42//

46 2 0
                                    

42//
Lee Niroh's

Alas sais pasado na. Mamayang alas otso daw ang stag party ni Atty. Sangyeon. Kahahatid lang sakin ni Minho sa dormitoryo, magkikita kita daw kasi sila mamayang alas syete at sabay sabay na pupunta sa venue.

Sa VVIP section daw iyon ng Placebo. Sa may second floor, malapit dun sa area ng DJ.

"Bantayan mo sila Seungmin dun ha?" Sabi ko kay Minho habang nakatayo kami sa tapat ng kwarto namin. Sabi ko nga sa kanya, sa tapat ng building nya nalang ako ihatid, pero door to door talaga ang gusto nya.

"Iinom ako. Pero konti lang, promise."

"Damihan mo kung gusto mo. Pero wag kang makikipag usap sa mga babaeng nasa loob ng malaking cake."

Tinawanan nya lang ako at pinitik sa noo. "Lalabas ba kayo ngayon ng mga kaibigan mo?" He asked.

"Hmmm, di ko sure. Siguro. Ewan."

"Pwede ka sumama pero magsabi ka sakin, okay?"

"Sige na, baka hinahanap ka na nila Kuya Woojin."

"I'll go ahead then..." Yumuko sya at humalik sa noo ko. Hinapit nya ang baywang ko at tumuloy sa labi ko.

"Wag nalang kaya akong tumuloy?" Bulong nya.

"Siraulo. Pumunta ka na dun!" Bumitaw na ako sa kanya pero parang linta ang tindi ng kapit nya.

"Bitawan mo ang pwet ko, Lee Minho. Pumunta ka na dun, baka hinahanap ka na."

"Last na." Isang halik pa sa noo, kaunting kagatan at pisil pisil bago sya tuluyang nagpaalam na aalis na sya.

"Ingat kayo! Enjoy!"

"Hmmm. Pumasok ka na. Text me if lalabas kayo ng mga kaibigan mo para masundo kita."

"Hmmm. Sige na, ingat."

Pumasok na ako sa kwarto namin at naabutan na nag aayos si Chaewon. Bihis na bihis sila at mga nakakulot ang mga buhok.

"Pasaan kayo?" Tanong ko.

"Ate naman, nakalimutan mo ba? Anniversary ngayon ni Gyung at ng boyfriend nya!"

"Ah? Ngayon ba yun?"

"Yes! Kaya ate go na! Maligo ka na dahil magpaparty din tayo!"

"Anniversary pala nila Gyung eh, bat sasama tayo sa date nila?" Tanong ko sabay upo sa kama.

"It's not a date, Ate Niroh! Nag date na sila nung nakaraan noh! Bar naman tayo! Ano? Mga attorneys ay employees lang ang magsasaya? Dapat interns din!"

"Hindi nalang ako sasama. Pass muna!" Pinal kong sabi at humiga sa kama.

"Sure ka ate? Sasama kami lahat! As in lahat! Ikaw lang maiiwan dito."

"Sasama ako! Anong oras ba?"

"Yun naman pala eh!"

Naligo muna ako. Nagbihis ng simpleng damit at naglagay ng ilang personal na gamit sa bag ko tulad ng toothbrush at underwears.

Bandang alas otso na kami nakaalis ng dorm. Sumabay na kami sa ibang interns, nasa Placebo na daw ang boyfriend ni Nagyung at ang mga kaibigan nito. Lahat ng intern ay pupunta din ng Placebo ngayon.

"Manong, District 9 po. Sa Placebo."

Habang nasa taxi ay kinuha ko ang cellphone ko dinial ang number ni Minho na mabilis nyang sinagot.

"Gi, namiss mo ko?"

"Heh! Gusto ko lang sabihin na papunta kaming Placebo. Nandyan ka ba?"

"Sa second floor, Gi. Asan ka? Puntahan kita..."

"Papunta palang kami."

"Aabangan kita sa labas kung ganon."

"Wag na. Stay there. Nakakahiya kay Atty. Sangyeon, stag party nya yan eh."

"Di pa naman start, Gi."

"Kahit na. Basta stay there."

"Okay. Pero maya't maya mo kong itext ha?"

"I'll stay in your place tonight." Sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag.

Nang makarating kami sa Placebo ay hinintay muna namin sila Samuel at Guanlin sa entrance. Nahuli kasi sila dahil nag withdraw pa daw ng pera si Guanlin.

"Uy! Nandyan na pala kayo! Tara na sa loob!" Sabi ni Nako na kararating lang. She's with Hitomi, Jacob and Juyeon.

"Hintayin lang namin sila Sammy. Una na kayo. Sunod din kami agad."

Nauna na silang pumasok sa loob. Si Nagyung ay nauna na din dahil nandun na ang boyfriend nya. Kaming tatlo nalang nila Chaewon at Yena ang naghintay kina Samuel at Guanlin.

"Niroh? Nandito ka pala!" Lumapit sa amin si Kuya Chris, Felix at Hyunjin na mga kararating lang.

"Kuya... kayo pala."

Lumapit ako sa kanila. Mukang wala sa mood si Hyunjin, nakasimangot ito at halatang naglasing na sa kung saan bago pumunta dito.

Nag usap lang kami saglit at pumasok na din naman sila. Nang dumating yung dalawa ay nakihalo na din kami sa mga kaibigan namin sa loob.

"Tamo yan si Nagyung, pag kasama ang boyfriend nya, hindi tayo pinapansin." Bulong ni Yena.

"Hili ka lang palibhasa malayo ang boyfriend mo!" Sabi naman ni Chaewon.

"Nag salita ang malapit ang boyfriend."

At nag asaran lang sila sa table namin. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagtext kay Minho para sabihing nasa baba lang ako ng Placebo.

"Nasa taas lang ang mentors natin, behave tayo guys. Baka bumagsak tayo sa final evaluation." Sabi ni Jacob sa kalagitnaan ng pag iinom nila.

"Sus, si Atty. Moonbin lang ang mambabagsak sa atin. Sila Atty. Han ang nasa taas! Mababait yun! Nag PUBG nga kami sa office nun nung nakaraan eh." Sabi naman ni Samuel na lasing na.

Nagsayawan din sila, nag inom nang nag inom hanggang sa makainitan nila yung mga nasa kabilang table.

"Pre, wag mo ng patulan." Pang aawat ni Juyeon dun sa boyfriend ni Nagyung.

"Eh ang bastos eh!"

"Dude, hindi ko alam na boyfriend ka. Come on, be sport! It was just a kiss!"

"Eh gago ka pala eh!"

"Oh my gosh! Juyeon awatin mo!"

"Tarantado ka!"

"Isang suntok pa! Tutal sulit naman sa sarap ng girlfriend mo!"

"Gago!"

Napatayo ako nang itaob nila ang table namin. Hinigit ko agad palayo yung tatlong babae. This is not new to me. Halos lingguhan ang away sa Placebo kaya alam kong normal ito. But for Nagyung and the rest, it is not normal. Tahimik naman kasi sa Uljin.

"Ano? Isang suntok ka lang pala pero ang yabang mo!"

"Manahimik ka! Wasak sakin ang muka mo!"

"Juyeon! Jacob! Umawat kayo!"

Natamaan na si Nagyung sa pisnge nya dahil pilit syang umaawat.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now