Chapter 43

198 5 0
                                    

"SHIT!" galit na inihagis ni Noel ang phone niya dahilan para masira ito.

"Kuya anong nangyari?" nagtatarantang tanong ni Angel. Ngayon niya lang nakitang nagalit ng ganito ang kuya niya.

Kilalang mabait at kalmado si Noel na bumagay sa mala anghel niyang kagwapohan. Ngunit ngayon ay tila sinapian siya ng pitong demonyo sa sobrang galit.

"Alam mo ba kung nasaan si Ashley?" tanong ni Noel kay Angel.

"N-nasa h-hospital kuya binabantayan si Chleo" nauutal na sagot ni Angel. Natatakot siya ngayon kay Noel.

Agad lumabas ng condo si Noel para magpunta kay Ashley.

Napahawak nalang sa dibdib si Angel dahil sa sobrang kaba. Agad niya ring kinapa ang phone para tawagan si Ashley. Nasa isip niya na baka nag away si Ashley at kuya niya.

Nakailang tawag na si Angel pero hindi sumasagot si Ashley kaya lumipat siya sa pagtawag kay Anna at agad naman itong nakasagot.


"Hello Angel napatawag ka?" sagot ni Anna.

"Hello Anna, nasaan ka ngayon?" natetense na tanong ni Angel.

"Nasa bahay nagluluto ako ng pagkain para dalhin sa hospital mamaya, bakit?"

"May nalalaman ka bang nag away si Kuya at si Ashley?"

"Ha? Wala naman bakit?"

"Si kuya kasi galit na galit siya. Hindi ko alam kung bakit pero tinanong niya kung nasaan si Ashley"

"Wala namang nababanggit sa akin si beshy na nag-away sila" sagot ni Anna.

"Anna puntahan natin sila baka nag-aaway eh. Ngayon ko lang nakitang ganoon ka galit si Kuya" kinakagat na ni Angel ang koko niya dahil sa sobrang kaba.



Tumatakbo si Noel papunta sa kwarto ni Chleo. Pagdating niya doon si Bryan lang ang naabutan niya.

"Bro nasaan si Ashley?" hinihingal na tanong ni Noel.

"Lumabas siya hindi ko alam saan siya pupunta" sagot ni Bryan.

Nakita naman ni Noel ang bag ni Ashley sa table kaya feeling niya nasa loob lang ng hospital si Ashley.

Nahalughog na niya ang loob ng hospital tanging ang girl's rest room nalang ang hindi dahil hindi siya pwedeng pumasok doon.


Napahinga siya ng malalim at pumasok sa Cr.

Pag pasok niya super O-A namang nagsigawan ang tatlong nurse na nandoon sa loob.

"Sssshhh I won't do anything bad to you girls" suway ni Noel at napapakamot pa siya sa ulo niya.

"It's okay Sir you can do what you want" malanding sagot ng isang nurse kaya binatukan siya ng isa niyang kasama.

"Magtatanong lang ako kung may nakita kayong babae rito. Morena siya, mahaba at wavy ang buhok, mga ganito siya ka tangkad" inilevel naman ni Noel ang kamay niya sa bandang dibdib.

Natulala naman ang tatlong nurse sa super gwapong tagalog speaking foreigner sa harapan nila.

". . .at super ganda rin siya" awkward na dagdag ni Noel.



Umupo si Noel sa isang bench na nasa hallway ng hospital, napagod siya sa kakahanap kay Ashley.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now