Chapter 24

294 10 0
                                    

Sa hospital.

"Doc kumusta po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Rowena sa doctor na kakalabas lang sa Emergency Room.

"Ligtas na po ang pasyenti pero kailangan pa namin siyang obserbahan. Malakas ang pagkakabagok ng ulo niya kaya dapat namin ma sure kung walang hemorrhage ang utak niya. May possibility rin na magka amnesia siya pero ipagdasal po natin na sana walang maging complications para maaga siyang ma discharge"

"Pwede na ba namin siyang puntahan doc?" Tanong ni Joseph.

"Opo pwede na po. Magigising na rin siya maya-maya"

Agad pumasok ang mag-asawa sa kwarto at laking tuwa nila na makitang gising na si Ashley.

Sa loby naman ng hospital nagkasalubong sina Anna, Bryan, at Claude.

"Nasaan si Ashley?" Nag-aalalang tanong ni Claude.

"Sabi ni tita nasa Room 218 na si Ashley. Ligtas na siya" sagot ni Anna.

Nakahinga naman ng maluwag ang kakarating lang na si Claude.

Nakita niyang may bitbit na pagkain sina Bryan at Anna.

"Anna ako na magdala niyan" alok ni Claude na ikinamangha ni Anna.

Nagpapalakas lang maman si Claude sa Bestfriend ng babaeng napupusuan niya. Ahem!

Nang makapasok na sila sa loob ay laking tuwa nila dahil gising na si Ashley. Nakaupo na ito sa kama.

Agad tumakbo si Anna kay Ashley at niyakap ito. Hindi naman umimik si Ashley.

"Beshy buti nalang at ligtas ka. Huhuhu" hindi napigilan ni Anna ang pagtulo ng luha niya dahil sa tuwa.

"Ash kumusta ang pakiramdam mo may masakit ba sayo?" Tanong ni Bryan.

"Sobra akong nag-alala sayo Ashley, ano bang nangyari" sabi ni Claude

Inisa-isa naman silang tiningnan ni Ashley. Hindi nito sinagot ang mga tanong nila.

"Ahm tita okay lang ba si Ashley?" Tanong ni Anna habang hinimas-himas ang kamay ni Ashley.

"Hindi pa siya nagsasalita mula nang magising siya" sagot ni Rowena.

"A-ano ho?"

"Sino ba kayo?" Tanong ni Ashley na ikanagulat at ikinabahala nilang lahat.

"Anak" sambit ni Rowena saka lumapit kay Ashley. "Hindi mo ba ako natatatandaan?" Umiling si Ashley. "Anak ako ang mama mo" umiyak na si Rowena.

"At siya" itinuro niya sa Joseph. Lumapit na rin si Joseph sa anak nito at hinawakan ang kamay nito. "Siya ang papa mo anak"

"Beshy" sabat naman ni Anna na nakahawak pa rin sa kamay ng kaibigan. "Ako si Anna ang bestfriend mo. Wag mo naman akong kalimutan beshyyyy" umiyak na talaga siya na may kasamang paghikbi. Hindi niya matanggap na nakalimutan siya ni Ashley at ang mga masasayang memories nila.

"Ash. Ako si Bryan Terrofi ang teacher mo at" napatigil siya, hindi pa alam ng parents ni Ashley na may gusto siya sa anak nila. "Kaibigan mo rin ako" dagdag niya.

"Ashley. Ako naman si. . ." matagal na panahon na rin ang lumipas ng huling banggitin ni Claude ang totoong pangalan niya. Labag sa kalooban niya na banggitin ang pangalang ibinigay sa kanya ng daddy niya. Pero sa muling pagkakataon, babanggitin niya ito upang magpakilala muli sa babaeng napupusuan niya. "I am Zackary Jareth Schneider" dahan-dahan niyang binigkas ang pangalang iyon. Gusto niyang tumatak sa puso ni Ashley ang pagkatao niya upang hindi na siya nito makalimutan kung may ikalawa mang pagkakataon na makalimot ito muli. "Pero tawagin mo nalang ako na Claude dahil mas maganda ang pangalan na yon" ngiti niya sa dalaga na nakatitig lang sa kanya.

"Saan kita nakilala?" Tanong ni Ashley habang walang kurap na nakatitig kay Claude.

"Nagkakilala tayo sa chat" napangiti si Claude nang maalala ang unang chats nila ni Ashley. "Nagalit pa nga ako sayo noon pero tinagalogan mo ko at tinulugan pa kaya nainis ako lalo sayo" bahagya siyang natawa dahil legit talaga ang pagkainis niya kay Ashley noon.

"Nainis ka sa akin? So hindi tayo friends?"

"Nong una lang ako nainis sayo. Pero di nagtagal naging friends din tayo."

"A-ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Claude"

"Hindi yong isa mong sinabi kanina"

"Zackary Jareth Schneider"

Natahamik naman sila lahat. Ilang saglit pa ay nabasag ang katahimikan ng biglang tumawa si Ashley.

Tawang-tawa talaga siya na ikinapangamba nila.

"Tita baka nasira ang katinoan ni Ashley dahil sa pagkabagok" nag-aalalang sabi ni Ashley.

"Mahal tumawag ka ng doctor" utos ni Rowena kay Joseph na agad namang sumunod.

Paalis na si Joseph ng pigilan siya ni Ashley.

"Pa wag ka tumawag ng doctor nagbibiro lang naman ako eh" sabi niya at hinihingal na siya sa kakatawa.

"So wala kang amnesia?" Tanong ni Anna.

"Wala! Ano ba kayo? Nabagok lang naman ako. Ang OA niyo ha! Pero alam niyo ang epic ng face niyo kanina super! Nakakatawa talaga" napapahid pa siya sa luhang lumabas sa gilid ng mga mata niya dahil sa kakatawa.

"Si mama hindi na ako nabigla sa reaksyon niya. Si papa parang na bading ng konti. Ikaw naman besh para kang nabasted ni Louie. Si Sir Bryan naman napilitang magsinungaling. At si Sir Claude" napatigil siya sandali para huminga. "Kay Sir Claude talaga ako natawa ng sobra" tawa niya ulit at napapahawak na siya sa tiyan niyang sumsakit na dahil sa kakatawa.

"Alam mo Sir para kang kindergarten na nag iintroduce ng sarili sa harap ng klase" patuloy ulit siya sa pagtawa.

"Mahal pigilan mo ko. Anak natin to at may sugat to" bulong ni Joseph kay Rowena.

"Ako ang pigilan mo mahal. Gustong-gusto ko na talaga bingutan sa tenga ang anak natin" sabot naman ni Rowena.

Umakbay naman sa kanilang dalawa si Claude na pinipigilan din ang sarili. "Relax lang po tito, tita. Gumanti nalang tayo kapag magaling na siya. Sobrang nainis talaga ako sa ginawa ng anak niyo!"

"Sir Bryan labas muna tayo sandali parang ang daming kampon ni satanas ang nag-uudyok sa akin na sabunotan si Ashley eh" sabi ni Anna kay Bryan.

"Sige labas muna tayo. Kung hindi ko lang mahal ang bestfriend mo mag checheer pa ako sayo habang sinasabunotan mo siya"

Samantala hindi pa rin maawat sa kakatawa si Ashley. Tuwang-tuwa siya sa ginawa niya.

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now