Chapter 50

783 13 8
                                    

"Yeay! We are going to ride a plane!" sigaw ni Athena. Super excited kasi siya dahil pupunta sila sa Manila. First time niyang makakasakay ng eroplano.


"Daddy Noel Oops!" napatakip ng bibig ang bata at napatingin kay Ashley "Tito pala!" pagklaro niya.

"Ano yon baby?" tanong ni Noel.

"Saan tayo first na magpupunta pag nasa Manila na tayo?"

"Ikaw saan mo gusto?"

"Pwede po ba sa Zoo?"

"Kung yan ang gusto mo. Sige pupuntahan natin yan!"

"Yeaay! Thank da-. . . TITO NOEL!"



Kinarga na ni Noel ang bata at naunang lumabas ng bahay. Nasa kotse na si Angel, habang nasa kwarto pa sina Jerald at Ashley nagliligpit ng mga damit.

"Alam mo kung anu-ano talaga ang sinasabi mo sa bata!" inis na sabi ni Ashley kay Jerald.

"Anong anu-ano? Totoo naman eh!" panunukso ni Jerald. Hindi na nanlaban si Ashley dahil pinipigalan niya ngumiti.


Hindi pa alam ni Ashley na alam na ni Noel ang totoo kaya palagi niyang sinusuway si Athena sa tuwing tinatawag nitong daddy si Noel.

Ngayon pupunta sila sa Manila dahil miss na miss na niya si Anna.




Papasok na ng kotse sina Ashley at Jerald. Nasa loob na sina Angel, Noel at Athena. Pumasok na sa driver's seat si Jerald. Binuksan na rin ni Ashley ang passenger's seat pero may nakalagay na gamit doon kaya hindi siya pwedeng umupo doon. Pumasok siya sa likod. Uupo sana siya sa second row na may tatlong upuan. Nasa tabi ng bintana si Angel, nasa tabi nito si Athena, at mga gamit ulit ang nasa tabi ni Athena kaya hindi na naman siya pwede umupo doon.

"Ash sa likod ka nalang umupo" nakangiting sabi ni Angel. Walang choice si Ashley kundi sa likoran na umupo kung nasaan si Noel.

May apat na upuan roon. Mula sa bintana sa kaliwa ang dalawang upuan ay may nakalagay ulit na mga gamit, sa tabi nito nandoon nakaupo si Noel at ang natitirang bakante ay ang upuan malapit sa kabilang bintana (Gamit – Gamit – Noel - Vacant Seat). So, magkakatabi sila ni Noel. Kinuha naman ni Ashley ang mga gamit na nasa kanang bintana at inilipat ito sa kabila para maging Vacant Seat – Gamit – Noel - Gamit ang arrangement. Hinayaan lang ni Noel si Ashley hanggang sa makaupo na ito. Isang minuto ang lumipas ay nakipagpalit ng upuan si Noel sa gamit na nasa tabi niya at nagin Ashley – Noel – Gamit – Gamit ang arrangement. Magkatabi na sila at wala nang kawala si Ashley. Hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ngayon dahil katabi niya ang lalaking mahal niya.


Nag-apir naman sina Angel at Athena. Palihim din na nag thumbs up si Jerald kina Angel. Pinagtutulungan nila ang walay kamalay-malay na si Ashley.



Habang nasa byahe ay nag text si Jerald kay Angel sabing 'Hawakan mo ng mabuti si Athena' nag reply naman si Angel ng 'Okay Okies.'


Pagkatapos ay biglang muhinto si Jerald dahilan para mausog paharap ang mga sakay ng kotse. Nahulog ang mga gamit, buti nalang mahigpit na hawak-hawak ni Angel si Athena.

Sa likoran naman ay mahigpit na hinawakan ni Noel beywang ni Ashley para hindi ito mausog at malaglag sa upuan lalo na't hindi sila nagsuot ng seat bealt.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now