Chapter 26

286 11 0
                                    

Kinabukasan sa hospital.


Pasalampak na pumasok sa hospital room ni Ashley si Chleo. Naabutan niyang nagbabasa ng libro si Ashley doon. Napatingin naman si Ashley kay Chleo nang makapasok na ito sa kwarto niya.

"Bakit mo hindi sinabi kay Sir Bryan na tinulak kita?" galit na tanong ni Chleo.

Silang dalawa lang ni Ashley ang nasa loob ng room. Wala ang parents ni Ashley. Umuwi ng bahay si Rowena para kumuha ng mga gamit. Si Joseph naman ay pumasok sa motorshop ni Bryan.

Kunwari namang napaisip si Ashley, "Mmmm, Ha? Tinulak mo ba ako?" maang-maangan niya.

"Ashley anong pinaplano mo?" inis na inis si Chleo sa kanya.

"Alam mo ikaw ang init ng ulo mo sakin. Masama sa heart yan. Sige ka gusto mo bang madeadosh ng maaga? Mahaheart attack ka nalang sa akin" bwelta ni Ashley.

"Bakit nga hindi mo sinabi ang totoo?"

"Haler? Paano ko sasabihin ang totoo wala naman akong ebidensya na tinulak mo 'ko. Wala rin namang ibang nakakita sa nangyari kundi 'yong mga friendship mo!"

"Kahit wala kang ebidensya paniniwalaan ka naman ni Sir Bryan" pinigilan ni Chleo na manginig ang boses niya. Masakit para sa kanya na sabihin yon. Pinapaalala lang yon sa kanya na iba ang mahal ni Bryan.

Napabuntong hininga naman si Ashley. "Okay fine, ganito nalang. Hindi kita isusumbong, at wag mo rin ipagkalat ang mga pictures na hawak mo."

Natawa naman si Chleo sa sarili niya. Oo tinakot niya si Ashley na ipagkakalat niya ang pictures pero ang totoo hindi niya magagawang ipahamak si Bryan. Hindi niya magagawang ipahiya ang lalaking mahal niya.

"Isa pa, ayoko ring pareho tayong ma expel sa school. 2 months nalang, gagraduate na tayo" dagdag ni Ashley. Hindi niya rin maitago ang saya.

Napatitig nalang ni Chleo kay Ashley na ngayon ay nakangiti. Ibinalik na rin nito ang atensyon sa binabasang libro.

'Hindi nakakapagtaka kung bakit ka niya minahal. Matapang ka at masayahin bagay na wala sa akin' sabi ni Chleo sa isip niya.


Umalis si Chleo na hindi nagpapaalam kay Ashley. Padabog ulit siyang lumabas sa kwarto. Natigilan siya nang makita niya ang isang matangakad na foreigner. Napakamaamo ng mukha nito. Parang isang anghel sa mga painting.

Ngumiti ang lalaki sa kanya at nagtanong "Is Ashley awake?"

Natameme naman si Chleo at tanging pagtango lang ang naitugon niya sa lalaki. Ngumiti naman muli ang lalaki saka pumasok sa kwarto ni Ashley.



Sa loob ng kwarto.

"How are you? Are you feeling okay now?" tanong ni Noel kay Ashley.

Tumango naman si Ashley at ipinatong ang librong binabasa niya sa side table.

"Still studying while in the hospital?" tanong ulit ni Noel habang nakatingin sa librong nasa mesa.

"I have to. I don't want to waste the 2 more months" sagot ni Ashley habang nakangiti. Kahit may malaking bandage ito sa ulo ay tila wala lang ito sa kanya.

"Ang sipag mo" sabi ni Noel na napaka slang pakinggan na parang kumikiliti sa tenga ni Ashley. Mas lalo na tuloy siyang napapangiti.

"Nag-aaral ako magtagalog" dagdag pa ni Noel. Namumula naman ang mga pisngi niya. Hindi kasi siya sure kung tama ba ang mga sinasabi niya.

"I hope I said it right" nahihiyang sabi niya.

"You're right" sagot ni Ashley.


Bigla namang bumukas ang pinto at pareho silang napatingin kay Claude na kakapasok lang.

Napakunot naman ang nuo ni Claude ng makitang nasa loob ng kwarto si Noel.

"What are you doing here?" tanong ni Claude at inilapag sa mesa ang dala niyang mga prutas.

"Visiting her. Am I not allowed?" sagot naman ni Noel.

Hindi naman nagsalita pa si Claude. Naiirita talaga siya kay Noel. Kahit kailan ay hindi siya tinatantanan nito.

Tanging si Noel lang ang taong hindi natatakot sa kanya. Noong mag High School siya lahat ng mga sumubok makipagkaibigan sa kanya ay agad sumusuko maliban nalang kay Noel na matiyagang sumusunod-sunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Kahit ilang beses niya itong ipagtabuyan ay nariyan pa rin ito.

Tumigil lang ito ng magtapat kay Claude si Angel na gusto niya ito. Mula noon ay nagbago rin si Noel, mula sa pakikipagkaibigan ay nag-iba ang rason kung bakit ito lapit ng lapit sa kanya. Pinagpipilitan na ni Noel ang kapatid niya kay Claude na mas ikinainis ni Claude.

Binabalatan ni Cluade ang mansanas para kay Ashley. Nagbalat rin ng orange si Noel para kay Ashley.

Nagkatingan silang dalawa at nagpaunahan sa pagbabalat. Sa nakakainis na pangyayari ay sabay pa silang natapos.

Nagpaunahan naman silang lumapit kay Ashley.

"Ash mas masarap ang mansanas"

"Orange is more delicious"

Napatingin naman si Ashley sa mansanas at orange na iniabot sa kanya. Sabay niyang kinuha yon.

"I'll eat them both don't worry" sabi niya. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang pakikipagkompetensiya ng dalawa.


Bumukas naman ulit ang pinto at napatingin silang tatlo kay Angel at Selena na kakarating lang.

Napatingin ang dalawang babae kay Claude at Noel na nakatayo. Sunod naman silang napatingin kay Ashley na nakaupo sa kama habang hawak-hawak ang mansanas at orange.

Unang kita pa lang ni Angel at Selena kay Ashley ay nainis na sila sa mukha nito. Ang mukhang nakapagpa-ibig sa isang Zackary Jareth "Claude" Schneider. 

The Obsession of Three HeartsWhere stories live. Discover now