21//

51 0 0
                                    

21//
Lee Niroh's

"Minho, subuan mo ako!" Ngumanga ako at hinintay na subuan nya ako ng donut na kinakain nya.

"Matagal pa bang matuyo yan?" Tanong nya habang dinidikit sa labi ko ang donut.

"Maya maya pa. Di to matte kaya matagal matuyo." Kumagat ako sa donut at mabilis na inilayo ang mga kamay ko dahil muntikan na talagang matamaan ni Minho ang newly polished kong almond cut nails.

"Ihipan ko."

"No! Baka mapunta sa kuko ko ang laway mo."

"Edi dyan ko nalang ilalagay ang laway ko sa bibig mo."

"Ew! Pag natuyo to, kurot ka sakin!"

"Joke lang Gi! To naman di mabiro." Tinapat nya ulit ang donut sa bibig ko at kumagat ulit ako.

"Macha flavored yung green noh? Yun naman isubo mong kasunod, parang mas gusto ko yun."

Bumuntong hininga ako at nilagay sa archive ang album ng mga pictures namin ni Minho. Hindi ko mabura, hindi ko din maitago, archive nalang.

9, 783 photos archived. Bumuntong hininga ulit ako, hindi ko alam kung ika ilan na to.

We are so happy back then. I am living a fairytale life three years ago--- masayang pamilya, mga kaibigan at isang napakabuting boyfriend. Ano kayang katarantaduhan ang ginawa ko nung past life ko para malasin ng ganito?

"Napagalitan nanaman ang mga interns dahil dun sa isang galing sa Levanter College. Gosh! Pati tayo nadadamay!" Napayuko nalang ako nang marinig ko ang usapan mula sa kabilang table.

"Ate Niroh, don't mind them." Untag ni Yena.

"Eh kasi naman, nag tapon na nga ng kape sa opisina ni Atty. Sangyeon, pati yung mga documents na original, tinapunan nya din ng kape."

"Dibale kung sya lang ang napagalitan!"

"Shhh, baka marinig ka."

"Eh ano naman! Mabuti na rin na malaman nya noh!"

Nawalan na ako ng gana na kumain. Lutang ako buong umaga at patong patong na ang nagawa kong katangahan. Inutusan ako ni Atty. Sangyeon kanina na kumuha ng kape, pero natapon ko yun sa opisina nya at nabasa ang mga original documents na nirereview nya.

Hindi lang yun, nadulas din ako sa tapat ng elevator kanina at natapon lahat ng documents na dala ko, basang basa ang lahat at shumoot pa sa balde nung janitor.

Inutusan din ako ni Atty. Sangyeon na isend ang mga documents sa mga kliyente nya pero nagkabalibaliktad ang pagkakasend ko.

"Ate, kumain ka nalang. Wag mo pansinin ang mga yun."

"Sosa talaga yang mga galing sa MBC University. Lalo na yang si Sarang at Joahae." Umirap si Nagyung sa kabilang table at gigil na gigil sa pagkain nya.

"Kasalanan ko naman talaga eh."

"Ate, di mo naman sinasadya noh!"

"Tsaka bakit ba utos ng utos si Atty. Sangyeon sayo eh sa second floor sya! Sa third floor ka kaya naka-assign."

"Bathroom lang ako, mauna na kayo sa pwesto nyo ha." Ngumiti lang ako sa kanilang tatlo at nagmamadaling umakyat sa third floor para gumamit ng bathroom.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng cubicle ay umiyak na agad ako. I feel so fuckin frustrated. Wala na! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Minho filed an annulment, pumirma na ako at matapos ng ilang araw na pagpaprocess ng documents ay mawawalan na ng bisa ang kasal namin.

Annulment yun. Hindi lang basta mawawalan ng bisa. Parang ipinabura nya na din lahat ng memories namin, parang pinabura nya na din yung pagmamahal nya sakin. Annulment. Ganun ba sya kagalit sakin? Ganun ba ako kasama?

Nagsisi na ako! Ang dami dami kong pinagsisihan! Hindi ko ginusto ang nangyari. Ang gusto ko lang nun... mabuhay pa at makasama pa sila ng mas matagal.

Pero nang magising ako sa ospital nun matapos ng halos dalawang linggong pagtulog...

My mom died.

Si Minho, nagalit sakin.

Ang mga Kim, tinakwil kami ni mama.

I lost my child.

And I lost myself as well.

"May tao ba dito?"

Pinahid ko agad ang mga luha ko nang makarinig ako ng sunod sunod na mga katok.

Lumabas ako sa cubicle at naghilamos muna. I look so pale. Pulang pula ang mga mata ko, nangingitim na din ang eye bags ko. I smiled bitterly on the mirror bago buksan ang pinto ng bathroom.

"Gosh! Bawal i-lock ang pinto, ang tagal tagal mo! Magkakabato ako dahil sayo!" Reklamo ng isang empleyada pero nilagpasan ko lang sya.

I used to be Shin Niroh--- the rich girl who looked so expensive from head to toe, polished nails, expensive clothes and shoes, a girl who always wear make ups.

Then I became Kim Niroh--- naging kami ni Minho at natuto akong magsuot ng mas desenteng damit dahil gusto ko, desente ako sa harap ni Minho. Gusto ko noon, hindi ako mababastos dahil sa suot ko dahil ayaw kong mapaaway si Minho kung sakaling mababastos ako.

And then I became Lee Niroh--- nagpakasal kami ni Minho, nabuntis ako at tumigil sa pag aaral. And then nakatulog lang ako, I lost everything.

At ngayon, I lost myself. Sino na ba ako?

"Hey you! You rude girl!" Sigaw ng empleyada kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Learn to respect your superiors. Baka gusto mong ibagsak kita sa final evaluation mo."

Humarap ako sa kanya at tiningnan ang galit nyang ekspresyon. Tinaasan ko lang sya ng kilay at dumiretso na ako sa west wing para pumasok sa opisina kung saan ako naka-assign.

Nothing else will matter now.

Impurities | Lee KnowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang