16//

52 1 0
                                    

16//
Lee Niroh's

"Kalayaan!" Sigaw ni Chaewon nang makapasok kami sa kwarto namin.

May dalawang double decks sa loob, isang bathroom, cabinets, airconditioner, television at coffee table. Kaming apat nina Nagyung, Chaewon at Yena ang nagsama sama sa isang kwarto.

"Ate Niroh, pwedeng ako sa taas?" Sabi ni Nagyung.

"Yep." Umupo ako sa lower bank at inilagay ang backpack ko sa ibabaw ng kama.

"Wow, ang yaman talaga nila! Nakaaircon tayo oh!" Sigaw ni Yena at tinodo ang lamig.

"Shhh, wag kang maingay. Rinig hanggang hallway ang ingay mo."

"Eh ano naman? Eh mga kaklase lang naman natin ang nasa kabilang kwarto eh."

This reminds me of my apartment. Laging maingay sa apartment ko dati dahil dun sa tatlo na maya't maya kung magsigawan. Lalo na kapag naglalaro sila nila Changbin at Hyunjin ng PUBG.

"Ate Niroh, pupunta kami dun sa pantry sa baba. Kakain kami, ikaw ba?"

"Mamaya na ako. Kayo na muna."

Nang makaalis sila ay kinuha ko ang ballcap ko at payong. Nagdala ako ng cellphone at wallet dahil ngayon ko na kukunin ang lahat ng gamit ko kay Tita Chai.

Malapit lang naman ang Glow District sa Yellow Wood District. Sumakay ako ng taxi at sinabi ang eksaktong address ng apartment complex ni Tita Chai.

"Niroh? Hija?" Yumakap agad sa akin si Tita Chai nang makita nya ako sa labas ng kwarto nya.

"Tita, kamusta po?"

"Bata ka! Bat ngayon ka lang bumalik? Tara sa loob."

Pumasok kami sa kwarto nya at pinaupo nya ako sa living room nya. It feels so nice to be back here. Sa pagkakaalam ko ay iba na ang nakatira sa kwarto namin nila Seungmin at Felix.

Dito ako tumira magmula nung first year high school hanggang third year college, ang dami ditong nangyari at sobrang nostalgic ng lahat.

"Tita, nandito po ako para kunin ang mga naiwan kong gamit noon."

"Oo nga hija. Wag kang mag alala at nasa maayos na kundisyon ang mga gamit mo. Hindi ko yun ipinagalaw."

"Salamat po tita."

"Kaso hija, kaya mo ba yun? Madami dami ang mga gamit mong naiwan dito."

"Itataxi ko nalang po hanggang doon sa dorm na tinutuluyan ko sa Glow."

"Mabuti pa nga kung ganun. Dito ka muna at ilalabas ko ang mga gamit mo."

Tatlong malalaking luggages, apat na sealed boxes at isang gym bag. Tinulungan ako ng taxi driver na ikarga sa sasakyan ang lahat ng yun. Buti nalang at nagkasya lahat dahil medyo malaki talaga ang isang luggage. Kay Jisung ata na luggage yun, may malaki kasing letter J sa unahan eh.

"Gyung!"

"Ate, bakit po?"

"Abangan mo nga ako sa labas ng dorm, papatulong ako sa mga dala ko."

"Sige ate, ngayon na ba?"

"Hmmm, malapit na ko." Itinago ko sa bulsa ng hoodie ko ang cellphone ko at itinuro sa driver kung nasaan ang dorm.

Malayo palang ay nakikita ko na sina Nagyung, Chaewon at Yena na nakatayo sa tapat ng dormitoryo.

"Dito na po." Inabot ko sa driver ang bayad na halos doble kung ikukumpara sa normal na singil dahil nga mabigat ang mga dala ko.

"Ang dami naman nito ate. Sayo to lahat?"

"Hmmm, pwedeng patulong?"

"Oo naman. Saan ba to galing?"

"Mga gamit ko to na naiwan sa dati kong apartment, ngayon ko lang nakuha."

Tinulungan din kami nung guard ng dorm na maipasok sa kwarto namin lahat ng dala ko. Nanuod lang yung tatlo habang kinakalkal ko ang mga gamit ko.

Una kong binuksan ay ang pinakamalaking luggage. Nandito ang mga iniingatan kong mga mamahaling damit, buti naman at naisipan ni Jeongin na ayusin to nung umalis ako sa apartment.

"Grabe ate, ang dami mong damit. Kaya pala ang unti ng dinala mo eh."

"Tatlong taon na tong nastock, lalabhan ko pa."

Itinabi ko muna sa sulok ang pinakamalaking luggage at binuksan ang kasunod. Punong puno iyon ng mga sapatos ko, heels, flats, sneakers at mga slippers na puro feathers. Nandun din ang socks ko at mga belts.

"Buti naayos to ni Iyen." Bulong ko at napapangiti nalang.

Itinabi ko ulit ang ikalawang luggage at binuksan ang huli. Nandun ang lahat ng hoodie jackets, track pants at malalaking tshirt na hinihiram ko sa kanila. Nandito din ang mga hoodies ni Minho at ang mga damit nya na hindi ko na naisauli. Nandito din ang mga school bags at sling bags ko na puro mamahalin.

Inisa isa ko ding buksan ang mga boxes. Yung unang box ay ang laptop ko at mga chargers, nandito din ang camera ni Seungmin at ang isang katerbang flash drives na hindi ko na naisauli.

"Pasaksak nga." Inabot ko kay Yena ang laptop at camera at mga chargers at laking gulat ko nang umiilaw pa ito at kumakarga.

Ang ikalawang box naman ay may lamang libro ko na puro fictions at tungkol sa vampires.

Ang ikatlong box naman ay may lamang neck pillow, mga pencil cases, mechanical pencils na naiwan ni Minho, erasers at mga eye covers na ang cucute ng prints.

"Ang cute naman. Di ko akalaing mahilig ka sa mga ganyan." Komento ni Chaewon.

At nang buksan ko ang huling box, puno ito ng picture frames at mga photo albums. Bumungad agad sa akin ang picture namin ni Minho noong nasa Astronaut kami. Isinara ko agad ang box na yun at itinulak papunta sa sulok.

Hindi ko pa ata kaya.

Umiling iling ako at binuksan ang gym bag na pag mamay ari ata ni Jeongin.

"Ate, sayo yan?" Natatawang tanong ni Yena habang nginunguso ang mga laman ng gym bag na puro undergarments na naiwan ni Minho.

"Hindi. Sa asawa ko ito."

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now