Chapter 41

192 3 0
                                    

"Sir nakahanda na ang lahat"

Nakatago ang mga sundalo, ang pribadong grupo na binayaran ni Claude, si Reymond, si Bryan at si Noel sa mga halamanan at mga bato na di kalayuan sa dalampasigan. Inaabangan nila ang pagdating nga mga rebelde.


Flashback*

"Claude ano bang nangyayari?"

"Wala akong oras upang magpaliwanag sayo Noel. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas si Ashley"

"Claude sabihin mo sa akin sinong may pakana nito? Totoo bang terror attack lang ang motibo ng lahat ng ito? Alam kong alam mo na ang rason Claude kaya sabihin mo sa akin" naiinis na si Noel.

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Claude sa kabilang linya "Noel personal ang dahilan ng lahat ng ito. Gusto akong ipakasal kay Selena at para pumayag ako binihag nila si Ashley"

"Ano?" hindi nagulat si Noel na pinilit lang si Claude na magpakasal, ang ikinagulat niya ay hindi niya inaasahan na konektado pala ang pagkakadakip ni Ashley sa hangarin ni Eross Grandet.

"Noel humingi ako ng isang malaking pabor sayo. Iligtas mo si Ashley, kahit anong mangyari wag mong hahayaang mapahamak siya" sa unang pagkakataon ay humingi ng personal na pabor si Claude sa iba.

"Makakaasa ka Claude" sagot ni Noel. Siya naman ang napabuntong hininga "Paano ka? Magpapakasal ka ba talaga kay Selena?"

"Hindi ko magagawang magpakasal sa iba. Hindi ako sisipot sa kasal bukas, kaya umaasa akong maililigtas niyo siya bago pa magsimula ang kasal"

Bago pa man matapos usapan ay muling nagsalita si Noel "Claude gagawin ko lahat bilang pagbabalik ng utang na loob ko sayo. Handa kong ipaubaya sayo si Ashley kaya wag mo sana siyang saktan"

"I won't hurt her" sagot ni Claude.

"Pag nasaktan siya" napatigil saglit si Noel "Tandaan mo nandito lang ako nakahandang sumalo sa kanya at sa oras na mangyari yon, HINDING HINDI KO NA SIYA BIBITAWAN!"

End of flashback*


Ilang sandali pa ay nakita na nila ang mga paparating na rebelde kasama sina Chleo at Ashley.

"Tandaan niyo, hangga't maari mag-iwan tayo ng isang buhay sa kanila para paaminin" paalala ng isang sundalo.

"Hindi ko maipapangako iyan, sa oras na magkagipitan mas pipiliin ko ang kaligtasan ni Ashley kahit wala pang matirang buhay sa mga rebelde na yan!" sagot ni Noel habang mahigpit na nakahawak sa kanyang pistola.

"Mas importanti ang kaligtasan ni Chleo at Ashley kesa buhay ng mga rebelde na yan" segunda naman ni Bryan na mahigpit ring nakahawak sa pistola niya.


Sa isang simbahan sa US.

"Where's your son Zackary Jude Schneider?" tanong ni Eross sa daddy ni Claude habang sarkastikong nakangiti.

"I've told you I can't control him" malamig na sagot ni Jude.

Napasinghap naman si Eross "I think I should go for Plan B. Plan A just failed so I must throw it anyway" tumayo siya at naglakad papunta sa isang tahimik na bahagi ng simbahan.


Tinawagan ni Eross si Hermano.

"She don't have any use now" sabi ni Eross.

"What do you want to do with her?" tanong ni Hermano.

"KILL HER!"


The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now