil ang malakas na tugtog at nakita kong nakikipag usap si Felix dun sa DJ.

"What happened here?" Tanong ni Kuya Woojin at tsaka lang tumigil sa kakasuntok yung lalaki sa boyfriend ni Nagyung.

"A-attorney... kasi po ano eh..." Putol putol ang bawat salita ni Nagyung. Magulo ang buhok nya at nangangatal din ang boses nya. Nakataob na ang table namin at may mga nagkalat na bote ng alak.

"Attorney, pasensya na po sa istorbo."

"Sorry po."

Dumating din si Jisung na may hawak pang bote ng alak. "Nini, anong nangyari? May nasaktan ba sa inyo?"

"We're fine, Ji."

"Gi, okay ka lang?" Tanong ni Minho na nasa tabi ko na pala.

"Hmmm." Naamoy ko agad ang alak mula sa kanya. Pero hindi naman sya mukang lasing... nakainom lang siguro.

"Anong nangyari? Miss Nagyung? Lee Juyeon? Samuel? Anong nangyari?" Humarap si Kuya Woojin sa mga interns nya.

He looked disappointed. Pero alam kong hindi sya galit. Alam nya naman kasi ang lagay ng Placebo. Tsaka madalas din silang mapaaway noon kaya alam kong maiintindihan nya.

"Kuya..."

"Niroh? Are you okay?"

"Oo, kuya."

"Ano bang nangyari? Ji, call Ravn. We'll settle this right now."

"Kuya, this guy kissed Nagyung kaya nagalit ang boyfriend ni Nagyung at nagkasuntukan sila." Paliwanag ko.

"Nauna syang sumuntok!" Galit na sigaw nung lalaki.

"Eh kung hindi ka ba naman nanghahalik ng girlfriend ng iba!"

"Hoy pangit! Manahimik ka ha! Ang lakas mong sumigaw eh ang pangit mo naman!" Biglang sabi ng lasing na lasing na si Changbin at dinuro ang boyfriend ni Nagyung.

Natahimik kaming lahat dahil sa katangahan nya.

"Gago ka! Yung isa ang kaaway!" Natatawang sabi ni Hyunjin.

Humarap si Changbin dun sa lalaki at dinuro duro. "Ikaw ang sinasabihan kong pangit! Ano? Lalaban ka? Ha! Pangit mo!"

"Alisin nyo nga yan si Changbin!" Nahihiyang sabi ni Kuya Woojin kaya hinigit na ni Hyunjin si Changbin palayo.

"Pasensya na sa isang yun... may problema yun sa utak." Sabi ni Kuya Woojin nang makaalis na si Changbin.

"May problema ba?" Sabi ni Ravn nang dumating sya. Sya na kasi ang owner at tumatayong manager ng Placebo.

"Rav, I want them out of this bar. Ban them for good. I'll pay for the damages." Sabi ni Kuya Woojin. Sumenyas lang si Ravn at may dalawang malaking mama na dinampot palabas yung mga lalaking nang gulo.

"Attorney, pasensya na po talaga..."

"Sorry po, hindi na po mauulit. Naistorbo pa namin kayo."

"Rav, ipalinis mo ang kalat na ito at ilipat mo ng table ang interns ko. I'll pay for their drinks." Sabi lang ni Kuya Woojin at hindi na pinansin ang mga nagsosorry sa kanya.

"Thank you po."

"The best ka talaga attorney!"

Bumalik na ang tugtog at may naglinis na agad ng space namin. Humarap si Kuya Woojin sa amin at ito na, mangangaral na sya.

"Sa susunod, wag kayong makikipag usap sa iba. Iba ang Placebo, magulo dito at hindi dito uso ang awat awat. Naiintindihan nyo?"

"Opo. Pasensya na po."

"Sorry po talaga."

"O sige, babalik na ako sa taas. Hoy Lee Minho, tara na! Bitawan mo na yang pinsan ko!"

"Bumalik ka na dun."

"Sure ka bang okay ka lang?"

"Oo nga. Sige na, balik na dun."

"Text me pag tapos na kayo." Humalik muna sya sa noo ko bago umakyat.

Umupo ako sa panibago naming table na puno ng alak. Tumabi ako kay Nagyung na mukang nakabawi na.

"Buti nalang mabait si Atty. Woojin... kung hindi naku, bagsak talaga tayo sa final evaluation." Sabi ni Jacob.

"Okay ka na?" Tanong ko kay Nagyung.

"Oo ate, salamat ha?"

"Bat sakin ka nagpapasalamat?"

"Basta salamat. Tsaka pasabi kay attorney, salamat din."

"Wala yun. Tsaka responsibilidad nya tayo noh. Ikaw kasi, ang ganda ganda mo kaya napapaaway ang boyfriend mo..."

"Ate naman..."

"Cheers! Magsaya tayo na parang walang nangyari!"

"Pasalamat nalang tayo kay Atty. Woojin!"

Naging maayos din naman kami sa table namin. Nagkwentuhan nalang kami at hindi na din sila nakigulo sa dance floor. Pero dahil nga maraming alak ay napaparami din ang inom nila.

"Nga pala Niroh... bakit kuya ang tawag mo kay Atty. Woojin?" Tanong ni Jacob sa kalagitnaan ng kwentuhan namin.

"Mas matanda kasi sya sakin ng dalawang taon." Paliwanag ko.

"Ahhh..."

"Kaibigan sya nung boyfriend mo diba?"

"Hmmm, ganun na nga."

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now